1.4: Unexpected Meeting

178 19 13
                                    

*slap*

Napahawak ako sa pisngi ko na bigla nalang sinampal ng babaeng nasa harap ko

"Ikaw si Patricia, hindi ba?!"

"Ako ng---"

*slap*

Ok, kanina pa ako nasasampal. Kanina pa rin ako hinuhunting ng fans club ng Delos Reyes na yon at kanina pa rin ako badtrip. At ngayon nama'y may isang babaeng bigla nalang akong sinampal. Anong bang problema ng nga tao ngayon?!

"Ang kapal din ng muka mo para isipin na maaagaw mo sakin si Nio"

That was the last draw. Nio, Nio, Nio, bakit ba laging magkasama ang pangalan mo at ang gulo?

Akmang sasampalin niya ulit ako pero pinigilan ko na siya. Hindi na ko papayag na masampal pa ng isa sa mga babae ni Delos Reyes

"Nakadalawa ka na Miss, sumosobra ka na yata" sabi ko at mas lalo naman siyang namula sa galit

"Anong nangyayari dito?" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

Mula sa likod ay nagbigay daan ang mga tao para makadaan siya. Oh, may audience pala kami. At hindi lang 'yon. Nandito pala si Lucifer para kuhain ang isa sa mga alaga niya.

"Oi! Yung mga ex mo nagkalat..." tinulak ko yung babae papunta sa kaniya at maarte itong napahawak rito. Tss, akala mo naman malakas ang pagkakatulak ko, sakto lang naman yun eh. Sakto para malaglag siya sa hagdan

"How dare you para itulak ako?! Hindi mo ba alam na pwede kitang idemanda?!"

Lumapit ako sa kaniya at nanatili lang siyang nakatayo "Baka gusto mo munang umalis sa pagmamay-ari ko bago pa man kita sampahan ng invasion of private property"

Mukang nakuha niya naman ang binulong ko dahil nanlaki ang mga mata niya.

Buti naman, di ko na kailangan na mag-explain. Naintindihan din pala yun ng maliit niyang utak? It's a miracle!

"Bawal ang mga hayop dito. Baka pwedeng iuwi mo na muna yang alaga mo" sabi ko kay Nio na halatang hindi alam ang gagawin niya.

Iniwan ko sila at pumunta ng cafeteria para makapagpalamig ng ulo. Baka makasuhan pa ako ng murder kung sakaling maiiwan ako do'n.

Umupo na ako sa isang tabi pagkatapos kong manghingi ng ice. Hindi ko na pinansin pa ang mga masasamang tingin o di kaya'y ang mga bulungan ng mga tao.

God, I love being so popular. I'm being sarcastic, in case you didn't notice

"Anong nangyari sayo?" inangat ko ang tingin ko. Oh, look. Nandito ang ex-bestfriend ko. Great. Another person with the word "ex" attached to him

"Ang sakit pala noh?"

"Masakit talaga masampal"

"Nakita mo?"

"May mata ako at tenga"

Natahimik kami parehas "Mike?"

"Oh?"

"Masakit ba?"

"Ang alin?"

"Masakit ba masaktan ng taong mahal mo?"

For the first time, nacurious ako tungkol sa love. Nagtataka lang ako kung bakit gano'n nalang sila kadesperada sa isang gaya ni Delos Reyes. Sure, may itsura siya pero that's all he has. Given na na mayaman siya dahil wala namang estudyante dito na hindi. See what I mean?

"Doble ang sakit"

Natahimik kami ulit at saglit ko siyang sinulyapan"Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati?"

"Ni minsan ba ay naisip mo din ang nararamdaman ko Pat?" gulat akong napatingin sa kaniya "Imposibleng mangyari ang gusto mo, alam nating parehas yan"

Pagkatapos ay iniwan niya ako.

Bakit ba ang manhid ko? Bakit ba ang tanga ko pagdating sa "love"?

Wala sa sarili akong naglakad paalis sa cafeteria. Dinala ako sa garden ng school, na hindi ko alam.

"Aish! Nasaan na naman ba ako?!" agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon

"Allen" mahinang bigkas ko, pero sapat lamang iyon para marinig niya.

"Pat, nawawala ka din?"

Tumango lang ako sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng pagod

This is too much for anyone. Hindi ko na kaya, ayoko na.

"ALLEN'S POV"

0___0!

"Pat, may nangyari ba sayo?" nag-aalalang tanong ko

"Nakakapagod din pala noh?"

"Pat..."

Naaawa ako sa kaniya. Sa aming 2 siya ang mas nahihirapan. Siya ang mas nasasaktan. She did everything to impress her parents pero baliwala lang ang lahat ng mga ito. Hanggang sa nalaman nila ang tinatagong talento nito sa pagmanage ng kumpanya.

Let's just say na napagkamalan niya na assignment ang isa sa mga namisplaced na file ng Daddy niya. She was barely 12 years old back then pero natapos niya pa rin ito. That's when she became popular in the business world.

And yet, it was all too much to bear. I saw her one night in a party. Hiding. Crying. Mukang masyado siyang napressure sa lahat.

We met again in another party, this time, she was wearing a mask. That's when she made her own nickname "The girl behind the mask"

That's who she is.

"Kung may magagawa lang sana ako"

"Hindi naman ikaw ang rason ng pag-iyak ko"

"*ehem* bawal magdate dito" napalingon kami parehas ni Pat sa likod namin...

Isang lalaki ang nakapamulsang nakatingin sa aming dalawa

"Nio..." rinig kong bulong ni Patricia

@/ñ: Done with this one too!! Yay for me!

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon