Cowardless 💚 Chapter 28

354 23 1
                                    

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako nagpapabalik-balik sa maliit na espasyo ng kwarto ko habang nakaabang sa pag-ilaw ng cellphone. Hindi ako makakatulog nang maayos hangga't hindi ko nakakausap si Lauren kaya inaabangan ko ang pag-online niya. Chinat ko siya at naghihintay ako ng reply.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng braso niyang puno ng pasa. Hindi ko alam kung saan galing 'yon, sa whip ba? Kamay?

"Fuck." Hindi ko mapapatawad kung si George nga ang may gawa no'n. Mag-asawa sila pero wala siyang karapatang saktan si Lauren.

Napaupo ako sa kama nang umilaw ang cellphone. Mabilis ko 'yong kinuha at hindi nagkamali nang makita ang reply ni Lauren.

RACHEL V. ACOSTA
9:38 PM

Tan: Sinong may gawa niyan?

Tan: Si George ba?

Tan: Tangina

Tan: Lauren

11:24 PM

Rachel: Mind your own business.

Tan: Tangina
Message could not be sent.
Tap for details.

Tan: Lauren?
Message could not be sent.
Tap for details.

This person is unavailable in Messenger.

Napasingap ako at napamuran nang malakas nang malamang binlock niya ako. Fuck. Ngayon, talagang hindi mapapalagay ang loob ko. Kailangan ko siyang makausap bukas na bukas din.

Natatakot ako sa ideyang pumapasok sa isip ko. Hindi ko yata matatanggap na sinasaktan siya ng asawa niya.

***

"Uuwi na ako." Nagmamadaling wika ko saka tinapik sa balikat si Apple. Siguradong takang-taka siya dahil for the first time in history, maaga akong umuwi at nauna sa kaniya. Wala naman siyang ibang sinabi except sa mag-ingat daw ako na tinanguan ko na lang.

Mabibilis ang paghakbang ko na parang maiiwan ng tren o kung ano pa man. Kung tama ang hinala ko, si Lauren ang may ari ng shop kung saan ko siya nakita kagabi. Pagkatapos ng mga nalaman mo kagabi, hindi ako pwedeng maupo lang at walang gawin dahil may pakialam ako.

Pagkarating doon ay para akong nabunutan ng tinik. Dahil gawa sa babasagin ang buong pader, kitang kita ko siyang nakaupo malapit sa cashier. Nakangiti siyang nakikipag-usap sa isa sa mga costumer.

Nakahinga ako nang maluwag dahil naabutan ko siya at tama nga ang hula kong siya ang may-ari ng shop na 'to. Napatingin ako sa relo at nakitang alas sais pa lang sa gabi. Hindi ako sigurado kung anong oras siya umuuwi pero willing naman akong maghintay kahit gaano pa katagal 'yan.

Naupo ako sa pavement sa tapat ng tindahan na 'yon habang hindi inaalis ang paningin sa kaniya. Takot akong mawala siya sa paningin ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may mali e.

Pagkatapos naming mag-usap may kakaunting porsyento sa puso ko ang umaasa. Inamin niya sa akin ang lahat at kahit na hindi pa gaanong malinaw ang lahat, sigurado akong hindi niya ginusto ang nangyari three years ago. Baka napilitan lang siya--

Napatampal na lang ako sa noo na waring mapipigilan no'n ang mga ideyang pumapasok sa isip ko.

"Nababaliw na siguro ako," bulong ko na lang at saka napabuntong hininga.

Nang makita kong tumayo siya at kinuha ang sling bag sa gilid, napatayo rin ako. Nagtago ako sa gilid at inabangan ang paglabas niya.

Nagmumukha na siguro akong stalker pero wala na akong pakialam. Gusto ko siyang makausap.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon