Chapter 2

111 8 0
                                    

Dreams do come true...

Matapos ang apat na taon ay natapos ko na ang unang hakbang tungo sa pangarap ko.

"Let's all welcome our batch Summa Cum Laude, Ms. Kiana Fortunato!"

Malakas na palakpakan ang maririnig sa loob ng university. Dahan-dahan akong naglalakad papunta ng stage at nakangiting pinagmasdan ang mga nakangiti at maluha-luhang mukha ng mga kapwa ko magtatapos.

Masaya ang lahat sa araw na ito. Lahat ay kasa-kasama ang mga mahal nila sa buhay na hindi magkamayaw sa pagpapaalala kung gaano sila kaproud sa mga magtatapos na bata.

Malaki ang ngiti sa aking labi ngunit ang puso ko ay malungkot. Sa dinami-rami kasi ng estudyanteng magtatapos sa araw na ito ay isa ako sa mga walang mahal sa buhay na dadalo. Sa kabila ng mataas na karangalan na matatanggap ko ay wala man lang akong kasama na magsasabit nito.

"Ms. Fortunato, gusto mo bang ako na ang magsabit ng medalya mo?" Tanong ng isa sa mga guro kong gumabay sa akin sa loob ng apat na taon.

"Salamat po." Masayang sambit ko.

Ang araw na ito ay nakalaan para sa panibagong pinto na magbubukas para sa aming lahat.

Gusto kong matawa sa dami at bigat ng mga nakasabit sa leeg ko. Kung pupwede ko lang sana isanla lahat ng mga medalya ko ay siguro, makakapagtayo na ako ng sarili kong negosyo.

"Good morning to all of you." Bati ko sa lahat.

"First of all, i want to thank my professors who guided me here in school. Who became my parents while i am here. I also want to thank our dean who let me study in this school. My fellow students who made my whole stay in here wonderful, thank you so much and last but not the least, those people who believed that i can and supported me althroughout this journey, my success is all yours..."

Huminga ako nang malalim at ngumiti.

"I am an orphan. Lumaki ako na walang magulang o kahit na sinong kamag-anak ang nasa tabi ko. Maybe, you are wondering how i am able to live and that's because of those family who let me in in their houses."

Ngumiti ako ng mapait habang binabalikan ang bawat alaala ng kabataan.

"Hindi naging madali ang pananatili ko sa puder nila. Kung anu-anong masasakit na salita at pang mamaltrato ang natanggap ko hanggang sa matuto akong tumayo sa mga sariling kong paa. Hindi lang isa o dalawa ang pamilyang napuntahan ko at lahat sila ay masasakit na salita ang ibinabato, pero heto ako ngayon, matapang na nakatayo sa harapan ninyo."

"Sa murang edad ay natuto akong magbanat ng buto. Iba't ibang uri ng trabaho na ang nasubukan ko masuportahan lang ang pag aaral ko. Estudyante sa umaga at taga luto ng burger sa gabi. Diyaan umikot ang buhay ko,"

Sa mga sandaling 'yon ay bumalik sa alaala ko ang mga sandaling hiniling ko na sana ay pinatay na lang ako dahil sa saklap ng buhay na sinapit ko.

"Hanggang sa makapag tapos ako ng high school ay 'yon ang inatupag ko at sa awa ng Diyos ay nakatapos ako. Gusto kong pumasok sa kolehiyo, pero wala akong pambili ng mga gamit at mas lalo na pambayad ng matrikula ko, pero sa kabutihang palad ay nakakuha ako ng scholarship sa paaralan na 'to. May pamilya rin na nagtustos sa pag-aaral ko kaya naman para sa akin ay utang ko sa kanila ang mga nakamit ko."

"You see, lahat ng tao ay may kaniya kaniyang hirap sa buhay. Hindi porket hindi mo nakikita ang hirap ng iba ay hindi na sila tinatablan ng mga pagsubok sa buhay dahil bawat tao ay may kaniya kaniyang kinakaharap na mga suliranin."

"I shared to all of you my experiences in life to show you that everyone has their own battles. Maliit man o malaki, lahat tayo ay may pinagdadaanan, but that problems should not be the reason for us to stop reaching our dreams. Make those problems our inspiration to fly high. Hindi hadlang ang kahirapan, kapansanan o kung ano pa man para makamit nating lahat ang ating mga minimithi. Hindi 'yon ang dapat na maging dahilan upang sumuko na lang tayong lahat sa pangarap nating unti-unti nating inaabot."

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon