1.7 Abducted

154 19 17
                                    

"Date me"

0__0!!!

"A-Ano?! Nahihibang ka na ba?!"

"Hindi pa naman"

"Aish!! Ang gulo mo!!"

Sinasabi ko na nga ba eh!! May gusto din sakin ang isang ito! Gaya lang din pala siya ng mga babae na naghahabol sakin! Akala mo kung sinong magaling, may gusto lang din pala sakin... Ang yabang yabang niya pa sa harap ko, nagpapapansin lang pala! Tsk!

"Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo kung inaakala mong may gusto ako sayo"

"Tsk, kunwari ka pa! Sabihin mo, gusto mo lang talaga makipagdate sakin! Hindi ako pumapatol sa mga mayayabang"

"Wala akong pakialam sa kung ano man ang iniisip mo Delos Reyes, ang akin lang, gusto kitang tulungan pati na din si Tricia... Kung gusto mo talaga siya, makikipagdate ka sakin"

"Ano to? Blackmail? Hindi mo ko madadaan sa ganto, Fortes!"

"Ang assuming mo naman kung tingin mo na binablackmail kita"

"Wow! Ako pa assuming!"

"Sumama ka nalang kasi"

"At ano?! Pagnanasaan mo ako?!" di makapaniwalang tanong ko

"Tss, kung ayaw mo, edi wag. Masyadong makapal ang mukha mo"

Naramdaman ko naman na seryoso siya sa sinasabi niya kaya medyo naniwala na ako sa kaniya...

"Bakit ba kasi kailangan ko pang nakipagdate sayo? Kung si Tricia J---"

"Kung ako si Tricia Jo, baka hindi ka man lang makalapit sakin"

Nagets ko naman yung sinabi niya na hindi ako makakalapit kay Tricia pero... "Hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko, Fortes. Bakit kailangan ko pang makipagdate sayo?"

"Para makilala mo si Tricia at para makilala kita. Parehas kami ng gusto at ugali ni Tricia kaya alam ko din kung anong mga gusto niya"

"So parang ikaw ang papagpractisan ko?"

"..."

"Pero date pa din 'yun!!" malakas na sigaw ko sa harap niya

"Ikaw lang naman ang nagbibigay kahulugan do'n. Hindi ba pwedeng friendly date lang??"

"Wow! Friends tayo?" pang-aasar ko rito

"Hindi. Si Tricia ang tinutulungan ko, hindi ikaw, kaya pwede bang tumahimik ka na lang diyan sa tabi?"

Hindi ko alam pero automatic na napatikom ang bibig ko. Ikaw ba naman ang tarayan ng isang Patricia Fortes, tignan natin kung makapalag ka pa

"Kung papasa ka sa akin, kailangan mo ding mapalapit kay Alle--- Patrick, siya ang kuya ni Tricia"

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Kailangan ko daw muna pumasa sa kaniya bago kay Patrick, e sa kaniya palang na bestfriend ay alam kong mahihirapan na ako, paano nalang kaya kung kuya na? Oh Lord Help me!

"Gano----"

*pak*

*blackout*

-------------------------------


*mulat*

*kurap*

BUHAY PA AKO!! Teka! Nasaan ako?! Anong ginagawa ko rito?! Bakit ako nandito?! Nasaan na si For--- Shit! Nasaan si Fortes?!!!

"It's good that you're awake" eh?!!! "Sino ka?!" malakas na sigaw ko sa babaeng di ko kakilala, ang weird nga lang kasi nakamaskara siya, nasa masquerade lang?!

Medyo pamilyar yung itsura ng maskara niya. Parang nakita ko na siya dati... Parang gaya ng--- Teka!!!

"Tricia?!!"


"Patricia's Pov"

"Aalis na ako"

Tumawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa??

"Ikaw lang ang kilala kong nagsabi niyan pagkagising nila pagkatapos nilang makidnap"

Eh? Kidnap?! Ako?! "Ah...... Nakidnap pala ako......"

"Hindi, you're now being kept hostage"

Hostage? Nasaan ang mga baril? "Magkano ang ransom ko? Ako nalang ang magbabayad" pagpiprisinta ko. Gusto ko nang umalis di--- "Teka, nasaan pala tayo??"

"Sa wakas, naitanong mo na!! Normal kang tao!!!" tapos pumalakpak siya na parang isang buang na tao. Takas ng Mental

"Magkano nga?"

"Joke lang naman yun, kung ihohostage kita, dapat kanina pa ako nasa prisinto" tapos tumawa ulit siya. Tawa pa

"Edi bakit ako nandito kung hindi mo ako hinohostage?"

"Pwede bang wag mong sabihing hostage? Medyo weird pakinggan eh..."

"Bakit nga ako nandito?"

"Dahil nandito ka"

"At pwede ka ring biglang mawala sa paningin ko ngayon"

"Pwede pero ayaw ko"

"Kilala mo ba ako?"

"Eh ako kilala mo ba?" balik na tanong niya sakin

"It would be an insult if I didn't, Mr. Ivan Mendoza. Who wouldn't know the heir to the Mendoza Empire?"

"The same goes to you Ms. Patricia, although, I'm not yet sure which empire you'll be handling"

"I'm actually handling both. Mag-uusap nalang ba tayo tungkol sa ating kaniya-kaniyang mga buhay o sasabihin mo sa akin kung bakit ako nandito?"

"The truth, Ms. Jo, is that I really don't know what we're both doing here. Ang alam ko lang ay pakulo ito ng mga magulang natin"

"So paano ka napunta dito kung hindi mo alam? And paano mo naman nasabi na ang mga magulang natin ang dahilan kung bakit tayo nandito?" naiirita kong tanong, ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung mga nagsisinungaling. Mga plastic, yun ang tingin ko sa kanila

"I was abducted, like you…"

______AUTHOR'S NOTE________

Sorry po kung medyo maigsi ang update, bawi nalang po ako next time

Thanks for reading!!!

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon