Nakaalis na si Rachel kaya naiwan akong mag-isa sa condo niya. Iniwan niya pa nga ang card na nagsisilbing susi ng unit na 'to. Hindi ko na rin daw kailangang bumili ng mga pagkain dahil pagbukas namin sa ref, sobrang daming nando'n. Aniya'y pinalagyan niya ito habang nasa coffee shop kami.
"Hay, ano kayang ginawa ko sa past life para makilala ka?" Tanong ko habang nakatihaya at kinakausap ang kisame, iniimagine na nandoon si Rachel. Ewan ko ba, ang ganda na nga sobrang bait pa. Napapatanong na lang ako sa sarili kung deserve ko bang nakilala siya.
Malapit lang naman 'to sa office maiiba lang ang sakayan ko dahil salungat 'to sa daan papuntang bahay pero okay lang. Atleast malaya ako rito. Hindi ko rin sure kung makakapunta pa ulit dito si Rachel. Sa palagay ko kasi, takot siya sa foster parents niya, sa mga Acosta.
Napalingon ako sa side table nang maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Automatic yata akong napangiti nang makitang nagchat siya. Naiwan ko nga palang bukas ang wifi. Meron kasing wifi dito kaya hindi na ako mahihirapang magload pangdata.
RACHEL V. ACOSTA
11:13 PMRachel: How are you?
Nat: Okay lang. Medyo naninibago pero sakto lang
Nat: Salamat ulit
Rachel: Good.
Rachel: You're welcome.
Rachel: I'll go there from time to time.
Nat: Ha? Hindi naman kailangan 'no
Nat: lalo na kung sobrang busy ka. Hindi naman ako alagain HAHAHHA ano ka ba
Rachel: I insist. Gusto na ulit kitang makita.
Nat: Shet naman HAHAHAAH
Nat: Taena ba't nagpapakilig ka diyan
Rachel: Haha. Honest lang ako.
Nat: Kaya nga. Kinikilig tuloy ako shet
Nat: Parang bakla amp
Nat: Pero kapag nakuha ko na sahod, hahanap na ako ng apartment ah
Nat: Ayoko namang abusuhin kabaitan mo
Rachel: Nah. Okay lang naman. Kahit doon ka muna hanggang sa makaipon ka.
Nat: Pero nahihiya ako
Rachel: Why?
Nat: Syempre gusto ko rin namang mag paimpress pero wrong timing pagkikita natin e
Rachel: Haha. Ba't ka magpapaimpress?
Nat: Crush kita syempre
Nat: HAHAHHAAH
Inabot kami hanggang ala una nang magkachat tungkol sa mga random stuffs. At sa mga oras na 'yon, lagi lang akong nakangiti. Ewan ko ba, iba talaga ang epekto sa 'kin ni Rachel. Sobrang nakakaattract na nga 'yong ganda niya, nakakaturn on din 'yong ugali.
Nakatulog nga rin yata ako na may ngiti sa labi.
***
"Kumusta?" Napaangat ako ng tingin at nakita ang kararating lang na si Apple. Tinaasan ako nito ng kilay.
"Okay lang."
"What?" Exaggerated niyang tanong kaya napailing ako. "Anong okay lang? Hindi ba sabi mo last time maghahanap ka apartment? Nakahanap ka na?"
BINABASA MO ANG
Cowardless Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind the Screen Series #3] Matagal nang gusto ni Natalie ang lumaya at sumaya pero mukhang wala 'yon sa bokabularyo ng pamilya niyang nakaasa sa kaniya. Bilang isang panganay, kailangan niyang tumira nang nakaayon sa expectation...