"Sige Ames. Lakasan mo pa ang bawat tira"
Mas nilakasan ko pa ang mga hampas ko.
"Sige pa"
Hinampas ko sakanya ang pinakamalakas ko'ng tira at natamaan ko ang tiyan niya.
"Aray... M-Magaling"
Unti unti siyang napaupo.
"Naku, pasensiya ka na Zayna" sabi ko.
"A-Ayos lang" sabi niya.
Inalalayan ko siya para makaupo.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko.
"Ayos na ako. Salamat..." sabi niya.
"Pasensiya na talaga ha" sabi ko.
"Ayos lang" sabi niya.
Aish! Ames naman.
"Oh siya mahal na Prinsesa, mauna na ako sainyo. Malapit na din ang gabi" sabi niya.
"Sige... Mag iingat ka" sabi ko.
Tumango siya at umalis.
Zayna... Kaaway ka ba o kakampi?
Hindi ko maalis sa isipan ko kung talaga ba'ng siya ay kaaway dahil siya ay may dugo'ng Aluna. Hay...
Mahirap nang magtiwala ngayob sa mga dugo'ng Aluna.
Gusto ko'ng malaman kung may koneksyon nga din ba siya sa itim na kapangyarihan.
Isa lang ang nakikita ko'ng paraan...
Kailangan ko'ng pumunta ng La Lykos.
__
Hean's POV
Nakarating na ako sa palasyo. Saktong pagdating ko ay nakita ko ang mga lobo'ng naglalamay sa baba.
Ano'ng meron?
Naglaho ako at pumunta sa lugar nila.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko.
"Mahal na Prinsipe, Isa sa ating kawal ay napaslang" sabi ng isang lobo.
"Bakit? Paano?" tanong ko.
"Dahil sa lobo ng Aluna" sabi niya.
Tinignan ko ang napaslang na lobo.
Siya yung lobo na pinasama ko kay Ace nung pumunta siya.
"Nakikiramay ako" sabi ko.
Nag anyong lobo ako at tumakbo papuntang palasyo.
Kung gayon ay... Maaaring napahamak din si Ace.
Tumakbo qko papunta sa silid pagamutan.
Kailangan ko'ng malaman ang nangyari. Kailangan kong pumunta sa aming Salamangkero'ng Avoid Damian Namio.
"Salamanhkerong Oman" pagbati ko.
BINABASA MO ANG
The Next Alpha
FantasyAmes, a long-lost princess of Howlea, has discovered who she really is-a wolf. Her very own wolf-man of an uncle reared her as a human. She set out to return to Howlea as the heir apparent in order to reconstruct her destroyed kingdom and restructur...