1.17: I am the truth

120 17 12
                                    

A/N: This chapter is dedicated to ate Kyuttin… Ganda po ng story niya. Basahin niyo po yung Angel or Devil  at yung Please Don't tell Her. Ganda po talaga ng story niya, di kayo magsisisi

"Nio's Pov"

Napasapo ako sa noo ko ng maintindihan ko ang katangahang ginawa ko. Of all the things na nagawa ko bakit ito pa ang pinakamalala?

"Tsk, tsk, tsk. Sinabi ko naman sa iyo hindi ba? 'Wag mo siyang sasaktan. Yan ang habilin ko sayo kanina Delos Reyes" nilingon ko ang babaeng nasa tapat ng pintuan.

Siya yung pinagtanungan ko kanina kung nasaan si PatPat "Who are you?"

"Ako? I'm no one. I'm just Rhea Fortes, Principal ng school na pinag-aaralan mo. Also, the cousin of Tricia Jo"

Napanganga ako sa sinabi niya. P-Principal? P-Pinsan? "Oh, don't look so surprised. Baka himatayin ka pa diyan kapag sinabi kong alam ko kung anong pinanggagawa mo kay Tricia sa school"

Lalong nalaglag ang panga ko. A-Alam niya? "Take note, LAHAT" dagdag niya

Ano nang gagawin ko? Nahihiyang tumingin ako sa kaniya "S-Sorry po, di ko naman po alam na isa siyang Jo---"

"Pero alam mo naman na isa rin siyang tao, hindi ba? Don't worry, wala naman akong pakialam sa mga ginawa mo. Dapat kang mag-alala sa mga ginagawa mo. Magkaiba sila. Yung isa past yung isa present"

Magsasalit pa sana ako ngunit tuluyan na niyang nilisan ang lugar. Ano nang gagawin ko?

Mukhang pati sa buong angkan niya ay napahiya ko na ang sarili ko. Simula sa kanyang kuya, tapos sa kanyang Daddy. Ngayon naman pati sa pinsan? Sinong susunod, Ate niya?

"Nio" napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang pangngalan ko, si Epal lang pala

"Oh?" walang ganang tanong ko

"Bakit hindi ka pa lumalabas?"

"Bakit ka pa nandito?"

"Look, alam kong mainit ang dugo mo sakin kaya I want to settle things with you"

Napatawa ako sa sinabi niya. Para siyang business man na naghahangad ma-close ang deal between him and his client "Tss, paano kung ayaw ko?" sarkastikong tugon ko

"Hindi pwedeng lagi tayong nag-aaway sa harapan ni Tricia" kalmado pa ring sabi ni Epal

"Bakit, ikaw ba si Tricia para malaman kung ano ang pwede at hindi sa kanyang harapan?"

"I think that it's so childish of you to not accept my offer when I'm clearly lowering my pride here" nagpipigil na sabi niya

"I didn't ask you to"

Iiling-iling na lumabas siya ng pintuan. Bakit ang daming nagwa-walkout?

Agad rin akong sumunod upang hanapin si PatPat at humingi ng tawad sa kaniya.

Mga nakakasilaw na flash ng camera ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng pintuan. Kusang napatakip ang aking kamay sa aking mata upang hindi ako mabulag sa mga ilaw na nakapaligid sa akin

Para silang mga batang kalye at ako naman ang pagkain na pinagpepyestahan nila. Wala akong madaanan dahil bawat hakbang na gagawin ko ay siya ring galaw ng kanilang mga camera. Walang humpay nila akong pinagbabato ng mga tanong na hindi ko naman maintindihan dahil sa sabay-sabay na pagkakabigkas sa mga ito.

Sa kabila ng ingay at gulong nakapaligid sa akin ay sinikap kong hanapin ang iba pa sa dagat ng mga tao.

Hayun! Gaya ko ay marami ring mga reporters ang nagkakagulo para sa kanilang tatlo. Kulang pa ang security ng lugar upang mapigilan ang mga ito. Mukang kumalat agad ang balita tungkol sa nangyari kanina

"Mr. Delos Reyes, kaano-ano niyo po ba si Ms. Jo?"

"Paano niyo po nakilala ang mga Jo?"

"Sino po ba talaga ang tunay na Ms. Jo?"

JO. Iyan na lamang ang tangi kong naiintindihan sa mga salitang pilit nilang itinatanong sa akin

"Excuse Me" natigil ang lahat ng marinig ang boses niya mula sa microphone

"Can I have your attention please?"

Napukaw niya ang atensiyon ng mga reporters at agad silang nagtakbuhan patungo sa kaniya, ngunit bago pa man sila makalapit ay humarang na ang security

"Kanina pa ako tinatanong ng mga tao, sino raw ba ako at sino nga ba ang tunay na Jo"

Natahimik ang kaninang maingay na mga reporters at wala ka nang iba pang maririnig na ingay maliban sa panaka-nakang tunog ng mga camera sa paligid

Maging ako ay natahimik at napaisip sa kanyang ginagawa.

Bakit?  Tanong ng aking isipan Bakit ka umakyat ng stage kung alam mong mas lalaki ang posibilidad na malaman nila ang tunay mong pagkatao?

Nahihibang ka na ba, PatPat? Imbes na lumayo sa atensiyon ay kusa mo itong inilapit papunta sa iyo

"Gusto niyo bang malaman kung ano ang katotohanan?"

Tumigil ang ikot ng mundo ko at isang bagay lang ang pumasok sa isip ko

"Pigilan mo siya"

Ngunit huli na

"I am Tricia Jo Fortes and I am the truth"

Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon