1.11: SC President

109 17 10
                                    

"Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ko, Fortes"

Biglang nagpanic ang buo kong sistema. Paano na ito? Hindi pa pwedeng matapos ang laro!

"P-Pe-----"

"Tricia? Is that you?"

0___0

Nanigas ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Lagot!

Unti-unti akong tumalikod at hinarap siya "H-Hi Allen" medyo alanganing tanong ko. Tinaasan niya muna ako ng kilay bago niya tinignan ang kasama ko

"Who is he?"

"Nagkita na tayo dati pa"

"Ahhhh... ok"

Napanganga ako sa nangyayari. "Uhmmm, D-Delos Reyes, yung tungkol sa s-sinabi mo, hindi talaga pwede eh"

"What did he say na hindi pwede, Patricia?"

"I asked her to make Tricia wear a couple shirt" Mas nagulat ako sa sinabi ni Delos Reyes

"Goodluck with that. Patricia, sumabay ka na sakin, hihintayin nalang kita sa kotse" tapos ay iniwanan na niya kaming dalawa

"What was all that about?"

"Gano'n talaga s---"

"Ang ibig kong sabihin ay bakit ka niya tinawag na Tricia"

Ayan na naman ang puso ko, hinahabol na naman ng mga kabayo sa sobrang bilis

"Yun ang lagi niyang tawag sakin, Delos Reyes, trip niya lang asarin ako" pagsisinungaling ko rito

"Really? Bakit daw Tricia?"

"Dahil parehas na parehas daw kami ni Tricia"

Mukang naniwala naman siya sa sinabi ko at hindi na ulit nagtanong. Sinamahan niya ako hanggang sa kotse ni Allen.

"N-Nio, k-kailan?"

"Sa darating na School Festival, hihintayin ko siya"

Sumakay na ako at isang galit na Allen ang sumalubong sakin "Who is that?"

"Pinakilala na kita dati sa kaniya, he's Nio Delos Reyes"

"What are you doing here?"

"Bakit di mo tanungin ang nanay natin?"

"It's pure business, right?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya "No, I mixed it with fun"

Parehas kaming may iniisip kaya tahimik ang buong byahe namin pauwi.

Iniisip ko kung ano na ang gagawin ko sa School Festival. Unang-una ay kailangan kong magroom to room para macheck kung ok na ang mga booths nila. Pangalawa ay marami pa akong mga papeles na kailangang gawin para sa School Trip. Pangatlo ay ang mga business proposal na ichecheck ko para sa kumpanya. Panghuli ay si Delos Reyes, ano na ang gagawin ko??

Bakit ba naman kasi ako pa ang napiling SC President eh!

*flashback*

Campaign dito, campaign doon. Abalang abala ang mga tumatakbo na Student Counsil para sa  elections.

Buti pa ako, kumakain lang dito sa canteen. Ang ingay ng mga tao dito dahil abala silang lahat sa pagtsitsismisan kung sino ang binoto nila.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa may stage kung saan i-aanounce kung sino ang mga nanalo. Kahit papano ay may pakialam naman ako sa kung anong nangyayari sa paligid ko

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon