Cowardless 💚 Chapter 25

358 21 2
                                    

Napabuntong hininga ako matapos icompile ang lahat ng mga papeles na nakapatong sa mesa ko. Mahaba-habang araw din 'to. Nag-inat ako ng mga braso bago hinarap si Apple.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko dahil busyng-busy pa rin siya sa harap ng computer.

"Mamaya na, girl. Kailangan ko mag-OT." Napailing na lang ako bago nagpaalam sa kaniya. Lately kasi napapadalas ang pag-oovertime niya. Aniya'y binabawi niya lang ang ilang buwang leave niya. Understanding naman si Boss at walang kaso 'yon dahil maternal leave naman pero mapilit siya. Sayang daw kasi no'ng mga hindi niya nasahod.

Pagkalabas ay agad kong kinuha sa bulsa ang cellphone at saka dinial ang number ng pinsan ko. Galing silang probinsiya at naisipang lumuwas para daw mamasyal man lang. Kung tutuusin nga mas maganda sa Bicol dahil presko ang hangin, hindi tulad rito na puro na lang alikabok at usok galing sa tambutso. Nakakabwisit.

"O? Asan ka?" Actually, hindi dapat ako maagang uuwi pero kanina pa siya nagtetext. Kasama niya raw 'yung asawa niya at kanina pa sila naghihintay.

"Nandito sa terminal. Hindi naman namin alam kung saan ka pupuntahan." Sagot niya sa kabilang linya.

"Sorry. Medyo busy lang sa work." Humingi pa ako ng mga paumanhin bago tuluyang ibinaba ang tawag. Sumakay na lang din ako ng tricycle para mabilis. Hassle kasi kapag jeep at malayo pa ang lalakarin bago ako makaabot sa terminal.

Pagdating doon ay sinalubong ako ni Jovi at ng asawa niya. 40 na yata 'yang pinsan ko pero ang bata pa ring tingnan, hindi tulad ko na 36 pa lang pero mukha ng senior citizen.

"Kumusta?" Bungad ko saka binalingan ang asawa niya. Napatayo rin ito kaagad at nginitian ako. "Natalie, pinsan ako ni Jovi sa father side."

"Selene. Pasensya ka na kung ikaw ang kinukulit ni Jovi." Aniya saka bahagyang sinulyapan ang pinsan kong kanina pa yata nababagot sa kahihintay. Sa pagkakaalam ko kasi ay dating taga Manila si Selene kaya sure namang marami siyang alam dito pero mapilit ang pinsan ko, gusto niya raw makita sina Mama at mangamusta man lang kaya pumayag na rin ako.

"Magulo ro'n sa bahay pero saglit lang naman kayo 'di ba?"

"Mangangamusta lang tapos didiretso kaming Baguio." Sagot ni Jovi bago isinukbit sa balikat ang dalang bag. May bitbit pa siyang travelling bag sa kanan at hawak naman ang kamay ni Selene sa kaliwa.

Napailing na lang ako. Walangya. Inlove na inlove ang pinsan ko.

"Pag inggit, pikit." Nang-aasar na wika niya kaya tinaasan ko na lang ng kilay. Bwisit.

"Anyway, wala ka bang balak mag-asawa?"

"Wala."

"Ah talaga? Nasa'n na 'yung Lauren na minsan mong naikwento sa 'kin?" Usisa niya kaya hindi na ako umimik. Grabe, totoo talaga 'yung sabi-sabing ikaw makakalimot pero ang pamilya mo hindi. Itatanong at itatanong talaga nila ang tungkol sa ex mo.

Pagdating sa bahay ay hinayaan ko silang mag-usap-usap sa sala at nagpaalam ako agad kay Mama na magpapahinga.

Pabagsak akong nahiga sa kama at parang gripo, biglang dumagsa ang mga alaala ni Lauren sa utak ko. Magtatatlong taon na rin pala.

Pagkatapos no'ng huli naming pag-uusap, hindi na siya nagpakita sa akin. Totoo 'yung kasal at naging isang malaking balita 'yon sa lugar namin. Nagmerge kasi ang dalawang mayamang pamilya. Pagkatapos ng kasal ay nabalitaan ko na lang na nasa Canada na nga sila nakatira, gaya ng sinabi ni Lauren.

Masakit 'yon.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi ko lang maintindihan kung bakit? I mean, ni hindi nga kami nagtagal ng isang taon pero bakit gano'n kalaki ang impact niya sa akin?

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon