Cowardless 💚 Chapter 2

608 31 1
                                    

Kinabukasan, nagising ako nang mas maaga pa sa normal kong gising. Bigla ko naisipang manghalukay ng matinong maisusuot sa damitan. Pero anak ng tinapa, wala akong ibang nakikita kundi itim na t-shirt. Iba iba lang ang disenyo ag brand pero pare-pareho lang halos ang style.

Napabuntong hininga na lang ako at saka nagsettle sa pinakamatinong t-shirt na nakuha. Ewan ko ba pero gusto kong magpaimpress. Shit lang. Ang ganda niya lang talaga. Sobra. At ako mukhang patatas na bulok. Ang dugyot.

"Ang aga mo ngayon, 'te." Komento ng isa kong kapatid na si Angela, buhat ang anak niya.

"Oo." Nakangiting sagot ko. Hinalikan ko pa sa noo ang pamangkin ko. Maaga kasing nabuntis si Angela kaya ayan, imbes na makapagtapos nastuck sa bahay. Hindi rin naman siya pinanagutan ng nakabuntis kaya heto, ako ang nagpapakatatay.

"Aba, good mood ka ah?" Muling wika niya kaya napatango lang ulit ako. Nagbigay pa ako ng one hundred bago umalis. Mas maganda pala kapag maaga akong aalis, walang mga asungot ang hihingi. Lintek, uma-umaga ba naman puro hingi.

Pagdating ko sa office ay nagtext ako kay Rachel na nagsasabing magkita kami sa park mamayang lunch break. Good mood ako habang nag-eencode ng mga dapat iencode. Baka nga kaya ko nang ubusin lahat ng nasa mesa.

"Ang aga mo ngayon?" Bati ng isa sa mga katrabaho nang mapadaan sa mesa ko. Ngumiti lang ako at saka muling bumalik sa trabaho. Taena. Nangangati akong kunin ang cellphone at ichat si Rachel.

"May nangyari bang maganda?" Bungad ng kadarating lang na si Apple. Napatango ako at saka tumigil saglit.

Hinarap ko siya, "Magkikita kami ni Rachel ngayon. 'Yong may-ari ng wallet."

"Wow naman. Level up. Agad agad?"

"Nakachat ko rin siya kagabi gamit ang dummy account pero hindi ko sinabing napulot ko wallet niya." Mukhang sobrang interesado si Apple kaya namalayan ko na lang ang sarili na ikinukwento ang lahat. Maging ang napag-usapan namin ni Rachel.

"Oh ibig sabihin hindi siya galit sa mga lesbians baka may chance ka."

"Hindi ako umaasa pero baka lang." Untag ko kaya sabay kaming natawa. "Sama ka ba mamaya sa meet up namin?"

"Nako, hindi na. Dumiskarte ka na lang girl. Support ako." Napailing na lang ako at saka muling napaharap sa computer. Ang sakit na nga ng panga ko kangingiti mula pa kagabi.

Sa totoo lang, pangatlo siguro si Rachel sa mga babaeng sobra akong naattract. 'Yong naunang dalawa, lahat fail. High school classmate ko 'yong una pero no'ng umamin ako, nilayuan niya ako saying na akala niya friend niya ako. Akala ko rin naman no'ng una kaibigan lang pero hindi ko naman ineexpect na magkakagusto ako sa kaniya. 'Yong ikalawa naman, college. Nagkataon lang na sabay kaming nastranded sa waiting shed habang naghihintay ng jeep dahil maulan. Nagsimula ang lahat no'ng bigla niya akong kinausap. Tapos ayon, namalayan ko na lang ang sariling palagi siyang hinihintay at ganoon din siya sa akin. Siguro nagkaroon naman kami ng mutual understanding pero hindi nagwork.

Ang nakakatawa lang ay noong umamin siyang gusto niya ako pero hindi pwede dahil isa siyang Born Again christian. What the hell. Relihiyosa siyang tao at syempre mas nanaig ang faith niya kay God kaysa ang feelings niya sa akin.

Napailing na lang ako habang naaalala ang mapait kong lovelife. Kung sabagay, hindi rin naman ako pwedeng mag girlfriend noon sa takot na mabuko ni Mama at Papa. Galit sila sa mga taong kabilang sa LGBTQ+. At bukod pa ro'n, naisip ko noon na saka na lang kapag nakapagtapos na ako. Kasi magagawa ko na ang lahat ng gusto ko, hindi ko naman inaasahan na aabot ako sa edad na 33 pero hindi pa rin free.

Alas onse nang icheck ko ang cellphone. Sakto namang nakita kong may reply si Rachel na nagsasabing "okay." Napabuntong hininga na lang ako. May dalawang personality yata ang taong 'to. Ang weird.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon