Chapter 24

56 5 0
                                    

Chase...

Hindi ko maiwasang mangiti habang inaayos ang bulaklak na bigay sa'kin ni Archer. Walang ibang ibig sabihin. Nilinaw niya at malinaw na malinaw sa isipan ko na pasasalamat lang talaga ang bulaklak na 'to pero ang puso ko ay sobrang saya.

Happiness isn't define by how long it lasted, but on how you cherish it while it's there.

Kinuha ko ang paborito kong libro na nasa kama saka kumuha ng isang bulaklak. Inipit ko 'yon sa libro bago muling ibalik ito sa mini bookshelf sa loob ng kwarto ko.

Habang kumakain ay tahimik kong inisip lahat ng isipin ko. Lahat ng sinisigaw ng puso ko ay gusto kong maisip. Lahat ng hinanakit na meron ako ay gusto kong pagbalik tanawan.

I can't believe that i made it this far. Who would've thought that a girl like me would grow up into someone like this? Even i, i still can't belive that i grew up this fine.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang inisip ang nakaraan ko pero hinding hindi ako magsasawa. Oo, talagang nakakapagod at nakakapanghina. Kahit na sino ay hindi gugustuhing maranasan ang ganoong klase ng buhay pero masaya ako na hindi ako sumuko.

Maraming pagsubok. Madaming challenges ang sumubok na patigilin ako. There are a lot of times where i can feel like giving up. Natanong ko sa sarili ko kung worth it pa ba, kung dapat pa ba akong magpatuloy.

Maraming beses na akong umiyak. Kinuwestiyon ang ginagawa ko sa buhay. Tama pa ba na ipagpilitan ko ang ganitong klase ng buhay para sa sarili ko? Tama pa ba na magsumikap ako sa bagay na pilit ipinagkakait sa akin? Ito ba talaga ang tadhana ko? Talaga bang hanggang dito na lang ang mararating ko?

Hindi kaya tama sila? Tama silang dapat na tumigil na lang ako sa kakapilit. Tama silang dapat ay tinanggap ko na lang kung nasaan ako at hindi na kailanman makakaalis sa ganoong sitwasyon dahil 'yon ang tadhana ko at sana ay naging thankful na lang ako dahil kahit papaano ay nabubuhay ako.

I'm so proud of myself that i didn't listen to them. I received a lot of discouragements while growing up. A lot of judgements by people who didn't understand my situation.

Masaya ako na nagpatuloy ako kahit na mahirap. Nagpatuloy ako kahit na nakakapagod. Nagpatuloy ako kahit sobrang sakit na. Hindi ko mararating ang lugar kung nasaan ako ngayon kung hindi dahil sa determinsayon kong mabuhay. Kung yung buhay ko noon ang talagang tadhana ko, handa akong kalabanin ang tadhana para lang mabago ko ang buhay ko.

It is my life and i will make my own destiny.

I believe that challenges are given to us to make us stronger and not to weaken us. Yes, challenges are really hard and painful at times, but that's totally normal. Instead of giving up, let this challenges build us to the best version of ourselves.

Lahat ng masasakit na salitang ibinato sa akin ang nagsilbing gabay ko para marating ang lugar ko ngayon. 'Yon ang nanakit sa'kin pero yun din ang bumuo at nagpatibay sa pagkatao ko that's why somehow, i am grateful that i experienced that kind of life. It is not something that every child can surpass, but i did. It is not something that everyone can handle, but i managed to live with it until i can finally continue a better kind of life.

Of course, hindi ko kakayaning maabot lahat ng mayroon ako ngayon kung hindi dahil sa tulong ng mga taong hindi ko inaasahang tutulungan ako.

Sa mga panahon na pamilya ko dapat ang nag-aalaga sa'kin at nagpapaaral. Sa mga panahon na pamilya ko dapat ang kasa-kasama ko sa pagharap sa bawat hamon ng buhay ay ibang tao ang nasa tabi ko. Mga taong hindi ko inaasahang ibibigay sa'kin noong mga panahong nauubusan na ako ng pag-asa na may taong handang alalayan ako sa bawat hakbang na gagawin ko at bawat daang tatahakin ko.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon