Chapter 14

51 6 0
                                    

Dreams, Battle, and Love...


I am so mad at myself. I knew to myself that i am being honest. Totoo ako sa sinabi kong masaya ako kung sakaling masasaksihan ko ang pag-iisang dibdib nila, but i also knew that i am being plastic. Alam ko sa sarili ko na hinihiling ko na sana hindi si Celine ang babaeng yon kung hindi ako.

Because of that, i chose to avoid the both of them. Ginawa ko ang lahat para maiwasan si Celine lalong lalo na si Archer. Imposible dahil sa iisang company lang kami nagtatrabaho.

Where ever he is, i always find myself looking for him. No matter how far he could be.

"Kiana, ano bang problema?" Nagulat ako sa tanong ni Keifer.

"Ha? Wala naman..." Uminom ako ng tubig. Hindi ko napansing wala nanaman ako sa sarili.

Sa totoo lang ay wala akong planong sumabay sa kaniya sa pagkain pero sa araw araw na pangungulit niya, i just joined him. Wala namang malisya sakin yon. Ewan ko lang sa kaniya dahil malandi siya.

"Ilang araw ka ng palaging wala sa sarili. I'm worried if you're okay."

"Don't worry. Hindi mo pa naman ako kailangan dalhin sa mental hospital."

I tried to joke around para naman hindi na siya mag- alala. Katulad lang din naman siya ni Symon. Sa bawat araw na dumadaan ay mas nakikilala ko siya at nakikita kong posible naman kaming maging magkaibigan. He's a nice man.

"Stop playing around, Kiana. Seryoso ako."

"Okay, chill! Wala nga sabi akong problema."

"Bakit ba kasi palagi ka na lang wala sa sarili mo? Hindi ka naman ganiyan. Ayaw mo ba akong kasama?"

I rolled my eyes at him. When he's with me, he's like Symon, but when it comes to business, he's more like Archer.

Magaling sa napiling linya at mahusay na businessman. Walang maipipintas at talagang hindi mo gugustuhing banggain dahil sa mga naririnig ko ay delikado rin siya pagdating sa corporate world.

Kung hindi ko lang agad nakita ang ganitong side niya ay magtataka talaga ako ng sobra. He's very different for what other people describes him.

"I'm not aware that someone like you would be like this. Daig mo pa ang babae kung mag overthink!"

"Bakit? Babae lang ba ang may karapatan na mag- overthink?"

I laughed.

"Hindi naman. Sobrang layo lang talaga ng personality mo sa kwento ng ibang tao. Base sa mga kwento nila ay hindi ko ineexpect na someone like you would say something like that. Paranoid!"

"Palagi mo akong tinataboy. Wag mo akong sisihin kung ganito ako mag-isip."

I think he's right. I'm kinda rude to him, but that's because his ideas are crazy! Sino bang matinong tao ang mag-aaya ng kasal sa kakakilala pa lang, di ba?

"I'm sorry..." i sincerely said.

I'm fully aware of my actions. Hindi ko itinatangging alam ko na nasasaktan siya sa ilang sinasabi ko, but i think, it's just normal. It's normal for a woman to say those sa taong kakakilala niya pa lang pero kung magsalita ay parang simula pagkabata ay magkakilala na.

"It's okay, but seriously, Kiana, i am really worried. Palagi kang wala sa sarili these days. Kung may problema ka, you know that you can always tell me, right?"

I looked straight into his eyes. Kitang kita ko ang sinseridad doon kaya naman ngumiti ako.

"Stop worrying. I am perfectly fine"

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon