1.12: Reasons

106 17 10
                                    

"Nio's Pov"

"O-Ok ka lang?" nag-aalanganing tanong ng Vice President ng Student Counsil

"Totoo bang si Fortes ang tunay na SC President?"

"H-Hindi ba't s-sinabi niya na sayo? S-Sya ang---"

"Siya ba ang tunay na SC President?" paninigurado ko

Kung nagkataong siya nga ay ibigsabihin ay wala na akong pag-asa pa rito. Iniisip ko palang ang mga pinagsasasabi ko ay gusto ko nang magpakamatay sa Ilog Pasig

"Ang totoo niyan a-ay ako ang t-tunay na President ng School, naging vice lang ako dahil lumipat ang Vice na nanalo no'ng botohan. S-Si Patricia ang napiling P-President at ako ang pumalit na Vice dahil sa naging desisyon ng mga teachers..."

Napaumang ang bibig ko at nagulat sa nalaman ko. Kung gano'n ay sino ang tunay na President?

Napaalam na yung Vice--- este Preside--- ay basta! Siya yung Student Counsil na hindi ko alam ang pangngalan!

Naglakad na ako pabalik ng room namin habang tulala pa din sa mga nalaman ko

"P-Paano nangyari iyon?" wala sa sarili kong tanong

"Ang alin?" napatalon ako ng marinig ko ang boses niya

"A-Anong g-ginagawa mo diyan, Fo---- Patricia?" naka-indian sit kasi siya sa harap ng room namin

"Classroom natin to, Delos Reyes, natural lang na nandito ako. Dapat kang magtaka kung nakatambay ako sa labas ng Pre-schooler. At isa pa, kailan mo pa ako tinawag na Patricia?"

"Kakatawag ko--- Wala lang, gusto lang kitang tawagin gamit ang pangngalan mo..." medyo naging awkward ang atmosphere sa pagitan namin.

Dahil siguro sa sinabi ko sa kanya noong huli kaming nagkita at dahil na rin siguro sa mga nalaman ko na maaaring siya nga si Tricia

"Maupo ka dito sa tabi ko, late ka din kaya sigurado akong hindi ka papasukin sa loob gaya ko"

Naupo ako sa tabi niya at isang nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa aming dalawa

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Fortes..." nagulat siya sa bigla kong pagbasag sa katahimikan

Bakit kapag ang katotohanan na ang pinaguusapan ay nagugulat siya? Bakit, Fortes, ano bang meron sa katotohanan?

"Ano nga ba ang katotohanan, Delos Reyes?"

"Na ikaw at si Tricia ay iisa"

Sandali siyang natigilan at tumawa ng malakas. "Hahahahahaha!! Ako?! Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan??"

"Sa Detective na hinire ko..."

Biglang nangdilim ang mukha niya "And what did he say?"

"Yun nga yung ipinagtataka ko, ikaw ang pinaimbestigahan ko pero ang pangngalan ni Tricia Jo ang lumabas" pagsisinungaling ko para malaman ko kung ano nga ba ang totoo

"Nakakapagtaka nga talaga , ni minsan ay wala pang nagparesearch tungkol sakin. Know your limitations, Delos Reyes, baka naman lumalagpas ka na"

Iniwan niya ako pagkatapos niya akong pagbantaan at buong maghapong hindi na pumasok. Buong maghapon din akong nag-alala sa kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nung uwian ko na narealize na busy nga pala siya. School Festival na pala bukas =___=

Maaga akong nagising para sa opening program ng School Festival. Nagbabasakaling suot niya ang damit na ibinigay ko. Nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng babaeng naka-couple shirt ng gaya ng akin.

Nasa may gate palang ako pero pinagtitinginan na agad ako ng mga tao. Muka siguro akong tanga dahil ako lang ang naka-couple shirt sa araw ng School Festival.

Ok lang ng magmukang tanga ngayon, basta ba may kasama ako mamaya na magmukang tanga

Nagpalibot libot ako sa buong campus habang ang mga mata ko naman ay umiikot sa paghahanap ng kapares ko na damit. Pero bigo ako...

Wala akong makita na Tricia Jo... Wala ding Patricia Fortes. Ibigsabihin ba nito ay tama ang hinala kong iisa nga sila?

"Delos Reyes..."

Napangiti ako ng marinig ko ang mga salitang iyon. Kahit hindi na ako lumingon ay alam na alam ko kung kaninong boses iyon

"Tricia..."

Napatingin ako sa suot niyang T-shirt, sinuot niya...

"Wag kang mag-isip ng kung ano ano, Delos Reyes."

"Bakit, Fortes, ano ba ang iniisip ko?"

"Iniisip mo na ako si Tricia, tama ba?"

"Tama, dahil kung hindi ay bakit ikaw ang maysuot niyan?"

"I have many reasons, Nio. And you are one of them"

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon