Chapter 47

49 3 0
                                    

"Narito ako para sa Grande Lupo" sabi niya.

"Ang aking sandata? Hindi pa ba sapat na nasa inyo ang Skouro Spathi?" tanong ko.

"Huwag ka'ng patawa Minerva. Kaya ibigay mo na sa akin" sabi niya.

"Wala pa ito sa aking mga kamay. Ngunit kung nanaisin mo, magkarera tayo" sabi ko.

"Karera?" tanong niya.

"Oo, paunaha'ng makuha ang Grande Lupo. Ang unang mahakuha nito ay siyang makakakuha nito" sabi ko.

"Talaga'ng itataya mo ang Grande Lupo?" tanong niya.

"Wala akong tinataya na alam kong matatalo ako. Ano? Payag ka ba?" tanong ko.

Tumakbo na agad siya papakyat sa bulkan.

Tumakbo na din ako papunta sa kabilang daan.

Nag anyong lobo ako para mas bumilis.

Talaga nga nama'ng alagad siya ni Shiki.

Mga lobo'ng kay hilig mandaya.

Binilisan ko pa ang pagtakbo.

Ang Grande Lupo ang pinakamakapangyarihan sa lahay ng sandata.

Wala ito'ng pinipiling tagapag may ari. Kaya kung nakuha ito ni Hien, sakanya na ang Grande Lupo.

__

Ames' POV

Eto na ang araw na tatapos sa mga pangamba nami'ng lahat.

Sinuot ko na ang kalasag ko'ng pang-digmaan na kulay puti at asul.

Nasa kaluban na sa aking bulsa ang Howlum.

"Lilac at Lapis, magtungo na kayo kasama ng mga kawal sa isla ng Lupo maghanda na kayo sa Silangan. Tito Caelum, Ivory, salamangkera'ng Darcia, at Zayna. Sumama kayo sa akin papunta'ng La Lykos" sabi ko.

"Masusunod" sabi ni Lilac at Lapis.

"Kapangyarihan ng buwan, hinihingi ko ang iyong basbas para sa aming digmaan" pakiusap ko sa buwan.

Lumapit ako kina tito, Zayna, Ivory, at salamangkera'ng Darcia.

"Dalhin mo agad kami sa La Lykos" sabi ko.

Naka alis na kami'ng lima dun.

__

"Narito na kami" sabi ko.

"Mabuti" sabi ni Aztec.

"Andito na ba ang lahat?" tanong ni Leica mula sa pinto.

"Chiono!" sigaw ni tito tsaka tumakbo para yakapin si Chiono.

Wow ha?

"Alpha Leica... Ang mga dugo'ng Huskalio na lamang" sabi ni Aztec.

"Kami ay narito na" sabi ni Hean.

"Zayna!" sigaw ni Ace tsaka siya tumakbo para lapitan si Zayna.

"Kaibigan ko'ng Salamangkero" sabi ng Salamangkero'ng Oman kay Salamamgkera'ng Darcia.

Bakit ganito sila.

"Kasama pala si Ivory" sabi ni Eric tsaka nilapitan si Ivory na halatang naiinis.

Edi sila na ang may niyayakap bago magsimula ang digmaan.

"Alpha Leica" pagbati ni Leo tsaka siya lumapit kay Leica.

Sobra na 'to ha.

"Mahal na Prinsesa" pagbati sa akin ni Hean.

Ay ako din meron?

The Next AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon