1.8 Date Tricia Jo

156 18 14
                                    

"Nio's Pov"

"Tricia?!" di makapaniwalang tanong ko rito

"Ako nga" natatawang sagot nito

"P-Paanong---"

"Isa akong Jo. Yan ang sagot sa lahat ng katanungan mo, Nio"

Siguro nga ay hindi sila nagbibiro twing sinasabi nila na kung ano ang gusto ng isang Jo ay makukuha niya.

"Paano mo pala nalaman ang pangngalan ko?" takang tanong ko habang nililibot ko ang paningin ko sa lugar

Para kaming nasa isang restaurant, nakakapagtaka nga lang dahil dito nila ako dinala. Bakit kaya?

"Isa akong Jo, yun ang sagot"

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya "Isa ka nga palang Jo, hahahaha, how can I forget?"

"But what if I'm not a Jo? Would you still like me afterwards?"

Eh? Paano kung hindi siya isang Jo? "Ofcourse"

Naaalala ko na naman yung unang beses kaming nagkita... Bata pa ako noon nang una kaming nagkita

*flashback*

Nandito ako sa isang park kasama ang mga yaya ko. Buti nalang talaga at naisahan ko sila kanina kaya malaya lang akong nakaupo dito sa swing

"Bakit ka mag-isa?"

Tinignan ko ang batang babae na nakatayo sa harap ko "Bakit ka nakamaskara?" balik kong tanong sa kaniya

"Dahil kailangan ko"

"Yan din ang sagot ko"

"Magkaiba ang kailangan sa gusto" makahulugang sabi nito na nagpakunot ng noo ko

"Parehas lang yun para sakin"

"Magkai---"

"Pwede bang umalis ka na muna sa harap ko?" naaasar na tanong ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga pakialamera

"Ayoko eh, may magagawa ka ba?"

"Bahala ka nga diyan..." akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako

"Wag mo akong iwan..."

Naawa naman ako sa tono ng boses niya kaya naupo nalang ulit ako sa swing

"Kailangan ko ng kasama" mahinang bulong niya na narinig ko naman

"Bakit mag-isa ka?" pagsisimula ko ng usapan
"Tumakas ako mula sa mga kasamahan ko. Ikaw?"

"Tumakas din ako"

Napatawa siya sa sinabi ko "Parehas lang pala tayo, bakit nga ba tayo nag-away?" natatawang sagot nito sakin

Tsaka ko lang napansin ang napakaganda niyang ngiti. Para siyang anghel. Anghel na may maskara

"Bakit kailangan mong magsuot ng maskara?"

"Bakit mo gustong mapag-isa?"

"Kasi kailangan ko"

"Parehas ulit tayo" natatawang sabi nito at muli akong napatitig sa kaniyang ngiti

Ang ganda. Sabi ko sa isip-isip ko

"Ms. Jo, kailangan na po nating umalis"

Nalungkot naman ako sa sinabi ng bodygaurd na biglang sumulpot sa likod namin...

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon