Chapter 5

62 6 0
                                    

Hates...

Maaga akong nagising ngayon dahil ito ang unang araw ko sa trabaho. I feel so excited thinking that i finally have a job, not just a part time job. Idagdag pa ang katotohanang sa pangarap kong company ako mag-tatrabaho kasama siya.

I remembered my highschool classmates na excited palaging pumasok kapag may crush silang classmate namin or di kaya'y gwapo or maganda ang teacher. Lahat sila ay palaging perfect attendance. Dati ay hindi ko sila maintindihan kung ano bang connect ng 'crush' nila sa pagpasok nila, but now, i think i can already relate to them.

Hindi ko naman itatanggi na mas naeexcite ako sa idea na magkatrabaho na kami ni Archer. Hindi man talagang directly na magkasama sa iisang trabaho ay alam ko namang nasa paligid lang siya.

Nag apply na lang ako ng polbo sa mukha at liptint sa labi ko para naman maging presentable ang pagmumukha ko. Nang tinignan ko sa salamin ang mukha ko ay tipid na lang akong napangiti.

"Goodmorning po!" Nakangiting bati ko kay Manong guard.

"Magandang umaga din ho, Ma'am! Unang araw niyo po?"

"Opo, e."

"Nako, good luck ho!"

"Salamat po!"

Nang makasakay ako ng elevator ay hindi ko maalis ang kaba at tuwa sa puso ko. This is it! I've been wanting this for a long time and now, i have finally made it!

"Good morning po." bati ko kay Ms. Prado pero masamang tingin lang ang isinukli niya sa akin.

"Just to make it clear, hindi porket malapit ka sa mga boss namin ay magkakaroon ka na ng special treatment. Pare-parehas lang tayong emplayado dito kaya alamin mo kung saan ba talaga ang lugar mo."

Napatungo na lang ako dahil sa sinabi niya. I knew it. She really didn't like me and i don't know why. Is she mad that i got this job not as hard like the others or is it because of something else?

"Yes, Ma'am..." Tanging naisagot ko na lang.

Nang talikuran niya ako ay agad akong naupo sa harap ng table ko. Napabuntong hininga pa ako dahil unang araw ko pa lang ay may masamang image na kaagad ako sa seniors ko. What a great day!

"Rica, turuan mo nga 'yang si Ms. Fortunato!" Rinig kong sigaw ni Ms. Prado.

"Ha? Sino?!"

"'Yung nakapwesto sa may lumang table! Bata pa 'yan kaya turuan mo nang maayos at ayaw ko ng tatanga tanga sa trabaho!"

"Masusunod, Madame!"

Wala na lang akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga. Mukhang kung gusto kong magtagal dito ay kailangan kong masanay sa pakikitungo sa akin ni Ms. Prado. Mabuti na lang at immune na ako sa mga masasakit na salita kaya naman kahit papaano ay alam kong kakayanin ko. Naniniwala rin naman ako na ang mga katrabaho ko ay magiging maayos ang pakikitungo sa akin, sana.

"By the way, I'm Kiana Fortunato, but you can just call me Kiana." Pakilala ko sa babaeng nagtuturo sa akin ngayon. I think this will be a good start to have a good relationship within my co-workers.

"Hindi ko tinatanong." pabalang na sagot niya kaya naman natigilan ako.

"Ahm, just in case lang naman na-"

"Wala akong pakialam." Putol niya sa sasabihin ko.

Napatungo na lang ako dahil hindi ko alam kung bakit parang may galit din siya sa'kin. Galit ba siya dahil siya ang nautusang turuan ako?

"Ano nga palang pwede kong itawag sa'yo? Para kapag may mga tanong sana ak-"

"Ang tanga mo naman masiyado kung hindi mo pa matutunan lahat ng itinuro ko sayo at makukuha mo pang magtanong? Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Ms. Prado, 'di ba? Ayaw niya ng tatanga tanga sa trabaho."

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon