Napabuntong hininga ako matapos ikwento kay Rachel ang lahat. Ewan ko ba, akala ko talaga mahihiya ako sa kaniya nang sobra. Hindi ko inaasahang magiging comfortable ako agad sa kaniya, at ganoon din siya.
"So, anong plano mo?" Napalingon ako sa kaniya saka nagkibit balikat. Masyado akong broke ngayon. "Do you plan to still live with them? Babalik ka pa ba sa bahay niyo?"
"Hindi. Ayoko na ro'n, hindi ko lang alam kung saan ako pupulutin."
"Gusto mo bang magstay muna sa place ko?" Nasamid pa ako sa kapeng iniinom dahil sa narinig. Langya, tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto niyang magstay ako sa place niya?
"Seryoso?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ko.
"Why not? Temporary lang naman until makahanap ka ng apartment mo."
"Taena, hindi mo ba naiisip na baka magnanakaw ako?"
Natawa siya kaya hindi ko tuloy alam kung anong irereact. Langya, hindi ko alam kung sobrang bait niya lang ba talaga para magtiwala sa akin o ano. "Do you trust me that much?"
"Yes. There's nothing wrong with it naman." Aniya at saka naglapag ng 500 peso bill sa mesa. Gusto ko nga sanang sabihin na may sukli pa 'yon pero agad siyang napatayo. "Tara."
Napasunod na lang ako nang wala sa oras. Nahihiya akong maglakad sa tabi niya dahil literal akong nanliliit. Kahit yata wala siyang suot na heels, matangkad talaga siyang tingnan. Aabot lang yata ako sa leeg niya. Langya, bakit ba hindi man lang ako biniyayaan ng magandang height?
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Ha?" Napalingon ako sa kaniya.
"Come here. Dito ka dapat sa tabi ko." Untag niya kaya wala na akong ibang magawa kundi ang sumunod. Kahit na hiyang hiya ako dahil nagsstand out ang ganda niya, hindi na ako lumayo pa. Feeling ko tuloy yaya ako dahil ang dugyot ko.
Pumara siya ng taxi. Maya't maya ang pagsulyap ko sa kaniya habang nasa biyahe, poise na poise kasi siyang masyado kaya lalo lang akong humahanga sa kaniya. Isang oras mahigit na kaming magkasama at sa loob ng mga panahong 'yon, inoobserbahan ko ang expressions niya. Bihira siya kung ngumiti, madalas ay straight face lang. Pansin ko rin ang mannerism niyang panaka nakang pagbasa niya sa ibabang labi. Siguro rin ay natural na mapula ang labi niya o kung meron mang lipstick, tiyak kong manipis lang kaya hindi naaapektuhan ang kulay no'n dahil sa mannerism niya.
"We're here." Siya na mismo ang nagbayad ng fare kaya lalo akong nahiya. Langya, sobrang malas ko. Hindi ko man lang magawang magpakitang gilas sa kaniya.
"Wow." Nalaglag yata ang panga ko habang pinagmamasdan ang malaki at mataas na gate na nasa tapat namin. Kulay Gold 'yon na halos kuminang. Tanaw ko rin sa loob ang fountain sa gitna at ang malaking doubled door.
"D-dito ba. . ."
Nginitian niya ako, "Bahay ng parents ko." Iginiya niya ako papasok. May mga maid na nagbukas ng pinto para sa amin. Bumungad ang lobby na walang lamang mga muwebles at sa gitna ay nandoon ang engrandeng staircase. Kahit yata mag-ipon ako buong buhay hindi ako makakapagpatayo ng ganito kalaking bahay o kung bahay pa ba talaga 'to o palasyo?
What the hell lang. Sobrang yaman nila.
Natigilan ako nang maalala 'yong sinabi niyang pwede akong tumira muna sa bahay niya. Taena dito na ba 'yon? Mukha tuloy akong bagong recruit na yaya.
"Don't worry, saglit lang tayo rito." Aniya saka ako inaya. Napatango na lang ako bilang sagot. Ibig sabihin hindi rito 'yong sinasabi niya.
Umakyat siya sa hagdan at nanatili naman akong nakasunod sa kaniya. Tumigil kami sa pinakadulo at saka niya binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang pamilyar na istraktura ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Cowardless Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind the Screen Series #3] Matagal nang gusto ni Natalie ang lumaya at sumaya pero mukhang wala 'yon sa bokabularyo ng pamilya niyang nakaasa sa kaniya. Bilang isang panganay, kailangan niyang tumira nang nakaayon sa expectation...