Chapter 16: Shout it out!

182 35 1
                                    

<<>>LUCY<<>>

patakbo na sana ako para sundan si Koname ng may humawak sa kamay ko...

"Sandali miss.. di ba ikaw si Lucy?" sabi ng isang babae na ikinabigla ko. "ikaw yung vocalist ng Black Shadow Band di ba?"

Black Shadow...na-aalala nyo ba? nung isiniwalat ni Cindy yung one of the secret ko sa school...

Vocalist? Ako?..totoo yan..


Kumakanta ako NOON..pero ngayon, hindi na...why? Nagfufucos ako sa pag-aaral...isa rin yan sa rason kung bakit ako nagdedisguise as a nerd..dami kasi nakakakilala sa akin na Black Shadow Vocalist..

"h-how did you know?" nag-aalala kong tanong..napaenglish tuloy ako ^_^..

"suot mo yung symbol ng Black Shadow Band..At halata namang ikaw si Lucy dahil ang sexy at ang ganda mo" sabi pa nya.

Symbol? Ah Gamit ko nga pla yung necklace ng Black Shadow Band..pinasuot kasi ng barkada ko sa akin, kasi nga raw, buo na kami..ay mali..kulang pa pala ng isa..wala pa si Lawrence..ang pinakakaiba sa amin..ang crossdresser ng Black Shadow..pero dati yun...


(want to know about him? Basahin nyo yung Ang Crush Kong bading..)

"Ah okey, pero excuse me miss..nagmamadali pa kasi ako" sabay takbo ko palayo dito..

Hahabulin ko pa kasi si Koname..baka kung anong manyari don..


<<>>Koname Pov<<>>

Mga ilang minuto pa ang lumilipas ng may umupo sa kabilang swing kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin dito.

"Alam mo ba? sabi nila pag may dinidibdib ka ay dapat ilabas mo yan kasi pag hindi mo inilabas at dinibdib mo, habang buhay mo na raw yan dadalhin at makakasama raw ito sa iyo tapos iyang lungkot at sakit dyan sa puso mo ay dapat maaga pa lang ay dapat alam mo na kung paano ito hilomin kasi kung mas maaga, mas maganda. Kung matagal naman ay mas magdudusa ka lang. " sabi ng babaeng nakaupo sa swing.

She's Lucy. Sinundan niya pala ako ng hindi ko alam.

"Anong ginagawa mo rito?" mataray kong tanong.

"narito ako para samahan ka"

Hindi ko alam pero may nakita akong lungkot sa mga mata niya. Bakit naman ito malolongkot?dapat nga matuwa pa siya kasi...akong si Koname na laging gumagawa ng masasama sa kanya ay nakakaawa ngayon sa harap niya.

"hindi ko kailangan ng awa mo, kaya umalis kana!" pagtataboy ko rito.

Pero imbes na umalis ito ay may nilabas itong cellphone at nagtipa. Maya maya ay may sinabi ito.

"I don't think it's completely such bad thing to cling to one person, but you have any number of people all around you. People are always connected to one another. You see? Just reach out your hand, and there's someone right here" wika nito habang nakatingin sa screen ng cellphone nito.

"anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya kahit nagets ko naman ang gusto niyang ipahiwatig.

"ah wala" sabi nito habang nakangiti " binasa ko lang iyong fairytail qoutes sa cellphone ko, maganda kasi"

"fairytail qoutes?"

"yup, simula kasi ng pinanood sa akin ni Bhesty tong FAIRYTAIL eh nagustohan ko na, kaya nga dalawa na ang kinakaadickan ko ngayon eh^^"

"What ever!"

Hindi ko alam pero parang gusto kong maglabas ng sama ng loob sa kanya, Hindi naman siguro masamang maglabas ng sama ng loob sa kanya dahil siya na rin ang nagsabi na narito siya para samahan ako. Pero bakit siya pa? ang babaeng kinaiinisan ko sa lahat. Ang babaeng unang nakasuntok sa akin at ang pinsan ng mahal ko na KAPATID ko pala.

Narito Si Lucy ngayon sa tabi ko para damayan ako, kahit na naging masama ako sa kanya. Hindi ko alam sa babaeng ito kung bakit ang bait bait niya kahit inaapi na siya, kaya inis na inis ako sa kanya eh pero ngayon? Hindi na inis ang nararamdaman ko sa kanya...

"gusto mo?" biglang basag ni Lucy sa katahimikan.

May inabot itong mansanas sa akin at tinanggap ko naman.

"Kung gusto mong magwala, magwala ka lang, hindi kita pipigilan. Kahit sumigaw ka ng sumigaw okey lang" wika nito habang kumakaen ng mansanas.

Lumingon lang ako sa kanya.

"Alam mo ba yong feeling na gustong gusto mong ibalik yong dati?iyong dati na wala kang prenoproblema at Iyon bang gusto mo agad mawala sa dibdib mo iyong galit at sakit?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kagatin yong binigay niyang mansanas sa akin.

"oo, naranasan ko na yan noon at nalampasan ko, kaya alam ko na malalampasan mo rin yan"

"sa tingin mo?...kaya ko kaya siyang kalimutan?" tanong ko sa mahinang boses habang nakatingin ako sa mansanas na hawak ko.

"oo naman, kahit na alam kong hindi madaling makalimot ng isang taong mahal mo, kailangan mo pa ring mag move on. Kasi mahirap din ang mabuhay ng umaasa sa wala,hindi rin na mang pwedeng panghabangbuhay ay may kinikimkim ka dyan sa puso mo" sabay ngiti nito ng mapait. "dapat kahit wala na iyong mahal mo sa iyo dapat marunong ka pa ring lumaban, kailangan mong magmove on dahil hindi panghabag buhay sa kanya umiikot ang mundo mo. Tandaan mo THE SHOW MUST GO ON." Dugtong pa nito.

Hindi ko alam pero feeling ko mas ang bigat ng napagdaan nito kesa sa akin ngayon. Mabuti pa siya matapang, kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit na wala siyang kasama, marunong siyang gumawa ng paraan para malagpasan ang mga pag subok na dumarating sa buhay niya.

Unlike me :(

"Tama ka nga, hindi dapat ako agad sumusuko, kailangan kong ipagpatuloy ang dati kong buhay, hindi ko kailangan magpaapekto. Kahit mahirap kailangan kong gawin dahil gaya nga ng sinabi mo, mahirap umasa sa wala. Kailangan kong alisin sa dibdib ko ang pagkagusto ko kay Justin Denice, kailangan ko itong palitan, kailangan ko siyang mahalin bilang kapatid at hindi na dapat hihigit roon. Kailangan ko tong gawin para sa akin...at para na rin sa kanya."

"Bakit di ka sumigaw?mas makakabuti sayo pag isinigaw mo yang nasa loob mo".

Siguro nga tama siya...tama siyang kailangan kong ilabas ang salaubin ko, makakatulong siguro ang pagsigaw sa bigat na dinadala ko rito sa dibdib ko ngayon.

"KAYA Ko ITO!!!!" sigaw ko

"KAYA NIYA" sigaw din Lucy

"KAYA KO SIYANG KALIMUTAN!!!!"

"MAKAKALIMUTAN KA RIN NIYA!!!"

"IPINAPANGAKO KO! MAKAKALIMUTAN NA kitA BUKAS NA bukaS RIN!!!"

"PINAPANGAKO NIYA!!!!!"

"MAPAPALITAN DIN KITA SA PUSO KO BALANG ARAW!!!!"

"MAKAKAHANAP DIN SIYA NG IBA!!!!

Sumigaw lang kami ng sumigaw hanggang maubosan kami ng boses.

Salamat kay Lucy dahil medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko. Nakakatawa di ba? iyong taong hindi mo inaasan na magpapagaan ng loob mo ay iyong taong hindi mo aakalaing dadamayan ka sa oras na kailangan mo ng taong maiiyakan.

.......................................

Author: sa wakas..nagkadugtong dugtong din...thanks sa mga readers!

Comment na!

I dedicate this chapter to mz --Yoona--

Thanks sayo..binabasa mo mga gawa ko^_^ and salamat sa pagvote^_~

Next chap, idedicate ko kay ..? Secret muna hihihi

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon