1.22: Jar of Hearts (part 2)

47 10 2
                                    

"Asan na tayo?"

Tinignan ko ng masama ang lalaking kasama ko. "Tingin mo ba alam ko?"

"Bakit di kaya natin tanungin si Map?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya "Dora? Ikaw ba yan?" tanong ko

"I meant map. As in Google Map"

I shook my head. I did not just say something stupid. Oh My Glob! Nahawa na ko sa katangahan ng lalaking to!

"PatPat! Sabi ni Google malayo pa daw ang SM North dito. I suggest na sumakay na muna tayo"

"Siguro naman alam mo na first time ko lang magcommute at halatang first time mo lang din. In other words, parehas tayong walang experience sa gantong bagay, kaya pano tayo makakadating do'n?"

"Then bakit hindi tayo magtanong-tanong?"

Akala ko itatanong niya na naman kay Google eh. Buti naman at kahit papano ay tinubuan ng utak ang lalaking 'to

"Excuse me po. Alam niyo po ba kung pano pumunta ng SM North?"

Napalingon ako sa tabi ko. Ang bilis naman makaalis ng lalaking to. Agad na hinanap ng mga mata ko si Delos Reyes. Baka kasi mawala, parehas pa naman kaming walang alam sa lugar na to...

"SM? Sa'n yo'n? Gusto ko do'n! Dalhin mo ko do'n!"

"Ah, sorry... Mali yata ako ng napagtanungan"

Agad na umikot ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses na yon. Sigurado akong si Delos Reyes yon!

Nang mahagip ko na kung nasa'n siya ay muntikan pa kong mapahagalpak ng tawa sa lagay niya.

"Please tell me na hindi mo kinausap ang batang kalye na yon" natatawang sabi ko kay Delos Reyes ng makabalik siya sa tabi ko

"Akala ko memorized na nila yung daan papuntang SM since 'street' children sila"

Hindi ko na napigilan pang mapatawa sa ka-engotan ng kasama ko "They're called street children kasi sa kalsada na sila halos nakatira. Hindi dahil sa alam na alam nila ang lahat ng kalye at pasikot-sikot ng Manila. Ang talino naman nila kung kabisado nila lahat ng kalye dito"

"Ok. Fine. Pero ang sabi sakin ni Manong sa Bus kanina, dapat daw sumakay tayo ng 'jeep' kesa sa bus"

Jeep? Ok. Nakakita na ko ng gano'n sa dyaryo. I just hope na sana mas maaayos siya kesa sa kaninang sinakyan namin

--------------------------

"Oh, isa na lang, isa na lang, aalis na!"

Napapunas ako sa tagaktak kong pawis. Tama nga ang sabi nila na nasa huli ang pagsisisi...

Sising-sisi na ko na ginusto ko pang sumakay ng Jeep. Ngayon hindi na ko naiinggit sa iba na nakikita ko sa T.V na sumasakay dito

"Manong, kasya pa ba?" rinig kong tanong ng isang babae

"Pst, ok ka lang?" tanong ko kay Delos Reyes na namumutla na habang patuloy na tumatagaktak ang pawis

"Ok pa ko. Bakit ba kasi walang aircon dang sasakyang to"

Napalingon samin ang ibang pasahero ng sinabi yon ni Delos Reyes. Mukang ganto talaga siya kainit araw-araw, yung tipong parang piniprito na kayo sa sobrang init

"Ayos ka lang? Subukan mo lang talagang himatayin dito at iiwan kita diyan mag-isa!" pambibiro ko dito

"Grabe ka naman!"

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon