Cowardless 💚 Chapter 19

315 20 1
                                    

Napabuntong hininga na lang ako saka inihagis ang cellphone sa kama. Day-off ko ngayon kaya buryong buryo na ako rito sa apartment. Hindi ko rin naman matawagan si Lauren dahil mukhang abala pa rin sa trabaho. Ayoko namang makaabala kaya pinipigilan ko na lang ang sarili sa pag-iisip ng masama.

Kahihiga ko lang nang marinig ang pagring ng cellphone ko. Aligaga akong kinuha 'yon sa pag-aakalang si Lauren na ang tumatawag pero hindi siya. Pangalan ni Angela ang nasa caller ID kaya sinagot ko na lang din.

"Hello?"

"Ate," pabulong ang boses nito waring takot na may makarinig sa kaniya. Napakunot noo ako at napaayos ng tayo.

"Bakit? Nasa'n ka?"

"N-nandito sa hospital." Anas niya sa kabilang linya dahilan para makaramdam ako ng kaba. Kagabi ko pa nararamdaman 'yon pero hindi ko lang matukoy kung ano. 'Wag naman sanang may nangyaring masama sa kanila.

"Si Mama sinugod dito, nabuhusan ng kumukulong mantika." Paiyak na wika niya.

"Ano?! Saang hospital kayo? Itext mo sa 'kin at pupuntahan ko kayo." Agad kong ibinaba ang tawag at dali-daling kinuha ang wallet. Ni hindi na nga ako nakapagbihis. Tinext ko rin agad si Lauren tungkol sa sitwasyon.

Pagdating sa nasabing ospital, nakita ko rin naman agad si Angela dahil mukhang inaabangan niya ako sa labas.

"Ate."

"Anong nangyari? Nasa'n si Ma?" Hinawakan niya 'ko sa kamay at agad na iginiya papasok. Dahil sa public hospital sinugod si Mama, marami-raming pasyente ang naroon sa loob ng ward.

"Ma!" Untag ko nang makita itong nakahiga. Napagmasdan ko ang kanang kamay niyang nakabenda.

"Kailan pa 'to nangyari? Bakit hindi kayo nagsasabi sa 'kin?" Tanong ko pero nag-iwas lang siya ng tingin. Sa huli, si Angela na lang ang sumagot. Nalaman kong kagabi nangyari ang insidente sa karinderyang pinagtatrabahuhan ni Ma. Aniya'y katatapos lang ng pagprito pero nang iaahon na sa kalan ang kawali ay nadulas siya dahilan para matapon sa kaniya ang kumukulong mantika.

"Kumusta si Mama?" Sunod na tanong ko sa kapatid ko dahil hindi man lang ako magawang tingnan ni Mama. Naiintindihan ko namang galit siya at ayaw niya akong makita kaya ayos lang. Gusto ko lang talagang masigurong okay siya.

"Okay naman na raw, Ate. Binigyan siya ng painkiller. At mga reseta kasi medyo malala 'yong sugat." Napaiwas siya ng tingin, "W-wala kaming pambayad." Nag-aalangang wika niya kaya napatango ako.

Nakausap ko rin naman 'yong doctor na nag-examine kay Mama at nastress lang ako sa narinig. Siguradong sobrang sakit no'n at mag-iiwan din 'yon ng peklat. Ang laki pa man din no'n. Natapunan mula braso niya hanggang kamay, mayroon ding kaunting paso sa tagiliran.

Pagkatapos no'n ay bumili rin ako agad ng mga kailangan. Natagalan pa nga ako kaya pagbalik ko, nabuhayan si Angela. Mukhang hindi nila aasahang babalik pa ako.

"Kumain na ba kayo? Bumili ako ng pagkain." Inilapag ko 'yon sa mesa. Ang sabi naman ng doctor ay pwede na silang umuwi kakailanganin lang talagang mabili 'yong gamot para hindi lumala 'yong paso.

"Salamat, Ate. Uuwi na rin naman po kami mamayang hapon."

"Nasa'n 'yong anak mo?"

"Iniwan ko po muna kay Tim." Napatango na lang ulit ako atsaka ko lang napagmasdan si Mama. Ang laki ng ipinayat niya. Nangitim na rin ang balat niya siguro dahil sa paghahanap buhay. Hindi ko alam kung nabayaran na ang mga utang niya pero sana naman ay tapos na 'yon.

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Hindi siya umiimik at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Nginitian ko pa rin naman siya bago nag-abot ng pera kay Angela.

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon