Chapter 36

49 3 0
                                    

Fool...

While crying because of the pain that i've been feeling in my heart, i just felt a hard grip in my hand making me stand up.

Wala akong lakas ng loob na tignan kung sino 'yon dahil patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ba maiibsan 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon kasi hirap na hirap na ako

Naramdahan kong hinila ako ng taong 'yon paalis sa lugar na 'yon, i do not care tho. I'm actually thankful dahil hindi ko alam kung paano akong makakaalis do'n. I feel like i was trapped in there when Archer leave me behind and the only way to escape is through this person right here.

I do not know anymore kung saan ba ako nasasaktan. Kung doon ba sa iniwan ako ni Archer sa mismong araw ng birthday ko or yung katotohanan na talagang kahit kailan, walang wala ako kumpara kay Celine.

Hearing from him the news that Celine is finally found made me happy but hurt as well. Ramdam ko sa puso ko ang kaba at pananabik na makita si Celine pero naisip ko lang rin na oras na para bumalik ako sa kung saan ba talaga ako nararapat in the first place.

I almost forgot where i should stand and thanks to Archer, leaving me behind in my own birthday is like a wake up call to me that i must not live in my own dreams. That we are in reality and our reality is me, not being chosen by him.

"Can you please stop crying?!"

Ramdam ko ang galit sa sigaw na 'yon. Just by hearing his voice, alam ko na kaagad kung sino 'yon.

"Kiana, do you really have to do this?! Hindi mo ba talaga nakikita?! Para sa kaniya, wala kang halaga! Kailangan ba talagang ikaw mismo ang trumato ng ganito sa sarili mo?!" Sermon niya sa'kin.

His eyes are filled with anger and pain. Sadness and sympathy for me.

"You mean nothing to him, Kiana! Can't you see it? Are you that really blind because of your feelings for him? Look at yourself! Umiiyak ka na naman over some guy who cannot see your worth! Iniiyakan mo yung lalaking hindi naman deserve ang bawat butil ng luha mo!"

"K-keifer..." humihikbing tawag ko sa kaniya.

Mabuti na lang at kami lang ang nandito ngayon sa may parking lot. Magalit man siya sa'kin ay wala ng iba pang makakakita.

"Kiana, matitiis ko pa na hindi mo ako gustuhin! Makakaya ko pa na paulit-ulit mong ireject yung pagmamahal ko sayo, but seeing you like this? I cannot just watch you! I can bear all the pain of seeing you loving someone as long as you're happy and not like this! Ano pang silbi ng pagpapaubaya ko ng nararamdaman ko kung iiyakan mo lang din pala ang gagong 'yon!"

"Y-you don't understand..."

"Ano bang mahirap intindihin?! Kitang kita ko, Kiana! Kung paano niyang tanggihan ka sa alok mo at kung paanong iniwan ka niya sa loob! I saw all of it and i tried so hard to not interrupt you two kasi nirerespeto kita! Diyan ka masaya, e, kaya pagbibigyan kita! Pero, Kiana naman! 'Yang mga luha mo, hindi deserve ng isang katulad niya! Hindi mo ba nakikita 'yang halaga mo? Bakit pinipilit mong magpakatanga sa isang tao! Sa taong katulad niya!"

"B-because i-i lov-"

"Ayan ka na naman sa pagmamahal mong 'yan! Pwede bang wag mo ng idahilan sa'kin 'yang pagmamahal mo sa kaniya because that's bullshit! You made me stop my feelings for you because you said that i don't deserve this, then why can't you stop loving him?! Do you really think this is what you deserve? No, Kiana! You don't deserve any of this!"

"But, Keifer, hindi n-naman niya k-kasi ginustong iwanan ako," pilit kong pagtatanggol kay Archer.

"Kung hindi ka niya gustong iwanan, hindi siya aalis, Kiana! Kung gusto ka niyang makasama, hindi mo na siya kailangang pakiusapan pa dahil kusa ka niyang yayayain! Kiana, gumising ka! Hindi ikaw si Celine! Si Celine na girlfriend niya! Si Celine na mahal niya! Si Celine na handa niyang paka-"

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon