Chapter 1

223 9 1
                                    

At first sight...

Nakapalumbaba akong nakaupo ngayon sa isang table sa loob ng cafe sa tapat ng University namin.

Isa akong first year college student. Mag-isang nakikipag sapalaran sa lugar na ito dahil hindi naman ako mabubuhay kung hindi ako kikilos. Nag-iisa na lang kasi ako sa buhay at sarili na lang ang kaagapay.

Malas ang buhay ko. Wala kasi akong makitang swerte rito. Sarili ko lang ang meron ako. Walang pera o kahit na ano. Wala na rin sigurong rason para mabuhay ako. Nakakapagtakang nag-iisa ako at laking hirap, pero nakaabot ako ng college. Kapag kasi namulat ka sa realidad ng buhay ay dapat matuto kang dumiskarte.

Napatingin ako sa pintuan ng cafe nang bumakas 'yon. Hindi ko ugaling lumingon sa mga bagong dating, pero hindi ko alam kung bakit agad akong napalingon doon. Tatlong lalaki ang pumasok mula sa pintuan.

Mukhang mga respetadong tao ang mga bagong dating. Dalawang matanda.' Yung isa ay mukhang bigating tao dahil postura at kilos pa lang ay mukhang mamahalin na. Mahilig ngumiti ang lalaki at kahit mukhang may edad na ay hindi mahahalata dahil bakas pa rin ang pagiging magandang lalaki nito.

Ang sumunod naman ay hindi nalalayo ang edad sa matanda, pero mukhang assistant niyo ito base na rin sa mga ikinikilos niya. Tipid ang kilos at halatang praktisado.

Dumako ang paningin ko sa ikatlong lalaki na siyang pinakabata. Mukhang mas matanda siya sa'kin ng ilang taon. Hindi tulad ng dalawang lalaki ay hindi ngumingiti ang isang 'to. Akala mo ay may galit sa mundo dahil walang karea-reaksyon ang dalawang mata niya.

Matangkad at gwapo. Halatang mayaman sa kilos pa lang. Mukhang anak siya ng naunang lalaki dahil may pagkakahawig sila sa isa't isa. Makakapal na kilay at magaganda ang mata niya kahit na walang bakas ng kahit na anong emosyon doon. Matangos ang ilong at natural na pula ng labi. Katamtamang kulay ng balat na talaga namang bumagay sa kaniya.

Hindi ko napansin na napatagal na pala ang pag-oobserba ko sa kaniya kaya naman nang magtama ang tingin namin ay agad akong napaiwas. Nagulat ako dahil paano niya nalamang nakatingin ako sa kaniya?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro ay dahil ito sa pag-inom ko ng kape kaya ngayon ay nag papalpitate ang puso ko. Agad kong inubos ang kape ko saka agad na lumabas ng cafe.

Nakakahiya ako! Bakit ko ba kasi tinitigan ang lalaking 'yon? Ang intimidating naman kasi ng dating niya! Naturingang mas bata, pero daig niya pa ang pinakamatanda kung makapag suplado ng itsura!

Napahawak ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok nito. Kumunot ang noo ko dahil ngayon lang nangyari sa'kin 'to.

Agad na lang akong dumiretso sa field ng school. Tahimik lang kasi doon dahil walang students na nagpupunta. Ayaw ko rin kasing makihalubilo sa kanila dahil rich kid ang mga 'yon. Hindi naman sa sinasabi kong spoiled brat sila, pero mahirap makipag sabayan sa mga taong malaki ang laman ng bulsa.

Naupo ako sa ilalim ng puno at saka kinuha ang libro kong medyo sira na. Nabili ko lang kasi ito mula sa online. Napaglumaan na ng may-ari mula sa school na 'to kaya ibinenta na lang.

Mapait akong napangiti sa sarili ko dahil kahit na hindi mukhang bago ay mapagtitiisan pa naman ang isang 'to. Masiyado kasing masakit sa bulsa kapag yung bago ang binili ko. Isang buwan na sweldo ko sa part time job ko ang katumbas ng isang libro.

"'Wag ka munang bibigay, ha? Matagal-tagal pa tayong magsasama na dalawa." Pabiro kong bulong sa libro.

Binuklat ko na ang bawat pahina nito at natuwa naman ako dahil maayos pa ang lagay nito. Nakangiti kong binasa ang bawat lecture.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon