Tatlong oras ang nakalipas mula nang mahiga ako sa kama pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kahit anong effort ko sa pagbibilang, hindi ako makatulog. Gising na gising ang diwa ko at alam ko na kung anong dahilan.
Hindi ako makamove on sa nangyari kanina. Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang nangyari. Tatlong taon ang lumipas pero wala pa ring kupas ang ganda niya. Halos walang nagbago sa itsura niya maliban na lang sa suot na damit na may mahabang manggas na hindi pa nangyari noon.
Kanina, gusto ko siyang hilain at yakapin. Gusto kong hawakan ang kamay niya at 'wag nang pakawalan pa. Gusto kong magmakaawa sa kaniya na balikan ako. Gusto kong itanong kung namiss niya man lang ba ako.
Pero lahat 'yon naglaho dahil sa bigla niyang pagtalikod.
Nasaktan ako.
Kahit papaano ay may pinagsamahan kami pero bakit parang hindi niya na ako kilala. Gaano ba katagal ang tatlong taon para ganoon kabilis niya akong nakalimutan? Mukha ko ba ang nagbago o talagang wala na ako sa memorya niya.
But still, ang sakit isiping gano'n kadali sa kaniya ang lahat. Inabot ako ng ilang buwan bago tuluyang nakarecover. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili at sa lahat ng taong nakapaligid sa akin na wala na. Na hindi ko na mahal. Pero sa isang iglap, nagbago ang mundo ko.
Umiikot na ulit sa kaniya. Para bang biglang natibag ang lahat ng walls na inilagay at inipon ko no'ng wala siya. Nakita ko lang siya pero lahat ng feelings na binabaon ko, kusang lumitaw. Parang baha, hindi na naman ako makaahon.
Napakagat labi ako para pigilan ang paghikbi.
Taena. Ang sakit mahalin ni Rachel.
***
“Natalie.” napaigtad ako nang maramdaman ang malakas na tapik sa pisngi. Agad napadako ang tingin ko sa computer bago nag-angat ng tingin kay Apple. “Naku, buong maghapon ka bang lutang? Anong oras na, ‘te. Wala kang balak umuwi?” Saka ko lang napasadahan ang itsura niyang ready na umuwi.
“Sorry. May sinasabi ka?”
Napairap siya, “Ang sabi ko, umuwi na tayo. Hihintayin kita.”
“Pero ‘yung trabaho ko--”
“Gaga. Hindi ka makakapagtrabaho nang maayos sa ganiyang state kaya halika ka na.” Nilapitan nito ang mesa ko bago walang pakundangan na in-off ang computer. Hindi na ako nakaangal pa nang bitbitin niya ang bag ko.
“Tara na.” Napabuntong hininga na lang ako at nagpatianod sa kaniya. Tahimik kaming naglakad at hindi na ako nagtanong nang lagpasan namin ang sakayan niya. Tumigil kami sa tapat ng mga street food stall.
“Kuha ka dali. Libre ko.” Kinindatan niya pa ako kaya nakumbinse na rin akong kumuha ng mga natripan ko. Sa halagang 120 per head ay unli na 'yon kaya sulit na rin. Pagkabayad ay naupo kami sa pinakadulong table. Agad kong nilantakan ang tukneneng na nasa plato.
“Ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?” Natigilan ako sa pagsubo at napabuntong hininga.
“Nakita ko si Rachel kagabi.”
Tinaasan niya ako ng kilay, "Kaya naman pala lutang ka. O ano? Anong nangyari? Nag-usap kayo? Nagkamustahan? Pinakita niya ba sa 'yo kung gaano siya kasaya nang iwan ka?”
"Apple." Untag ko saka napailing.
"Totoo lang, girl. Hindi ka niyan deserve." Napabuntong hininga siya, "So anong nangyari?"
"Nagkita lang kami."
"Ano nga?"
Napaiwas ako ng tingin, "May gumulong na prutas sa paanan ko, pinulot ko. Hindi ko ineexpect na si Rachel ang may-ari. Inabot ko 'yon sa kaniya at nagpasalamat siya bago ako tinalikuran."
BINABASA MO ANG
Cowardless Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind the Screen Series #3] Matagal nang gusto ni Natalie ang lumaya at sumaya pero mukhang wala 'yon sa bokabularyo ng pamilya niyang nakaasa sa kaniya. Bilang isang panganay, kailangan niyang tumira nang nakaayon sa expectation...