"H-Ha?"
"Hindi ko alam na may kumakalat pala na epidemia sa Mental Hospital. Akala ko mga may sayad lang ang nando'n, pati pala mga bingi hinuhuli na nila"
Umalis na ako pero humabol si loko at kinulit ako ng kinulit
"Hoy, PatPat!"
"..."
"Friends na tayo diba?"
"..."
"Kung hindi friends edi bestfriends?"
"..."
"Super Bestfriends?"
Napatingin samin ang lahat ng mga taong nasa hallway at maging ang mga teacher ay nagsimulang magbulungan. Tss, mga chismosa...
Sanay na naman ako sa mga tingin at bulungan nila dati pa, pero iba yung ngayon sa dati. Dati ay parang gusto nila akong patayin sa mga tingin nila at harap-harapang dinuduro. Oo, gano'n sila sakin.
Pero ngayong alam na nila na isa akong Jo, nag-iba na silang lahat... Kapangyarihan nga naman ng pera...
"Gusto mo talagang magpahabol sakin, noh?"
"Wala naman kasing nagsabi sayong habulin mo ko"
"Pero friends na tayo ha?"
"Kakasabi ko lang na ayaw ko"
"So dapat na ba kong magtawag ng police?"
Nanlaki ang mga mata niya na parang babae, tss, bakla
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!"
"Pinoprotektahan ko lang naman ang girlfriend ko..."
Napangiti ako sa sinabi ni Ivan, girlfriend, ang astig pakinggan
"T-Teka, anong g-girlfriend?!"
I mentally rolled my eyes. Hindi ba niya ma-gets? "Gano'n ka ba kaslow?"
Sakto naman na dumating yung dalawa... teka... san sila galing? Ah, ewan
"Ano to, love triangle?"
Napatawa si Allen sa sinabi ni Ritz at nagtatakang tumingin lang ako dito, kelan pa siya natutong tumawa? Mukang may himalang nangyayari ngayon dito
Teka... Back to the topic... Tungkol nga pala kay Nio
"Dude, kahit wala akong pakialam sa'yo, tao ka pa rin kahit papano kaya sumama ka nalang samin"
Puno na ang canteen at halos wala nang mapwestuhan, mabuti nalang at may nahanap pa kaming bakante
"Ok, dahil sadyang may pagkatanga ka, dahan-dahan kong ieexplain ang lahat sayo" panimula ko
Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Saan nga ba? Siguro sa una muna naming pagkikita, yun ay dito sa school
"Tanda mo pa ba dati? Nung unang beses tayong nagkausap?"
Tumango siya at halatang curious na na curious na siya sa sasabihin ko. Hehe, ang pangit niya
"Hindi ko na matandaan yun"
"Teka... ano bang pinagsasabi mo?!"
Eh? Masama bang sabihin yun?
"Teka nga. Bago kayo magsaksakan gamit ang kutsara, aalis na muna kami ni Rizchia, may kukuhain lang kami sa SC room. Kung wala pa kami after 10 minutes, ibigsabihin no'n ay tinamad na kaming bumalik kaya sumunod nalang kayo. Ok?"
BINABASA MO ANG
Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!
عاطفيةA love story gone wrong. Just when you think it's okay, it's when eveything goes wrong. A story about business, family, love, siblings and trials. Watch as our antagonist take up the challenges of life. But can she do it? Can she succeed? Can a gi...