Cowardless 💚 Chapter 1

1.2K 40 4
                                    

"O gising ka na pala, pahingi naman ng pambayad sa koryente. Kadarating lang ng bill e." Bungad ni Mama pagkalabas ko ng kwarto. Ni hindi pa nga ako nahihimasmasan pero bayarin agad ang bumabati sa akin. Wala man lang good morning?

"Ge." Sira na agad ang umaga ko. Araw araw na lang. Wala pa sigurong matinong bungad ng umaga sa akin. Bawat hakbang ko, may humihingi. Tanginang bahay 'to.

"Ate, 'yong tuition fee ko."

"Ate, 'di ba sabi mo bibilhan mo ako ng sapatos?"

"Ate, wala ng gatas si Bella."

"Ge." Walang ganang untag ko at saka dumiretso sa banyo para maligo. Badtrip na nga kagabi, badtrip pa ngayon.

"Kumain ka muna bago pumasok." Nakangiting wika ni Mama pagkalabas ko sa banyo. Tumango na lang ako. Sino namang magkakaroon ng ganang kumain kung ganito ang bungad sa 'yo ng umaga.

Halos ayoko nang magtagal dito dahil sa nakakarindi nilang mga bibig. Hingi nang hingi na para bang may patago sila. Hay, nyetang buhay 'to.

Pagkatapos magbihis ay agad akong naglapag ng pera sa mesa. Bahala na silang maghati no'n. Ang gulo sa bahay na 'to.

Hindi pa ako nakakalabas sa eskinita pero natalsikan na agad ng putik ang suot kong blouse. "Anak ng--" gulat na untag ko at saka binulyawan ang pesteng tricycle driver na mas lalong sisira sa buong araw ko.

Padabog akong nagpara ng jeep habang inuubos lahat ng mura. Mukha na naman akong dugyot. Taena. Kailan ba ako makakaalis sa pesteng eskinita na 'yon. Akala ko pa naman kapag nakagraduate na ako at nagkatrabaho, makakaalis na ako sa bahay. Makakapagpagawa ng sariling bahay, makakabili ng sasakyan, makakapagtravel, at magagawa ang lahat ng gusto. Pero anak ng tinapa, trentay tres na ako pero wala pa ring nangyayari. Hanggang ngayon, drawing pa rin ang plano ko mula high school. At tingin ko, hindi ko na makukulayan pa 'yon.

Tinanggap ko na lang na ganito ang reyalidad ko. Pinag-aral ako ng mga magulang ko para buhayin sila hanggang sa mamatay ako. Ni wala na ngang natitira para sa sarili ko. May pinapaaral na tatlong kapatid, may isang pinapagatas na hindi ko naman anak. Langya. Nasstress lang ako.

"Good morning, 'te." Nakangiting bati ni Apple, ang katabi ko sa pwesto. Mataba siya at masyadong palangiti. Halos sabay kaming nakapasok dito pero nauna lang siya ng dalawang buwan. So far, tinuturing ko na siyang kaibigan. Sa kaniya ako nagrarant tungkol sa pamilya kong mga boang. Sa kaniya ko sinasabi lahat ng sikreto ko. Siya rin ang pinaka unang nakaalam na hindi ako straight.

Na lesbyana ako.

"Badtrip na naman?"

"Oo. Naputikan pa damit ko kabadtrip talaga." Sagot ko habang padabog na inaayos ang mga papeles na nakapatong sa mesa. Ang dami pang tatrabahuhin.

"Nako, sabi ko naman sa 'yo magsettle down ka na. Tanda mo na kaya."

"Wala akong jowa. Bigyan mo?" Pareho kaming natawa.

"Ang dami ko nang nirereto sa 'yo lagi kang pass. Anyway try mo kaya maghanap sa facebook." Suhestyon niya kaya napailing ako. Langya, makikisabay pa ba ako sa nauuso ngayon? Karamihan yata sa mga magkasintahan ngayon ay bunga lang sa Facebook.

"Wala namang masama magtry 'te. Maraming bisexual do'n."

"Busy ako." Wika ko kaya napailing na lang din siya. Matapos ng usapan na 'yon ay pareho na kaming naging busy. Parehong tambak ang gawain e.

Pasado alas onse na yata nang magdecide kaming maglunch. Kaming dalawa lang palagi ang magkasabay. Bukod sa magkatabi kami ng pwesto ay pareho kaming nagkakasundong sa karinderya lang kumain. Madalas kasing nagbabaon ang iba, o 'di kaya'y sa fastfood chain or restaurant.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon