Chapter 4

86 6 0
                                    

Hope...

I glanced at my window. Ang unit ko ay nasa pinaka taas at aaminin kong sobrang ganda ng place ko. I can't afford this kind of place, but thanks to them, i can.

Ang kwarto ko ay may glass door kung saan makikita mo ang labas. May veranda rin kaya naman kung gusto kong tumambay doon ay pwede. Dahil sa nasa pinakamataas na floor located ang unit ko ay kitang kita ang ganda ng langit.

The sky has a pinkish color. It really amuses me how our creator knows how to design our world perfectly. It's just a serene day today. Ang sarap mahiga at pagmasdan lang ang langit.

Sa mga ganitong panahon ay wala akong ibang gusto kung hindi ang mahiga at pagmasdan ang langit. Sa mga ganitong panahon ko rin naman naiisip at kinukwestiyon kung bakit ganitong buhay ang meron ako.

I was born without my parents beside me. I live and barely survived all by myself. Hindi ko man lang naranasan ang lumaki sa loob ng isang mapagmahal na pamilya. Hindi ko naranasan ang umiyak at tumakbo sa nanay ko. Hindi ko rin naranasang maipagtanggol ng ama ko sa tuwing nabubuyo ako.

Iniisip ko kung gaano ba kabigat ang kasalanang nagawa ko noong unang buhay ko para malasin ako ng ganito. I don't see any reasons why i have to suffer like this. Isang simpleng bata lang naman ako na pinagkaitan ng pamilya. Pinagkaitan ng kalayaan na mamuhay nang payapa at masaya. Pinagkaitan ng kakayahang makapag-aral ng maayos.

Napakaraming pinagkait sa'kin na hanggang ngayon ay nagagawang pakirutin ang puso ko. All i wanted to do is to play when i was a child, pero imbis na laruan ay kung anu-anong paninda ang hawak ko. Imbis na masasarap na pagkain ang nakahain sa harapan ko ay puro tira tira ang kinakain ko. Kahit kailan ay hindi ko ginustong kumain ng ganong klase ng pagkain pero kailangan para lang mabuhay ako.

Pinunasan ko ang butil ng luha mula sa gilid ng mata ko. Everytime that i think about my situation before, i can't help but to cry. Hindi ko masasabing iba na ang sitwasyon ko ngayon, pero kung ipagkukumpara, masasabi kong mas magaan na 'to.

Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mabuti na lang at natural na sa akin ang maagang nagigising dahil nakasanayan ko nang bumangon ng maaga.

Nang maihanda ko ang simpleng agahan ko ay agad akong pumunta sa veranda ng unit ko at doon inabangan ang sunrise. Yes, hindi pa man nasikat ang araw ay gising na ako. Kadalasan kasi ay ganitong oras ako nabangon para tapusin ang mga ipapasa ko sa school.

Habang umiinom ng kape ay nakatingin lang ako sa langit. Sunrise and sunset will always be wonderful. It is so beautiful that i will never get tired of watching it.

Ilang minuto lang ay nagdesisyon na akong maghanda para sa araw ko. I have to look for a job today.

"This is it, Kiana. You can do it!" I cheered to myself.

Dala ang mga requirements ay nagtungo na ako sa pupuntahan ko. Medyo may kalayuan ang pupuntahan ko pero ayos lang dahil medyo maaga pa naman. Sumakay ako ng taxi at tinuro ang lugar kung saan ba dapat ako pupunta.

Nang dumating ako ay napatingala ako sa taas ng building na nasa harapan ko ngayon. I never thought that i would be able to enter this huge building, but always expect the unexpected.

"Good morning, Ma'am!" nakangiting bati ng guard.

Ngumiti rin naman ako sa kaniya, "Good morning din po."

Habang naglalakad papasok ay hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa ganda at laki ng loob nito.

Agad akong dumiretso sa HR at sinabi ang sadya ko. Nakakagulat lang na mukhang inaasahan na niya ang pagdating ko kaya naman agad niya akong inihatid sa pupuntahan ko.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon