Chapter 41

46 5 0
                                    

Ivory's POV

Hays... Bakit pa kasi kailangan pumunta dun para sa liham na pwede nama'ng ipadala gamit ang mahika?

Narito na ako sa Huskalio. Kay gandang kaharian. Gawa na ginto, pilak, at salamin.

Pmasok na ako sa loob ng kanilang kaharian.

Nag anyong tao muli ako.

Hmm?

Lumapit ako sa mga gwardiya ng palasyo.

"Maganda'ng Hapon" sabi ko.

"Ano ang aming mapaglilingkod?" tanong nung isa.

"Nais ko sana'ng makausap ang Salamangkero'ng Oman" sabi ko.

"At ano ang kailangan mo sa ami'ng Salamangkero?" napatingin ako sa lobong nagsalita.

Nag anyong tao din siya. Napaka kisig.

"May nais sana ako'ng ibigay na liham sa kanya. Galing sa salamangkera'ng Darcia ng Howlea" sabi ko.

"Tumuloy ka, sundan mo ako" sabi nung lalaki.

Sumunod ako sakanya.

"Kung gayon ay dugo'ng Howlea ka?" tanong niya.

"Oo..." sabi ko.

"Ako si Leo ng Huskalio" sabi niya.

"Leo! Tawag ka ng prinsipe!" napatingin naman kami dun sa nagsalita.

"Eric" sabi ni Leo dun sa lalaki.

"May iuutos daw sayo ang prinsipe" sabi ni Eric.

"Ganun ba? Sige... Maiwan muna kita lobo... Eric, samahan mo siya papunta sa salamangkero'ng Oman" sabi ni Leo.

"Bakit ako?" tanong nung lalaki.

"Eric..." sabi ni Leo tsaka umalis.

Eric ang kaniyang ngalan? Makisig at matipuno. Ngunit mukhang mayabang at wala'ng modo.

"Dugo'ng Howlea ka?" tanong niya.

"Oo... Ako si Ivory Holo ng Howlea" sabi ko.

"Talaga? At ano ang pakay mo sa salamangkero?" tanong niya.

"Apo ako ng salamangkera ng Howlea. May pinapabigay siyang liham para sa inyo'ng salamangkero. Maaari ko ba silang makita?" tanong ko.

"At papaano ko malalaman na mabuti ang tangka mo?" tanong niya.

"Nais mo ba'ng sabihin na ako ay masama'ng lobo?" tanong ko.

"Paano ku'ng oo?" tanong niya.

"Mawala'ng galang na, ngunit narito ako para sa liham na ipinabibigay ng salamangkera sa salamangkero. Iyon lamang ang pakay ko at wala nang iba" sabi ko.

"Talaga ba?" tanong niya.

Bakit ba ganito ang ugali nito? Akala mo naman kung sino.

"Para makasiguro ako sa sinasabi mo, sasamahan kita papunta sa salamangkero. Isang maling galaw mo, mamamatay ka" sabi niya.

Talaga lang ha?

Naglakad lang kaming dalaws papunta sa isang silid.

Tss.

"Salamangkero'ng Oman, may naghahanap sainyo" sabi niya.

"Maganda'ng hapon" sabi ko.

"Maganda'ng hapon, Eric... Ikaw siguro si Ivory Holo, apo ng salamangkera'ng Darcia ng Howlea" sabi niya.

The Next AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon