Chapter 4

161 11 2
                                    

Kinuha ko na yung PE uniform ko.

Nagbihis na kami ni Oda tsaka lumabas.

Itinali ko na yung buhok ko. Siyempre, alangan nama'ng mag PE ako nang nakabuhaghag.

Pumunta na kami sa gym.

Yu'ng mga kaklase nami'ng babae, excited kasi makakasama namin sa PE ngayon yung mga lalaki.

Samantala ako?

Ewan.

Gusto ko lang magbanat ng buto.

Dumating na yung mga lalaki mula sa kabila.

Teka... Pamilyar yung isa.

Tama...

Siya yun...

Yung lalaki'ng nagligtas sa akin...

Tama siya nga.

"OMG! Andito si Hean" sabi nung mga kaklase ko'ng babae habang nakatingin dun sa lalaki'ng nagligtas sa akin.

Yun malamang si Hean.

Hean...

Yun pala ang pangalan mo...

"Okay girls and guys, every Thursday, asahan niyong ganito ang PE natin. Magkakasama ang first sections. But siyempre, walang lalabag sa rules, no flirting nor courting, got that?" tanong nung PE teacher namin.

Tumango kami.

"So for this day, mag j-jogging kayo" sabi niya.

"Hays, mahina ako dito" bulong ni Oda.

"Ikaw pa, kaya mo yan" sabi ko.

"Form a line" sabi nung teacher.

Nag line na kami.

"10 points ang jogging na ito. Kung ilang rounds ang na jogging niyo, ganun ang puntos niyo" sabi niya.

Ayos ah.

"Ready..."

"Set..."

"Go..."

Nag jog na kami.

Sa unang round, kaya pa, wala pa'ng bumibigay.

Sa ikalawang round, wala padin.

Sa third round pitong babae na ang bumigay.

Sa fourth round, anim na lalaki ang nawala.

Sa fifth at sixth round, walang natanggal.

Sa seventh round, walong babae at siyam na lalaki ang natanggal.

Sa eight round, apat na babae at apat din na lalaki ang nawala, kabilang dun si Oda.

Sa ninth round, limang lalake at limang babae ang natanggal.

Kami nalang ni Hean ang Natira.

After that round. Tumigil na kami.

Phew... Nakakapagod tumakbo. Pero nabuhayan na yung dugo ko.

"Okay, sit in the floor, stretch you legs" sabi nung teacher namin.

Umupo kami tsaka inistretch yung binti namin.

"So pito ang naka 3 points...
Anim ang naka 4 points...
Seventeen ang naka 7...
Walo naman ang naka 8 points...
Sampo ang naka nine points...
At dalawa lang ang nakatapos..."

Sabi nila. Nagtinginan yung mga kaklase ko.

"No other than Mr. Estarre and Ms. Luna" sabi nila.

The Next AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon