Pagdating ko sa classroom namin ay nagulat ako ng makitang ang mga masasamang tingin sakin.
"Mabuti naman at naisipan mo pang pumasok!" sigaw sakin ng Class President namin. Edi ako na late
Hindi na ako umimik at tahimik lang na naupo. Ayoko siyang sagot-sagutin dahil nirerespeto ko siya bilang Class President. At bibihira kang makakakita ng mga taong nirerespeto ko.
"Gaya ng sabi ko kanina, malapit na ang School Festival at kailangan pa natin ng booth para sa classroom natin"
Kinuha ko ang mga papeles para sa School Festival at isa isa itong binasa habang busy sila sa pagdiscuss. Wala na din naman akong katabi kaya malaya kong nagagawa ang dapat kagabi ko pa ginawa. Kung di lang dahil sa party na iyon kagabi ay natapos ko na sana ito
"Ano yan ha?!" agad kong isinara ang folder at inilagay sa bag "Bakit di ka makinig kahit minsan lang!"
"Pakialam mo?" tanong ko rito
"Hoy! Stockholder dito ang mga magulang ko----"
"Ikaw na mismo ang nagsabi, Mr. Delos Reyes. Stockholder ang MAGULANG mo. Hindi ikaw" kinuha ko ang mga gamit ko at umalis ng walang paalam. Tss, bakit ba kasi ako pa ang pinili na maging SCP (Student Counsil President)
Sa rooftop ako dinala ng mga paa ko. Buti nalang at ako lang ang pwede dito. Nasa akin lang kasi ang susi. Naupo ako sa lamesa ko, buti nalang talaga at may bubong itong lugar na ito dahil kung wala ay malamang sunog na ako...
Isa-isa kong nilabas at binasa ulit ang mga files. Hindi ko pinirmahan ang mga papel na nagrerequest ng mga artista, pageants at ng mga mamahalin na mga rides. Maliit lang ang binigay na budget para rito at kung maaari ay simple lamang ang paghahanda para sa festival dahil mas engrande naman ang Foundation Day
"Anong ginagawa mo rito?" tanong sakin ng isang pamilyar na boses.
Nilingon ko ang pinto. Siya nga "Restricted Area ito, tanging ang SC President ang pwede rito"
"Parang hindi mo naman ako kilala"
"Sino ka nga ba?" parang kinurot naman ang puso ko, yun ay kung meron pa man ako nito.
"Mike, please leave me alone"
"I'm sorry, are you talking to me? I don't talk to strangers"
"Hindi mo ako maintindihan"
"Hindi maintindihan ang alin, Pat? Hindi ba't ilang beses mo nang pinaintindi sakin kung ano yang nararamdaman mo?! Na ayaw mo sa akin?! Na wala kang nararamdaman para sakin?!"
Michael Enriquez, my bestfriend that I couldn't love back, left me dumbfounded, for the 2nd time...
"Tsk, ang tanga mo talaga" sabi ko sa sarili ko at sinimulan ko na ulit ang pagbabasa ng mga files.
Eksaktong lunch time ng matapos ako. Papunta na ako sa office para i-submit ang mga ito kay Sir
Kaso kung minamalas ka nga naman... Nakasalubong ko pa si Nio at ang sama pa ng aura na nakapalibot sa kaniya
"Tabi!" sigaw niya dun sa babae bago ito itinulak.
Nice, tulak muna bago sigaw
Dahil nga ako na ang pumalit kay Wonderman, nilapitan ko yung babae kahit na alam kong mainit ang ulo sakin ng lalaki na ito. Inabot ko ang kamay ko sa babae para matulungan siyang tumayo. Kinuha niya naman ito at nakayukong tumayo. Una kong tinignan ang kaniyang mga braso kung sakaling may mga sugat. Nang masiguro kong wala naman siyang galos ay inis kong tinignan ang lalaking kanina pa nakakunot ang noo
BINABASA MO ANG
Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!
RomanceA love story gone wrong. Just when you think it's okay, it's when eveything goes wrong. A story about business, family, love, siblings and trials. Watch as our antagonist take up the challenges of life. But can she do it? Can she succeed? Can a gi...