1.14: The Ball

103 18 9
                                    

"R-Rizchia?"

"Bakit parang hindi ka makapaniwala, Nio?"

"Paanong ikaw si Tricia Jo?"

"Paano?Hahahahaha"

Hindi ko alam pero wala yung pakiramdam na iyon... Wala yung spark sa tuwing titignan ko siya... Wala yung tamis sa mga ngiti niya... Hindi ko alam pero... Nawala na yung pakiramdam na iyon...

Bigla siyang tumigil sa kakatawa at seryosong tumingin sakin "Nag-aalangan ka noh?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nanatili na lamang akong tahimik

"Tama, sino nga ba naman ang maniniwala na isa akong Jo? Ang tagal tagal ko itong itinago tapos ngayon, bigla nalang akong susulpot mula sa kung saan..." malungkot na sabi nito

"H-Hindi naman sa gano'n pero..."

"Pero ano? Si Patricia ba ang problema? Sabagay, tama ka nga naman... Mas mapapagkamalan mo siyang isang Jo kesa sakin... Pero..."

"Pero ano?"

"Mas mabuti kung malalaman mo ang katotohanan. Pumunta ka sa ball mamayang gabi para sa mga Jo. I'll be expecting you at Eve's Garden. See you there"

Bago pa man ako makapagreklamo ay umalis na ito at iniwan akong punong-puno ng mga tanong.

Bakit? Paano? Sino? Ano?

Yan ang mga tanong na nagpaikot-ikot sa utak ko. Himala nalang na nakarating pa ako dito sa garden

"Sa wakas! Bumalik ka na din!"

Napangiti ako. Tricia Jo or not, siya lang ang nagbibigay sakin ng gantong klase ng pakiramdam "Nasa langit na ako" wala sa sarili kong sabi

Nagulat siya sa sinabi ko

"Masama yang ginagawa mo, Delos Reyes... Masamang magdrugs, alam mo 'yon"

What the?! Saan naman nanggaling 'yon?! Ang lawak talaga ng imagination ng babaeng ito =__=

"Baka ikaw ang nakadrugs. Kaya siguro PatPatin ka"

"Tss, pasalamat ka nalang at hinintay kita"

Biglang nagliwanag ang mukha ko "Hinihintay mo ako?"

"Wag assuming, Delos Reyes, hindi ikaw, yung pagkain na dala mo"

"Edi ayan! Mabusog ka sana!" sigaw ko rito pero di man lang ito natinag at dire-diretsong kumuha ng burger

Grabe pala katakaw itong babaeng ito... PatPatin naman. Sa'n kaya napupunta lahat ng kinakain niya?

'Malamang sa tiyan, tss'

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o totoong pati utak ko nahawa na sa kaweirdohan ng babaeng ito. Pati sarili kong utak binabasag ako =___=

"Gusto mo?"

Napailing ako sa babaeng ito. Wow ha?! Siya pa talaga ang nag-alok sakin?! "Wag na, nakakahiya naman sayo"

"Pakipot ka pa, gusto mo din naman. Pero sabagay... Tama yan, bumili ka ng sarili mong pagkain, hindi 'yong aasa ka sa bigay ng iba"

"Sino ba ang kausap mo? Ako ba o yung sarili mo?" sarkastikong sagot ko

"Tss, pinaparinigan mo ba ako?"

"Bakit, natatamaan ka ba?"

"Oh! Bayad! Mamaya nalang yung kulang! Wala akong barya eh!"

Natatawang binalik ko sa kaniya yung isangdaan. Uso pa pala iyon?

"Wag na... Sabi ko nga, nilibre kita ng kusa"

Napatawa naman siya sa sinabi ko kaya di ko maiwasang mapatingin sa ngiti niya.

Ayun na naman ang nakakatulalang ngiti niya at ayun na naman ang puso kong lalabas na sa dibdib ko

"Ano bang meron sa ngiti ko at natutulala kayo?"

"Kayo?"

"Oo, kayo. Bingi ka na ba?"

"Hindi pa naman"

Biglang nagseryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako bigla. Sasabihin niya na kaya ang totoo?

"Wear something formal mamaya. Susunduin ka ng driver ko mamaya"

Naiwan akong nakanganga habang nagsimula na siyang maglakad paalis

Anong gagawin ko?!?!

Kinagabihan ay hindi ako mapakali sa kwarto ko. Bakit parang ako pa ang kinakabahan? Eh, hindi naman date ito ah!

Pero paano na ito?! Gusto kong pumunta sa ball para sa mga Jo, pero hindi ako makakasama kay PatPat. Pero kung sasama naman ako kay PatPat, hindi ko malalaman ang katotohanan mula kay Rizchia. Pero ano nga ba ang katotohanan?

Letseng katotohanan iyan... Sarili ko nga hindi ko pinoproblema pero yung katotohanan pinoproblema ko

Teka--- Parang narinig ko na ito dati, di ko lang maalala kung saan

"Sino ang pipiliin ko,
Ikaw ba na pangarap ko...
O siya ba na kumakatok sa puso ko"

Marahas akong napalingon sa pinto ng marinig ko iyon. Sa lahat ba naman ng kanta kailangang iyon pa??

"Sir, may naghahanap po sa inyo"

Napailing na lang ako sa sinabi ng katulong bago lumabas para tignan kung sino iyon

Isang magarang kotse ang naka-parada sa labas ng bahay. Sino kaya ito?

"Sir, pinadala po ako ni Ms. Jo"

"Alin sa kanila?" naaguguluhang tanong ko, malay ko ba kung sino sa kanila

"May iba pa po bang Ms. Jo?"

Nahihiyang pumasok ako sa kotse. Baka napagkamalan pa ako na chickboy nitong si kuya eh...

Bahala na kung sino sa dalawa ang nagpadala... Pero sana si Patricia ang papuntahan ko

"Nandito na po tayo"

Napaigtad ako sa upuan ko at napatingin sa labas

"The Ball"
Hosted by: The Jo Family

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon