Chapter 34

37 5 0
                                    

__

Someone's POV

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" tanong ko sakanya.

"Medyo, pero hindi ako makalapit sakanya" sabi niya.

"Papaano'ng hindi?! Gawin mo ang lahat. Tandaan mo ang kapalit ng hindi mo pagsunod sa mga nais ko" sabi ko.

"Oo, batid ko iyon. Ngunit hindi ko pa din batid kung paano ako makakalapit" sabi niya.

"Kung ganun ay pumunta ka bukas sa La Lykos at kausapin siya. Hindi naman magigung mahirap iyon diba?" tanong ko.

"Oo... Ngunit may isa lamang akong katanungan" sabi niya.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Ikaw ba ang pumaslang kay Ayri?" tanong niya.

"Ang tao'ng yun? Oo, ako. Bakit?" tanong ko.

"I-Ikaw?!" sigaw niya.

"Bakit? Papalag ka pa ba? Kasama iyon sa plano ko. Kaya wala ako'ng pakealam kung malapit ba siya sa iyo. Gawin mo ang pinapagawa ko. At may gagawin pa ako" sabi ko.

Tsaka ako lumabas ng silid na iyon.

Argh! Naiinis na ako sa araw araw ko'ng nakikita. Wala'ng iba kundi ang palasyo ng Aluna.

Ang tagal naman isakatuparan ng aking ama ang kanyang plano para naman makapunta na ako sa iba pang kaharian.

Lumabas na ako ng palasyo. Kailangan ko nang magbalik sa mundo ng mga tao para isakatuparan ang susunod kong plano.

__

Ames' POV

I'm still nervous. Eh sino ba naman hindi kakahaban?

At least I know that Zayna isn't an enemy. Na malinis siyang lobo.

Between Leica and Athen.

Ewan eh. Pero sino ba sakanila ang pwede'ng mas connected?

Hay ewan.

EWAN! KAINIS!

Bumangon na ako at nagbihis ng kalasag at panlaban tsaka pumunta sa La Lykos.

Umaga na.

Dahil alam ko nang gamitin ang kapangyarihan ng paglaho, yun na ang ginamit ko para makapunta sa La Lykos.

Naglaho na ako.

Tsaka pumunta sa La Lykos.

Wala pa ba'ng lobo dito?

Pumunta ako sa silid aralan ng sinaunang Alpha.

Wala pa'ng lobo? Pero maaraw na.

"Wala'ng lobo maganda'ng pagkakataon ito"

Naglaho ako nang makarinig ako ng hindi pamilyar na boses.

Sino yun?

Pumunta ako sa corridor tsaka dun nagpakita.

Nasaan ba yun?

"Ames!" sigaw na bulong ng isng lalaki na ngtatago sa kabilng banda.

"Rean?" tanong ko.

"Shhh" bulong niya tsaka niya ko ipinalapit sakanya.

Lumapit ako saknya.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ko. Tinakpan niya ng bibig ko.

"Huwag kang gagawa ng ingay. May iba'ng lobo dito" bulong niya.

Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko.

The Next AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon