"Nio's Pov"
Unang-una, bago pa man kayo kiligin ng todo diyan, let me explain.
Hindi naman sa nagseselos ako o ano. Sayang kasi yung effort kong maglakad! Nagpapahinga pa sana ako sa classroom ngayon kung hindi lang dahil kay Derick edi sana natutulog pa ko ngayon. Teka nga, bakit nga ba ako nakinig sa lalaking yon?
Ah ewan.
"Hindi ba't bawal ang magcutting classes?" iritadong tanong ko
"Excused ako lagi"
Tinignan ko ng masama si Fortes. At talagang may gana pa siyang sagot-sagutin ako?
"Ikaw , oo pero siya hindi" pagtutukoy ko sa katabi niya
Aaminin ko, minsan nagpapaalam ako na pupunta ng C.R pero ang totoo niyan ay natutulog lang ako sa canteen. Nagcucutting din ako, pero gaya ni Fortes ay excused ako lagi. Siyempre, anak yata to ng Board Member
"Allen Jo, by the way, we own this school"
Napanganga ako sa sinabi niya. Jo? Kaharap ko ngayon ang isa pang Jo? Teka nga... bakit magkasama ang isang Jo at Fortes? Di ba't magkaaway ang pamilya nila? Aish! Bakit ba pinapakialaman ko pa sila? Bahala sila sa buhay nila
"Si Tricia?"
"Tricia?"
"Tricia, your sister?"
"You mean Len? What about her?"
Len? Sino naman yon? Si Tricia ang pinag-uusapan namin pero ibang tao naman ang sinasabi niya. Tanong lang, may sayad ba to?
"Sige na Allen, ako nalang ang magpapaliwanag sa kaniya"
Walang-imik siyang umalis dahilan para magtaka ako lalo. Inuutus-utusan lang niya ang isang Jo? Sino ba talaga itong si Fortes at nasobrahan yata sa yabang? Sino ba siya sa inaakala niya? Baka girlfriend ni Allen? Pero kung gano'n ibigsabihin ba no'n ay under ang isang Jo? Hahahaha! Pero...
Teka...
Kung gano'n nga...
Ibigsabihin...
Magiging sister-in-law ko si Fortes?!
No way! Hindi ako makakapayag na maging kamag-anak ko si Fortes! Ayokong makabilang sa parehas na family tree kasama niya
"Paano mo nakilala si Tricia?"
Napatigil ako sa pag-iisip at tinignan ng maiigi si Fortes. Handa na ba kong maging brother-in-law ng babaeng ito?
"Hindi ako tanga para kausapin ang hangin. Ikaw ang kausap ko Delos Reyes. Wag kang bobo"
Aray ha! Nasabihan pa tuloy ako nang tanga. Mamaya ko nalang pag-iisipan yon. Ang mahalaga ay makilala ko muna si Tricia, nag-iisip na agad ako ng kasal pero hindi ko pa nga nakakausap ulit si Tricia. Masyadong advanced ang utak ko.
"Ikaw, paano mo siya nakilala?"
"Sabihin na lang natin na ako lang ang nakakakilala sa kaniya. That's it. No questions asked"
Napakamot ako sa ulo ko. Ang awkward ng atmosphere naming dalawa. Idagdag mo pa ang mga nagyeyelong mga mata ni Fortes. Kailangan ko na bang magsulat ng last will and testament ko?
"Bestfriend mo siya?"
"I am more than that..."
Ah... Sabi ko nga. Hindi siya bestfriend, siguro Bestfriend For Ever silang dalawa. Mga babae nga naman, wala namang pinagkaiba yon eh! Kasimple-simpleng bagay eh nagagalit. Psh, ang bababaw.

BINABASA MO ANG
Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!
RomanceA love story gone wrong. Just when you think it's okay, it's when eveything goes wrong. A story about business, family, love, siblings and trials. Watch as our antagonist take up the challenges of life. But can she do it? Can she succeed? Can a gi...