Cowardless 💚 Chapter 24

325 22 1
                                    

"Alam mo, I can't blame her. Malungkot siya buong buhay niya and now, sa 'yo lang siya sumaya pero hindi niya kayang bitawan 'yung yaman. Siguro dahil sa family niyang totoo? Maybe she wants to be practical." Tugon ni Apple habang nagpapahinga kami matapos maglunch. Tahimik lang akong nakikinig sa mga pangaral niya.

"Akala ko ba magtitiwala ka sa kaniya? Mali 'yung ginawa niya pero baka naman may reason. I'm sure nahihirapan din 'yon." Dagdag niya pa kaya napabuntong hininga ako.

Ewan ko. Gulong-gulo na ako. Gusto kong pakinggan 'yung rason na 'yon. Gusto kong intindihin siya dahil hindi madaling bitawan ang lahat ng pinaghirapan niya pero kapag naiisip ko kung anong pwedeng mangyari, nagdadalawang isip ako. Paano ako? Kakayanin ko bang maging sikreto lang ang relasyon namin hanggang sa maging ready siya? Not to mention na hindi ako sigurado kung ano ba talagang balak niya.

"Tingin ko hindi pa kayo nagkakaroon ng matinong usap. 'Yung usap na makikinig sa isa't isa. No secrets and lies. Pure honesty gano'n."

"Kausapin ko ba?"

Napatango siya, "Oo para magkalinawan kayo. Ayokong makita kang stressed at pati ako naistress na rin."

"Sorry and thank you, Apple." Nginitian niya lang ako bago tinapik sa balikat.

"Wala 'yon. At saka masaya akong finally, nagkaayos kayo ng Nanay mo." Isa pa 'yon sa mga naikwento ko sa kaniya. Automatic yata akong napangiti dahil doon. Masaya lang akong tanggap na ako ni Mama. And I'm telling you, sa communication lang kami nagkulang. At ngayong, napag-usapan namin ang lahat, okay na ako.

***

Gaya ng napag-usapan namin ay tinext ko agad si Lauren. Tinanong ko kung pwede kaming magkita sa apartment na kinuha niya sa 'kin at pumayag naman siya.

Nagulat pa nga ako nang madatnan siya sa harap ng mesa at nagpeprepare ng pagkain. Lutong ulam ang mga 'yon at siguradong galing 'yon sa totoo niyang nanay.

Nginitian niya ako, "Kain muna tayo?" Tanong niya kaya hindi na ako tumanggi.

Tahimik kaming kumain. Hinayaan naming lamunin ang buong sulok ng kusina ng mga kalagsing ng kubyertos. Pansin ko ang maya't maya niyang pagsulyap sa akin kaya kinakabahan ako.

"Lauren," untag ko dahilan para bitawan niya ang mga kubyertos na hawak. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Mahihimigan din ng pagkaseryoso ang mukha niya.

"I have something to tell you too." Aniya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Ikaw muna."

Napabuntong hininga ako, "The other day, I'm sorry. Nasaktan lang ako pero ngayon handa akong pakinggan at intindihin ka."

"Nat. . ." Napaiwas siya ng tingin kaya ginawa ko 'yong pagkakataon para hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Hindi ako makikikumpitensya sa totoong family mo. Alam kong sila ang dahilan kung bakit hindi mo kayang bitawan ang pagiging Acosta. Gusto kong intindihin lahat pero pakiusap, sabihin mo sa akin ang lahat. Willing akong maging sikreto ang relasyon natin--"

"Ikakasal na kami ni George," aniya na pinutol ang sinasabi ko. Tinabing nito ang kamay ko saka ako tiningnan. "Next week."

Pakiramdam ko, nakarinig ako ng crack sa puso ko. Tama ba 'yung narinig ko? Akala ko ba ginawa niya lang 'yon para sa amin? Akala ko ba hindi 'yon didiretso sa kasalan?

"We talked about it kanina. That's why I agreed to meet you." Dugtong niya.

"Teka, nagpapatawa ka ba? Last time lang eager kang kunin ulit ang tiwala ko. You said mahal mo 'ko na intindihin kita. Na may rason ka. Ano 'tong sinasabi mo?"

"Look, selfish akong tao and I realized na wala akong mapapala sa iyo. George can give me everything. He can provide anything."

"Tangina. Ano na naman ba 'to?" Hindi ko na napigilan ang sarili. Ilang beses kong naibagsak ang mga palad sa mesa. "I came here to fix things up. Gusto kitang intindihin kaya ano 'to?"

"Nat, hindi mo maiintindihan. I can't give up everything just for you."

"Hiniling ko bang igive up mo ang lahat para sa 'kin? Hindi! Putangina, Lauren! Ang sabi ko iintindihin ko kahit huli ako sa priority mo!"

"Hindi mo ba nakukuha, Natalie? Ikakasal na kami ni George. Gusto ko 'to. I want this."

Nanghihina ko siyang tinalikuran. Paulit-ulit ang ginagawa kong pagpunas sa pisngi pero iyak pa rin ako nang iyak. "P-paano ako? H-hindi mo ba ako mahal? Akala ko ba kailangan kong paniwalaan 'yon. Bakit mo ba ako inentertain in the first place kung ganito. . ."

"Sorry. I-I was just bored kaya kita kinausap. Walang thrill ang buhay ko. I'm sorry, I lied to you--"

"Saan ba?" Pagak akong natawa saka siya hinarap.

"Sa lahat. Lauren is not even my real name. Bukod sa fact na ampon ako, wala nang ibang totoo ro'n. I'm sorry."

"Ginagago mo ba 'ko?"

"Sorry." Sagot niya dahilan para lalo akong mawala sa katinuan. Halos maubos ko na ang lahat ng murang alam kasi tangina, bakit biglang ganito?

"B-bakit mo ginawa sa 'kin 'to?" Sumbat ko. Halos hindi ko na marinig ang sariling boses.

"I was just bored. Sorry. Narealize ko kung ano ang mas importante sa akin." Napatakip ako sa magkabilang tainga saka napasalampak sa sahig. Ayoko nang marinig kung anong sasabihin niya. Gusto kong umasang prank lang ang lahat. Halos sinabi niya na ring hindi ako kasama sa mga importanteng bagay sa buhay niya, at tangina basag na basag ako.

"M-minahal mo man lang ba ako?" Tanong ko saka siya tiningnan.

"I didn't." Untag niya bago nag-iwas ng tingin.

Napatayo ako at nilapitan siya. Inalog alog ko siya nagbabakasakaling magbabago ang isip niya at bawiin ang lahat ng sinabi pero hindi. Tinatabing niya lang ang mga kamay kong nanginginig.

"Lau-lauren. . ." Iyak ko habang hawak ang kamay niya. "Bawiin mo ang lahat, please? I-I promise, iintindihin ko ang lahat." Lumuhod ako sa harap niya habang hindi binibitawan ang kamay niya. Hinalikan ko 'yon nang paulit-ulit.

"Nat. . ." Mahinang wika niya. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"I love you. 'Wag mo 'kong iwan, Lauren. Please, nagmamakaawa ako. I'm sorry kung nagkulang ako sa pag-intindi. Icancel mo na 'yung kasal. K-kung kinakailangang magtrabaho ako nang puspusan gagawin ko. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat."

"Natalie, tumayo ka na."

"B-bawiin mo ang lahat ng sinabi mo." Halos halikan ko na ang sahig.

"Sorry. I don't love you. Walang sense kung ipipilit natin 'yung gusto mo." Aniya saka tinabing ang kamay ko. Tuluyan akong bumagsak sa sahig. "The wedding will be held next week. After no'n, we'll leave and will stay in Canada for good. Live well and I'm sorry."

Iyon ang huling sinabi niya bago ako iniwan.

***

A/n:

Sorry for this another short update. I'll get back to you soon. Thank you for reading!

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon