Chapter 1

507 16 0
                                    

Caelum's POV

Tahimik na simoy ng Howlea...

Matagal na din simula nung hindi maghimagsik si Ramacus dito.

Si Ramacus ang kapatid ng hari sa kanyang ina.

Ang dugo'ng bughaw ng Howlea ay nasa dugo ng kanyang ama. Kaya't hindi maaaring maging alpha ng Howlea sa Ramacus.

Dahil dun, siya ay nag rebelde.

Tahimik ang buong palasyo dahil umalis na siya.

Lalo na at nagdadalang Lobo ang mahal na Beta.

Ako si Caelum Avar, isang kawal heneral sa palasyong ito.

Ako din ang kapatid ng Beta si Cerice Luna. Napangasawa ng aking kapatid ang mahal na Alpha na si Damascus Luna. Ngunit wala sa dugo namin ang pagiging maharlika.

Ang Alpha ay ang siyang kinoronahan upang maging pununo. Ang Beta naman ay ang mapapangasawa ng pinuno. Ang Gamma naman ay ang prinsipe o ang prinsesa.

Ang mga maharlikang lobo ay may kapangyarihan tulad ng paglaho, pagpalit anyo, at iba pang mala elementong kapangyarihan. Samantala kaming simpleng lobo ay kaya lamang magpalit ng anyo sa pagiging tao.

"Caelum, nanganak na ang Beta" sabi nang komadrona sa akin.

Pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan nasa tabi ng Beta ang kanyang natutulog na anak at ang kanyang asawa.

"Kakaiba ang lobong ito, mayroon siyang Asul na mata. Ito ay madalang lamang" sabi ng komadrona.

Kaming mga lobo ay kulay-abo ang mata.

"Siya ay isang espesyal na lobo. Taglay niya ang kapangyarihan ng buong Buwan, na siyang pinakamalakas na kapangyarihan na maaaring makamit ng isang lobo. Ang hagulgol ng bawat lobo ay nasa buwan. Kung kayat ito ay nasa kamay niya. Binabati ko kayo" sabi ng Salamankerong lobo.

Ngumiti ng maluwag ang mahal na Alpha.

"Humayo ka Caelum, ipgbunyi ang kapanganakan ng Gamma ng Howlea" sabi ng Hari.

Ako ay lumuhod at nagbigay pugay.

Dali dali akong lumabas.

"Mga Lobo ng Howlea. Magbigay pugay! Sa bagong Gamma ng Howlea! Gamma Ames" sigaw ko.

Humagulgol sa tuwa ang buong pack.

Muli akong pumasok sa loob.

"Caelum, ipatawag ang lahat ng Alpha ng mga lobo. Tayo ay magkakaroon ng pagdiriwang, pagkat ang susunod na Alpha ng Howlea ay naipanganak na" sabi ng mahal na Alpha.

Nagbigay pugay ako. At inutusan ang mga kawal na ipatawag ang lahat ng pinuno sa bawal kaharian ng Lobo, sa Aluna, Huskalio, at La Lykos. Apat na kaharian ng Lobo.

__

Dumating na ang itinakdang araw ng pagdiriwang at dumating na ang mga panauhin.

Kumpleto na lahat kaya't nagsalita na ang Alpha.

"Ako ay nagpatawag ng isang pagdiriwang para sa aking anak na si Ames. Ang tagapagmana ng Howlea" sabi ng Alpha.

Kasama ng bawat kaharian ang kanilang mga anak.

Lumapit ang isang maliit na lobo na may dilaw na mata sa mahal na Beta.

"Sino siya?" tanong ng batang lobo.

"Siya si Ames, ang aking anak" sabi ng mahal na reyna. "Ikaw? Ano ba ang ngalan mo?" tanong ng Beta.

"Ako si Hean, prinsipe ng Huskalio" sabi niya.

"Kay gandang pangalan. At kay ganda din ng iyong mga mata" sabi ng Beta.

"Salamat. Sabi ng aming salamangkero, taglay ko daw ang kapangyarihan  ng Pinakamaliwanag na bituwin, o ang bituwin ng mga aso" sabi ng bata.

"Mahusay" sabi ng Beta.

Madami ding ingay na gawa ng pag uusap ang aking nariirnig namg biglang.

"Anong kaganapan dito!" sigaw ng isang lobo mula sa pinto. Si Ramacus. Tinalasan ko ang aking mga ngipin.

"Ramacus, aking kapatid... Ano at-..." sabi ng Alpha.

"Wag mo akong matawag tawag na kapatid Damascus! May pagdiriwang kayo at hindi niyo man lamang ako ipinatawag... Ohh... Nanganak na ang reyna... Heto na pala ang Gamma ng Howlea" sabi niya. Napakapit ng mahigpit ang reyna sa kanyang anak.

"Aran, lumayo kayo ni Hean" bulong ng Hari ng Huskalio sa kanyang pamangkin.

Narinig iyon ng Beta kaya't lumapit siya sa akin.

"Aking kapatid, hindi maganda ang kutob ko sa maaaring mangyari ngayon, ilayo mo si Ames" sabi niya.

"Ano?" tanong ko.

"Lumayo kayo. Pumunta kayo sa mundo ng mga tao" sabi niya.

"Ano bang sinasabi mo" bulong ko.

"Para ito sa kapakanan ng lahat. Kapag sumapit ang ika labing Walong kaarawan ng Gamma, ipabatid mo ang lahat sakanya" bulong ng Beta.

Binigay niya sa akin ang kanyang kwintas.

Kumuha siya kumot saka ito ipinabilog upang mag hugis sanggol.

Dahan dahan ko'ng inilayo ang Gamma mula sa palasyo.

Bago ako makaalis ay nakarinig ako ng usapan.

"Ibibigay mo sa akin ang trono o mamatay kayo" sabi ni Ramacus.

"Ang trono ay para lamang sa Gamma" sabi ng Alpha.

"Kung ganun... Ibibigay ko ang inyong nais" sabi ni Ramacus. At nagsigawan sila. Hudyat na may gyera.

Narinig ko na ang kagatan ng mga lobo kaya't dali dali na akong umalis at inilayo ko ang Gamma.

Bigla itong umiyak kaya't ako at huminto at ikinuwintas sakanya ang kwintas na bigay ng kanyang ina.

Nang kami ay nasa lagusan na, nagpalit anyo na ako bilang tao, sabay sa pagpalit ko ng aking anyo, ay naging tao na din siya. Sa huling pagkakataon aking nasulyapan ang kahariang aking pinagsilbihan. Ito ay sirang sira na

"Paalam Howlea" bulong ko tsaka dumeretso sa mundo ng mga tao.

Pagdating ko duon ay nakaputing damit ako at puting pambaba.

Gabi na at tila umuulan pa. Naghanap ako ng lugar na maaari naming matuluyan ni Ames. May nakita akong isang lugar kung saan maaari naming tirahan ni Ames.

"Binibini, maaari bang magtanong, saan kami maaaring tumuloy?" tanong ko sa isang tao.

"Naku iho, basang basa kayo. Halika, sumama ka sa akin" sabi nung ginang.

Sumama na lamang ako sakanya at pinatuloy niya ako sa bakanteng bahay. Magkakadikit na bahay ito.

"Naku iho, naghahanap ka ng lugar na matutuluyan? Pwede dito sa apartment ko. Kaso may bayad ang renta. Kung gusto mo naman ay bilhin mo itong unit na ito" sabi niya.

"Magkano po ba ang halaga?" tanong ko.

"₱35,000.00 kung bibilhin mo" sabi nung ginang. Hindi ko pa naman batid kung paano mamuhay sa mundong ito.

Inabutan ko siya ng dalawang barya ng ginto.

"Hindi ko batid ang nais mong sabihin, ito ba ay sapat na?" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"O-Oo, oh siya, sayo na tong apartment iho ha! Naku salamat!" sabi niya at umalis sa lugar na yun.

Aking tinignan ang wangis ng prinsesa. Mapa lobo o tao, sadyang napaka ganda ng aking pamangkin.

Mula ngayon ako na ang mag aalaga at magbabantay sayo mahal na prinsesa. Ikaw ay magiging ligtas hanggang sa dumating ang takdang panahon. Sa ngayon, kailangan mo muna ng matiwasan na pamumuhay, Ami de Chevalure Luna...

The Next AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon