Chapter 15

55 6 0
                                    

Wrong...

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ngayon. Pinilit kong umakto ng normal na para bang hindi ako nasaktan sa sinabi niya kanina.

Tama naman siya eh. I shouldn't let my heart fall for him dahil alam ko at ngayon niya mismo nilinaw sa harapan ko na wala siyang balak na saluhin ako. He'll just let me fall and break because he's already catching someone else. Someone he loves.

"Kiana..."

"Ha?"

Nagulat ako dahil sa seryosong boses niya. I am spacing out again. Hindi ko namalayang kanina pa pala nakahinto ang sasakyan niya at nandito na kami sa harapan ng bahay nila.

"We're here. Let's go."

Hindi na niya ako hinintay pa at nauna na lang siyang pumasok sa loob.

I sighed.

How stupid of me to like someone like him. Umpisa pa lang ay aware na ako na may mahal siyang iba, but i still let myself to like him.

"This way, Ma'am..."

Nang makarating sa dining area ay si Tito at Tita lang ang naabutan ko. Ilang minuto lang rin naman ay nakita ko na si Archer. He's just wearing a simple tshirt and shorts. He looks very different when he's at home, but definitely good.

Nang muntikan nang magtama ang tingin naming dalawa ay agad akong umiwas. I don't want him to catch me again looking at him. Hindi pa nga ako nakakaget over sa nangyari kanina, may panibago na naman!

Habang tahimik kaming kumakain ay hindi ko maiwasan na kabahan. Katabi ko si Archer ngayon. Matapos ng sinabi niya kanina sa office ay hindi ko na alam kung paano ako makikisalamuha sa kaniya.

Hindi naman niya direktang sinabi na alam niyang may gusto ako sa kaniya at mas lalong mahal ko siya dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam sa sarili ko. Hindi ko rin naman inamin yon dahil ang sinabi lang naman niya ay ang posibilidad na mahulog ang loob ko sa kaniya.

"Archer, kailan mo ba balak pakasalan si Celine?"

Natigilan ako dahil sa biglang tanong ni Tito Gab. Kung kumakain or umiinom lang ako ay paniguradong nasamid na ako. Hindi pa ba sila nagsasawang pag- usapan ang tungkol sa kasal?

"We're not rushing marriage, Dad."

"Why not? Gusto ko ng makita ang mga magiging apo ko..."

"We're still not ready..."

I just silently listened to them. Wala naman akong interes na makinig sa usapan nila, but i have no choice.

Aksidente naman akong nag-angat ng tingin at nakita si Tita Frea na nakatingin pala sa akin kaya naman dali- dali akong umiwas ng tingin.

"Kiana..." Tawag niya.

"Po?" I nervously answered.

"Do you think Archer and Celine should get married now?"

Hindi ko magawang makasagot agad sa tanong ni Tita. Ano namang kinalaman ko sa pagpapakasal ni Archer? Kailangan ba talagang tanungin pa ako?

"Ha? Well, kung gusto at handa na silang magpakasal...why not?"

Pinilit kong ipakitang sincere ako sa sinasabi ko dahil natatakot akong may mahalata sila sa akin lalo na at nakatingin si Tita habang nasagot ako.

"Are you sure?"

Mas lalo akong natigilan dahil sa tanong niya. Ano ba talaga ang gusto niyang marinig sa'kin?

"Bakit naman po hindi?" Balik na tanong ko.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon