Chapter 2

293 11 0
                                    

Ames' POV

"Ames! Bumangon ka na!" sigaw ni tito. Hay! Ano ba naman yan natutulog pa yung tao eh.

"Opo tito papunta na" sabi ko.

"You said that about a hundred thousand times! Come on! May trabaho pa ako" sabi niya.

Hmmp!

Bumangon na ako at naligo tsaka bumaba.

"Tito Caelum, mauna ka na, ako na pupunta sa school mag isa" sabi ko.

"Ikaw nagsabi ha, sige mauna na ako" sabi niya tsaka umalis.

Ang tito ko ay employee sa isang company. Actually simpleng janitor daw siya noon at nakitaan siya ng kakayahan nung CEO kaya binigyan siya ng chance. And now, eto siya.

Kakaiba kami ng tito ko. Color gray ang mata niya. Ako naman blue. Hindi naman ako na bu bully dahil dun. Pero weird padin para sa akin.

Umalis na siya. Ako naman kumain na tsaka umalis.

Dalawa nalang kami ni Uncle. Wala naman siyang na kwe kwento sa akin tungkol sa mga magulang ko.

Nilalakad ko lang papuntang school. Ganun lang ako eh.

"Ouy Ames!" sigaw nung kaibigan ko. Siya si Hellion Dayan Yve. Pero Oda ang tawag ko sakanya. "Maghintay ka naman" sabi niya. Tsaka siya sumabay sa akin.

"Oh?" tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh?" tanong ko.

"Wow Ames ang aga aga ang sungit" sabi niya.

"Di naman. Tara na nga HAHA" sabi ko.

Sabay kami halos pumunta sa school nitong si Oda. Simula kasi high school barkada ko na siya. Kaya ngayong senior high, magkaibigan padin kami.

Habang naglalakad kami, naramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa likod ko kaya tumingin ako dun. Kaso wala namang tao. Hays guni guni ko lang siguro yun.

Separated ang boys at girls dito sa school na toh. Ang kabilang side pang boys, ang kabila daw ay girls. It's their way to prevent flirting while Studying.

"Hi kuya Guard" pag bati ko dun sa guard namin.

"Oh Ms. Blue eyes, good morning sainyo" sabi niya tsaka niya kami pinapasok.

Last school year na namin toh. Kaunti nalang matatapos na kami sa high school. Balak ko sanang magtapos ng Math Major.

Oo, hilig ko ang Math eh.

Pumasok na kami ni Oda sa classroom. Hindi tulad ng iba, hindi ako famous dito sa school. I mean, hindi naman kasi ako kagandahan. Eh sa school na toh, famous ka lang kapag maganda ka.

Isa sa famous sa campus ma toh ay si Rhett Quiescent Elko or kilala sa tawag nilang Hien. Maganda siya. Sobrang ganda. Kaso, as expected sa mga magandang famous sa campus na tulad niya, isa siyang maarteng ewan. Hindi ko gusto ang ugali niya.

The Next AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon