Cowardless 💚 Chapter 21

328 19 1
                                    

Nag-aral akong magluto. Inaral ko pa sa youtube ang paborito niyang carbonara. Hindi ko sigurado kung pasok sa lasa niya pero no'ng tinikman ko kanina ay okay naman. Wala namang espesyal na okasyon pero gusto ko lang siyang sorpresahin. Gusto kong magsorry sa mga pinagsasabi ko last time at sa kawalan ko ng tiwala sa kaniya.

Napasulyap ako sa cellphone pagpasok sa elevator. Wala pa rin siyang reply pero ayos lang. May extra card naman ako kaya mabubuksan ko 'yon. Mas masosorpresa nga siya kapag nadatnan akong nandito na.

Lalo akong napangiti nang bumukas ang elevator. Dumiretso ako sa paglalakad at saka iniswipe ang card na binigay pa ni Lauren. Pagpasok ay nakabukas na ang mga ilaw kaya lalo akong napangiti. Mukhang nandito na siya. Bitbit ang dalang pagkain ay dumiretso ako sa kusina.

Pero para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita kung anong bumungad sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa paper bag at pakiramdam ko, babagsak ako ano mang oras dahil sa panghihina ng mga tuhod.

Nakaupo si Lauren sa isang silya habang isang lalaki naman ang nagluluto.

"N-nat!" Gulat siyang napatayo nang makita ako. Napalingon din sa akin ang lalaki at mukhang nagtatanong ang mga mata kung sino ako.

"S-she's my--"

"Natalie, friend ni Rachel." Hindi ko na nga alam kung paano ko pa nagawang ngumiti sa ganitong sitwasyon. Hindi ko magawang sulyapan man lang si Lauren dahil alam kong sasabog lang ako.

"Oh hi, I'm George." Pinunasan pa nito ang kamay gamit ang towel sa gilid saka iyon inilahad na tinanggap ko naman agad. Bahagya niyang sinulyapan si Rachel saka ako nginitian, "Her fiancé."

"O-oh." Halos mabasag siguro ang boses ko sa isang salitang nabanggit. Tuluyan na akong naupo sa silya dahil sa panghihina ng tuhod.

Gusto kong manumbat. Gusto kong sigawan si Lauren. Gusto kong magtanong kung bakit may ibang tao rito at lalaki pa. Kung bakit nagpakilala itong fiancé niya.

Akala ko ba hindi siya pumayag. Akala ko ako lang ang pwedeng pumunta sa condo niya. Akala ko. . .

"Ah mauuna na ako." Wika ko habang pinapasadahan ng tingin ang mesa. Base sa mga ingredients alam ko na kung anong niluluto niya. Carbonara. Mukhang hindi na kailangan 'tong niluto ko.

"Agad?" Binalingan niya si Rachel na kanina pang tahimik. "Babe, why don't you accompany your friend? Tapusin ko lang 'to." Nakangiting aniya. Mas lalo lang nagpantig ang mga tainga ko sa narinig.

"H-hindi na. Nagmamadali rin ako. Dumalaw lang talaga ako saglit. Sige, una na 'ko." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil agad na akong tumalikod. Gusto kong sisihin ang sarili. Ang tanga lang. Bakit pa kasi ako nagpumilit na pumunta rito? Siguro kung naghintay na lang ako sa text ni Lauren hindi sasama ng ganito ang loob ko.

'At hindi mo malalaman kung anong totoong nangyayari' sabad ng utak ko. Nalulumo ako. Mas okay bang hindi ko na lang nalaman 'to?

Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko kaya hindi ko alam kung paano ako nakapaglakad pa papuntang parking lot. Gusto ko na lang makaalis dito. Gusto kong magpakalayo layo. Hindi ko na kasi maintindihan si Lauren.

Ang bilis naman. Kagabi ay nag-usap lang kami ni tungkol dito pero bakit biglang. . .

Natawa ako nang pagak at saka pabagsak na naupo sa sementadong kalsada. Nawalan na ako ng pake kung marami man ang nakakakita. Iyak lang ako nang iyak. Tangina, e mas masakit pa 'to no'ng nalaman kong anak ako sa labas.

Mababaliw na yata ako kaiisip kung anong pwedeng mangyari sa kanila sa condo na 'yon. Kung ilang beses niya bang dinala doon ang lalaking 'yon. Kung paano ako?

Cowardless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon