Nabura ang ngiti sa mga labi ko ng marinig ko iyon. "What exactly are you trying to say?"
"What do you think ,I'm trying to say?"
"Na hindi ka si Tricia?"
"I didn't say that"
"But you also didn't say na ikaw si Tricia"
"That's right"
Sumasakit ang ulo ko dito sa babaeng ito "At yun ang mali sayo, Fortes. Hindi ka nagsasalita kaya ang daming naguguluhan"
"Ano ba ang dapat kong sabihin, Delos Reyes?"
"It's just a yes or no, Fortes"
"No comment"
"Pwede bang samahan mo nalang akong maglibot para hindi naman ako magmukang tanga kahit papano?"
Pumayag naman siya sa naging alok ko. Habang naglalakad kami ay napaisip ako...
Sino ka nga ba talaga, Fortes? Paulit ulit ko na itong tinatanong sa sarili ko...
Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang sagot rito
"Asan tayo?"
"Nasa school"
"Saang parte ng school?"
"Sa garden"
"May garden tayo?"
"May garden ang school" pagtatama niya
"Sabi ko nga... Bakit nga pala tayo nandito?"
"Wala lang... Trip ko lang matulog"
"Ayos, sinama pa talaga ako"
Humiga siya sa damuhan at ginamit ang mga braso niya bilang unan at tsaka pumikit
"Huy! Tumayo ka nga diyan Fo--- Patricia!"
Sinusubukan ko talaga siyang tawaging Patricia kasi ngayon ko lang narealize na ang pangit pakinggan kung apelyido niya ang tawag ko sa kaniya. Lalo na ngayong hindi ako sigurado kung yun nga ang tunay niyang apelyido
"Wag mong pilitin ang sarili mo" sagot niya habang nakahiga pa din
Lumapit ako at umupo sa tabi niya "Wag pilitin na ano?"
"Na tawagin akong Patricia. 'Fortes' naman ang tawag mo sakin simula noon kaya bakit mo pinipilit na palitan, eh do'n ka sanay eh"
"Baka kasi may ibang makarinig, iisipin nilang bastos ako"
"Bakit hindi ba?"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy ang sinasabi ko"At isa pa... Hindi ako sigurado kung yun nga ang apelyido mo" pahina nang pahina na sabi ko
Bigla siyang nagmulat at umupo "Pero nakilala mo ako bilang ako, bilang si Patricia Fortes. Wag mong baguhin ang tawag mo sakin"
"Bakit kasi hindi mo subukang magsalita?"
"Kasi pagod na ako... Lagi nalang may nagtatanong sakin kung sino nga ba ako, hindi ba pwedeng maging ako naman ako?" binigyan niya ako ng isang pilit ng ngiti
Hindi ko alam pero nakaramdan ako ng matinding awa para sa kaniya kaya tinigil ko na ang pagtatanong sa kaniya
"I'm just me. No more questions needed"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ginamit niya ang binti ko bilang unan at pumikit. Nice, tulugan ba naman ako??
"Huy! Fo--- este---- Patri--- Jo! Gising!"
"Wag na wag mo akong tatawaging Jo"
"Why? Because the truth hurts?" pang-aasar ko rito
"No, because I'm going to hurt you even more if you won't stop"
Natawa nalang ako sa naging sagot niya "PatPat, yan ang itatawag ko sayo"
Napamulat siya pero muli ding pumikit "Ok"
"Ok? Di ka man lang ba magagalit, maaasar o di kaya mabibwiset?"
"Gusto mo ba na mabwiset ako?"
"Tss, ang weird mo talaga"
"Lahat naman ng gagawin ko, weird para sa'yo. Kantahan mo na na nga lang ako" reklamo nito
"Hindi kagandahan ang boses ko,PatPat"
"Di ko tinatanong Delos Reyes"
Di na ako umimik at kumanta nalang...
"What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out
You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright""Tama ka nga"
"Huh?"
"Ang pangit nga ng boses mo"
"Bakit ba di mo ako masagot ng maayos?" natatawang tanong ko
"Bakit di mo ako matanong ng maayos?"
"Bakit, may di ba maayos na tanong?"
Tumayo na ako at bumalik na naman siya sa dati niyang posisyon. Ang weird talaga ng babae na ito
Naglakad na ako papunta sa canteen para bumili ng makakain. Naalala ko naman ang tawag ko sa kaniya.
PatPat. Bagay na bagay talaga sa kaniya. Patpatin kasi
"Nio..."
Nilingon ko ang tumawag sakin "Huh?"
Unti-unti siyang lumapit at do'n ko lang napansin ang suot niya. Ang maskara ni Patricia
"P-Paanong??"
"Diba gusto mong makita ang muka ko?" sabi niya habang unti-unting tinatanggal ang kaniyang maskara
Napaawang ang bibig ko at hindi ako makapagsalita sa mga narinig ko "S-Sino ka?"
Nang makalapit na siya sakin ay tuluyan niyang tinanggal ang maskara niya
"Ako ito, Nio. Isa akong Jo"
"R-Rizchia?"
A/N:
Hello!?? May nagbabasa pa ba nito? Hehe ✌. Medyo busy po talaga... Malapit na clearance eh
BINABASA MO ANG
Heartless (UNDER HEAVY REVISION) DO NOT READ!!!
RomanceA love story gone wrong. Just when you think it's okay, it's when eveything goes wrong. A story about business, family, love, siblings and trials. Watch as our antagonist take up the challenges of life. But can she do it? Can she succeed? Can a gi...