Cowardless 💚 Chapter 29

363 22 1
                                    

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" Tanong ko matapos ng mahabang katahimikan. Matapos niyang sabihing mahal niya pa rin ako, walang nagtangkang umimik sa amin. Nanatili lang kaming nakaupo sa loob ng kotse at nagpapakiramdaman.

Hindi niya ako sinagot kaya napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang kamay niya. "Babawiin mo ba 'yung sinabi mo?"

"I don't know." Nakatingin lang siya sa mga kamay naming magkahawak.

"Hindi mo pa rin ba sasabihin kung ano 'yung totoong nangyayari?

Napabuntong hininga siya, "I don't know where to start." Nag-angat siya ng tingin sa akin. Para siyang babasagin, gusto ko na lang siyang yakapin at ikahon para hindi na siya makawala pa, para ligtas siya.

"Bakit ka niya sinasaktan? Kailan pa 'yan?"

"No'ng nalaman niyang ang laki palagi ng bawas sa pera niya. At first akala niya para sa akin pero no'ng nalaman niya ang totoo, nagalit siya. He slapped me. It only happened once hanggang sa isang araw pag-uwi niya galit na galit siya. Thousands ang nawawala sa pera niya at alam naming ako 'yon. That was the start, I guess?" Napakuyom ang kamao ko sa gilid. Hindi ko alam kung kanino magagalit at sino ang dapat na sisihin. Galit ako sa pamilya niya, paano nila nagagawa 'yon? Kulang na lang ay ibinenta nila ang anak para sa karangyaan. At syempre mas galit ako kay George, ano pa man ang dahilan hindi niya dapat sinasaktan nang ganito si Lauren.

"Bakit hindi mo pa hiwalayan? Anong pinagkasunduan niyo?"

"Kapalit ng pera ako ang sasaktan niya. Barya lang 'yon sa kaniya pero pera pa rin."

"At pumayag ka?" Inis na tugon ko dahilan para bumitaw siya sa pagkakahawak ko.

"I had to! Para 'yon kina Mama."

"Iniisip ka man lang ba nila? Alam ba nila 'yang trato sa 'yo ng magaling mong asawa?"

Napaiwas siya ng tingin, "Lauren, alam ba nila?" Hindi ulit siya umimik at sa puntong 'yon, alam ko na ang sagot. Napasapo ako sa sariling mukha at napamura na lang sa sobrang pagkainis. Mas maswerte ako at hindi gan'to ang ginawa sa akin ni Mama noon pero kay Lauren? Tangina. Mawawala yata ako sa katinuan. Galit na galit ako sa mga nalalaman.

"Tangina, anong klaseng pamilya ba 'yan?"

"S-sorry." Untag niya dahilan para lalo akong nagalit. Bakit siya pa ang umiiyak at nasasaktan ngayon? Bakit siya pa ang kailangang magsuffer? Kung pwede lang at kung kaya ko, aakuin ko na ang lahat ng sakit. Hindi niya deserve 'to.

"Lauren," para akong nanlalambot. Napamura na lang ako ulit bago siya hinila at niyakap nang mahigpit. "Tahan na. 'Wag ka nang umiyak. Sorry, nadala lang ako."

"I--I just don't know what to do anymore." Puno ng sakit ang pagkakasabi niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili na mapaiyak.

"Tahan na. Magiging okay din ang lahat. Tahan na." Napatingin ako sa relo at nakitang dis oras na ng gabi. "Umuwi na tayo, okay? Magpahinga ka, pag-usapan natin 'to sa susunod."

Napatango siya at nagsimulang punasan ang mukha, "Thank you."

Nagkatinginan kami kaya ginawa ko 'yong pagkakataon para lapitan siya at halikan sa noo. "I love you."

***

Napabuntong hininga si Apple matapos marinig ang sinabi ko. Hindi siya natutuwang malaman na nagkita kami ni Lauren nang ilang beses.

"Ate girl, may asawa na 'yung tao. Gising." Untag niya saka napailing.

"Alam ko pero hindi naman siya roon masaya."

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Hindi porket hindi siya masaya sa marriage life niya ay papasok ka na para maging kabit." Napainom siya ng tubig saka ako tiningnan nang masama. "Kung talagang mahal niyo ang isa't isa, ayusin niyo muna 'yan bago kayo magsama. Okay?"

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon