18-Time'sUp

32 3 0
                                    

PROJECT LMSW💡
Chapter 18: Time's up









JAM's POV

Apat na oras.
Binigyan kami ng apat na oras na palugit ng ground zero bago kami patayin.
Nakakulong na kami sa isa sa mga gas chambers dito, sa tingin ko'y dapat pa namin ipag pasalamat na magkakasama pa rin kaming anim.

Magmula noong kunin sila Paolo at Miguel ay hindi pa rin sila bumabalik.

"At least, ligtas silang tatlo 'di ba?" Pinisil ko ang mga kamay ni Toni ng sabihin niya 'yon.

Pinag masdan ko silang lahat, kaniya kaniyang pwesto sa loob ng malaking kwarto, lahat ay may malalim na iniisip.

Tama. Ligtas sila.

••••

"Kasalanan mo 'to di ba??! THIS IS YOUR FAULT!"
Lahat kami ay biglang napatayo ng sinugod ni Keifer si Poch na nakaupo sa kabilang side namin.

"KEIFER!" Pilit naming inaawat si Keifer pero hindi siya nagpapatinag.
Si Poch naman ay sinasalo lang lahat ng suntok at tadyak na binibigay ni Keif, yung mga mata niya, walang emosyon.

"NO! HINDI BA KAYO NAG IISIP?! SIYA ANG NAGDALA SA'TIN SA LUGAR! MALAMANG KATULAD SIYA NI PATRICIA NA TRAYDOR!" Ngayon ko lang nakita si Keif na ganito ka agresibo.

"HINDI TRAYDOR SI PAT! Hindi ba kayo naniniwala sa'kin?!" Napa pikit ako ng marinig na naman si Agnes na umiyak.

"Guys, please tama na—

"SA ORAS NA MALAMAN 'TO NI MOMMY, KAKALAT SA BUONG LUMOS NA TRAYDOR ANG MGA NOBEL. Tandaan mo 'yan, Alfonso." Mariing sabi ni Keif habang dinuduro duro siya, pero tumawa lang si Poch.

"Yeah. You always do those kind of stuffs, right Keifer? Lagi kang nagtatago sa nanay mo. Such a baby—

"POCH!" Hanggat maaga pa ay pinigilan ko na ang sasabihin pa niya. Alanganin akong tumingin kay Keifer na ngayon ay pulang pula na sa galit.

"HOW DARE YOU TO CALL ME THAT—

Hindi ko alam kung anong nangyari pero ngayon ay nasa harap ko na si Andrew at naka bulagta na sa sahig si Keif.

"Ikaw naman matulog Pre."

••••
—2 HOURS LEFT—

"Boss, 'wag naman!"
"Aray, aray! Dahan dahan! Tanginang to!"
"Sige, hawak pa! Pektus ka saken!"

Lahat kami ay napatingin sa selyadong pinto ng biglang bumukas 'yon.

"HUY ULUPONG?! BAT NANDITO KAYO?!"
Boses ni Andrew ang una kong narinig, samantalang ako ay hindi ko maaninaw kung sino ang mga pinasok ng Ground Zero kasama namin dito.

"Dru! Tangina andito ka deeeen!!"
Nagyakapan silang apat sa gitna at tumalon-talon na para bang hindi naman kami mamatay mamaya. Sila pala 'yong mga kababata ni Andrew.

"Kanina pa namin kayo hinahanap! Pinapunta kami ni Tang Pings dun sa lugar para daw sa back up, pero nakita namin na dinala kayo ng Ground Zero. Sumunod kami."

"Ter? Bat kulang kayo? Si Nikoi???"

"Wala, nahiwalay!" Si Jao ang sumagot sa tatlo, na ikinakunot naman ng noo ni Andrew.
Kaming apat ay nagmamasid lang sa kanila, habang si Keifer ay tulog pa rin hanggang ngayon.

"Anong nahiwalay??"

"Sabi niya may titingnan lang daw siya, ang tagal naming naghintay, hindi na bumalik kaya sinundan namin. Tapos ayun! Napunta kami dito."

•••••

"Jam, tatlumpung minuto na lang." mahinang sabi ni Agnes sa'kin.
Natigilan ako ng hilain kami ni Toni papunta sa gitna.
Lahat kami.
Naka pwesto kami pabilog at nakaharap sa isa't isa.

"Wala na tayong marked numbers." Pagkasabi niya non ay saka ako lumingon sa kanilang lahat. Tama siya.

"Maliban sa inyong dalawa." Turo ni Zild sa'ming dalawa ni Poch.

"Ibig sabihin ba, kayong dalawa, mabubuhay kayo?" Mahinang tanong ulit ni Agnes.

Tumawa muna ako bago tumingin sa mata ni Poch.

"Ano ba kayo, sa tingin niyo ba, makaka alis kaming dalawa dito? Kung mamamatay kayo, mamamatay ako."

Dahil peke lang naman ang bagay  na nandito sa mukha ko.
Pagkatapos ko sabihin 'yon ay wala na ulit nagsalita.

"I'm sorry bro sa ginawa ko kanina. I know, I'm a mama's boy. And I swear to the four corners of this fucking room, sa oras na makalabas ako dito, malalaman lahat 'to ni mama."
Lahat kami ay napangiti sa sinabi ni Keif.

"Sa oras na makalabas ako dito, mag di-diet na ako." Sabi ni Andrew, pagkatapos non ay sunod sunod na sila, parang naglalaro lang.

"Pag nakaalis ako dito, kukulutin ko buhok ni Nikoi."
Pagkatapos sabihin nnon ni Ter, lahat sila ay naka tingin sa'kin.

"Ano?" Inosenteng tanong ko.

"Ugh! Bilis na, Jam! Wag ka KJ!" Sabi sa'kin ni Keifer na para bang hindi siya nag wala kanina.
Ang galing.

"Sige, pag natapos na lahat 'to. Sasagutin ko 'yung tanong mo na hindi ko nasagot." Diretso lang akong nakatingin kay Poch na katapat ko ngayon.

Magsasalita sana siya ng biglang tumunog ang speaker na nasa gilid ng kwarto.

"Sorry to interrupt, but your time is already up!" Pagkatapos sabihin 'yon ay nakarinig kami ng mga tawa sa speaker. Malamang ay kanina pa nila kami pinapanood, panigurado akong may nakatagong camera dito.

Pumikit ako ng maramdaman kong Yakap na namin ang isa't isa para hintayin ang katapusan namin.

Walang umiiyak.

Handa na kami.

Hindi ba?

Ilang saglit ang lumipas pero wala pa ring gas na pumupuno sa buong kwarto.
Sa halip ay biglang tumunog ang speaker ng matinis na tunog ang narinig namin.
Tumagal ang tunog na 'yon ng ilang minuto bago humupa.

"Nervous?" Isang pamilyar na boses ang narinig namin.

"Veronica..."

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now