"Aba, nabuhay ang impaktita. Good morning!" Malakas na wika ni Apple kaya natawa ako. Nasabon na nga ako kanina mukhang makakatikim din ako ng sermon sa kaniya. Ang sasama nga ng tingin sa 'kin ng mga juniors e, paano sila kasi ang sumalo ng mga paperworks ko. Tatlong araw ba naman akong walang paramdam, nagpalusot na lang akong nilagnat at halos hindi makabangon at 'yon na lang din ang sinabi ko kay Apple.
"Nilagnat ba talaga o nakipagdate?" Tinaasan niya pa ako ng kilay kaya natawa ulit ako.
"Hindi ah. Nilagnat nga."
"Sinungaling. Sino bang nagkakasunburn sa lagnat?" Napahalakhak ako nang makatanggap ng malakas na hampas sa braso mula sa kaniya.
"Ano? Ano nang nangyari? Si Rachel ba 'yong kadate mo?"
"Siya lang naman ang babae sa buhay ko e 'di ba?"
"Ay wow, sa loob ng almost ten years, nasa'n ako?"
"Putragis naman Apple kakababad mo 'yan sa facebook e." Untag dahil sa madramang linya niya, sa huli ay natawa na lang din siya.
"So ano nga?"
"Nagpunta kaming beach. Nagswimming."
"So saan ka sumisid? Sa dagat o sa tahong ni Rachel?" Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig niya. Anak ng tokwa. Kahit kailan talaga ang sagwa ng bunganga niya. Nakakahiya naman kung may makakarinig na iba. Tawa siya nang tawa at siguradong alam niya na kung anong sagot.
"Kaya pala blooming ka e. Nakatikim ng sea food." Napailing na lang ako at bago pa kung saan makarating ang usapan ay pinatigil ko na siya. Sobrang maissue talaga si Apple, lalo na pag lovelife ko ang pinag-uusapan ewan ko ba riyan.
Nagpakababad na lang ako sa trabaho. Sa totoo lang, nakakapagod 'yong trip na 'yon. Masakit din ang mga balat ko dahil sa pagbababad sa ilalim ng araw. Pakiramdam ko nga para akong sunog na hotdog at namamalat. Langya. Nagsisi tuloy akong hindi nagpalagay ng sunblock kahit.
Drain na drain ako pagkatapak sa building kung nasaan ang condo ni Rachel. Taena, sulit sana 'yong bakasyon pero tambak naman ang trabaho. Nakakastress talaga kapag government employee.
Pagswipe ko ng card ay may naamoy akong nasusunog.
"Anak ng--" nabitawan ko ang mga dala at dumiretso sa kusina. Baka kako may naiwan akong appliances na nakasaksak o nakabukas kaninang umaga pero nagulat ako nang makita si Rachel na nasa tapat ng stove at may hawak na sandok. Aligaga siyang baliktarin ang sunog na niluluto niya.
Napalingon siya sa akin kaya hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa itsura niya.
"I hate this egg." Aniya kaya napabulanghit ako ng tawa. Itlog pala 'yong piniprito niya.
"Akin na nga." Untag ko saka maagap na pinatay ang apoy. Naging uling na 'yong itlog na nasa kawali. Mabuti na lang at itlog lang 'yong nasunog.
"Anong nangyari?" Sinimangutan niya lang ako bago siya iritableng naupo sa high chair na nasa tapat ng mesa. Mas lalo akong nagulat sa kalat na nandoon. Itlog lang ang niluluto niya pero nakakita ako ng kung ano anong gulay.
"Bakit nilabas mo pati mga gulay?"
"Hindi ko kasi mahanap 'yong onion." Napakamot na lang ako sa ulo atsaka siya nilapitan at niyakap.
"Ang cute mo, pero 'wag ka nang pupunta sa kusina kahit kailan ha?" Agad niya akong tinulak at saka sinamaan ng tingin. "Hindi ka kasi marunong." Tumatawang saad ko.
"What about you then?"
Natigil ako sa pagtawa at saka napakamot sa ulo, "Hindi rin ako marunong." Si Mama kasi ang nagluluto kaya walang alam kaming magkakapatid pagdating sa kusina pero maalam naman ako sa ibang gawaing bahay, 'wag lang ang pagluluto.
BINABASA MO ANG
Cowardless Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind the Screen Series #3] Matagal nang gusto ni Natalie ang lumaya at sumaya pero mukhang wala 'yon sa bokabularyo ng pamilya niyang nakaasa sa kaniya. Bilang isang panganay, kailangan niyang tumira nang nakaayon sa expectation...