7

35 5 1
                                    










TONI's POV

"No,we're not. Your presence here makes the ambiance awkward, because you are Awkward."

"Anong pinaparating mo?"

"Sino ba masisiyahang kumain kasama ang isang magnanakaw? Walang respeto, walang alam na mga katulad niyo?"

"Sumusobra ka na ah!"

"Alam mo nakakatawa ka e."

"Hey, Jam. That's enough."

"Ganyan yung mga tingin niyo sa'min? Talaga?"

Napapikit ako ng mariin, pinipigilang tumulo ang mga luha ko.
Ang ingay ng mundo, kasabay sa sigawan ng mga taong nakapaligid ko.
Parang dati, katulad lang ng dati.

Isang nakabibinging tunog mila sa speaker ang nagpatigil sa kanila sa pagtatalo. Pinaghahanda kami para sa isang isasagawang test.

Tahimik kaming lahat nang umalis kami sa hapag kainan hanggang sa maghanda para sa test. Pinasuot kaming lahat ng isang puting uniform at dinala patungo sa isang underground facility na nandito rin mismo sa bahay na tinutuluyan namin. Hindi ko nga alam na mayroon palang ganito dito.

Pagpasok namin sa mismong entrada ay bumungad sa akin ang iba't ibang makinarya at kagamitan na hindi ko alam kung para saan. May mga iilan ring sundalo ng Ground Zero na nakabantay sa bawat poste, bukod doon ay iba pang mga tao na nagbabantay sa malalaking screens na wari ko'y mga doktor. Sa pinakagitna ng kwarto ay may siyam na maliliit na partisyon, kaniya-kaniya ay may mga upuan na siya ring naka kabit sa kung anong makina.

"Para naman tayong i-sisilya elektrika." Rinig kong bulong ni Andrew. Inilibot ko ang paningin ko para isa-isa silang tingnan, bqtid ko na wala rin sa kanila ang nakaka alam kung anong mangyayari.

Sinenyasan ni Veronica ang mga armadong sundalo para igiya kami sa kani-kaniyang upuan. Nakita kong sinusubukan pang pumalag ni Jam pero sa huli ay wala rin siyang nagawa. 

"H'wag kayong mag-alala. Sisilipin lang namin ang memorya ninyo. Wala naman kayong dapat ikatakot iyon ay kung wala talagang dapat ikatakot." Malaman na aniya.

Ilang sandali pa ay may mga lumapit rin sa amin para ikabit ang mga kung anu-anong tubo bago kami turukan.
Hindi mapigilang gumapang ng kaba sa dibdib ko, naririnig ko pa na may ilan pang sinasabi si Veronica pero hindi ko na marinig nang maayos. Ilang minuto pa ay pakiramdam ko'y unti-unti kong naririnig ang paghinga at tibok ng puso ko, lumalalim ang paghinga at nahihilo. Gusto kong maduwal, gusto kong alisin ang lahat ng naka kabit sa akin ngunit parang walang lakas ang buong katawan ko para gawin 'yon.
Isang nakakabinging ingay ang nangibabaw, pagkatapos ay mukhang lahat sila ay nagkakagulo. Bakas sa mukha ni Veronica ang kaba at pagkainis, may isinisigaw siya sa gawi ko ngunit hindi ko maintindihan. Taka kong tiningnan ang malapot at malagkit na bagay na naramdaman kong tumulo sa bibig ko.
Dugo?
Ang tanging alam ko lang ay isang doktor ang tumatakbo papalapit sa akin, pagkatapos ay hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari.


^^

"Paraan ho!"
Lakad-takbo ang ginawa ko habang hinahawi ang mga tao sa istasyon ng tren, hindi ko pa man batid kung anong nangyari ay naguunahan nang tumulo ang luha ko.

Nalingat lang akong saglit.

"N-Nay?!"
Malayo pa man ay tanaw ko na kung sino ang tinitingnan nila.

"Padaan ho! Nanay ko po 'yan! NAY!"
Gusto ko siyang abutin, sundan at hilain pabalik.

"NANAY UMUWI NA PO TAYO! NAY!"
Hindi ko mawari kung ilang kamay ang humahawak sakin at kung ilang mga paa ang tinatadyakan ko noong mga oras na 'yon para lang maka-wala sa mga hawak nila.

"NANAY KOOO!"
Umiyak, wala akong magawa kung hindi ang umiyak mula sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko siyang tumakbo.

Isang malakas na kabog ng dibdib ang naramdaman ko ng makita ang mga militar habang tinututok ang armas nila sa direksyon ng Nanay ko.

Bago ko pa sila matakbo at mapigilan sa nais na gawin ay mga putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

Nangangatog na tumingin ako sa gawi niya.

Ang tanging nagawa ko lang noon ay tingnan siya mula sa malayo, tumangis.

Takip ng aking kamay ang bibig ay napaupo na lamang ako sa kinatatayuan, nagtatanong at nagagalit ang musmos kong isipan.

Ilang sandali pa'y hinatak nila ako sa braso at pinilit na tumayo, tinanong ng mga bagay na hindi ko mabatid kung ano.

"Kaano-ano mo siya?"

"Anak ka ba niya?! Sagot!"

"Anong seksyon kayo ng Luz?!"

Kung hindi ko ibubuka ang bibig ko'y hampas sa likod, suntok sa tagiliran at sampal ang inaabot ko.
Gusto ko lang naman isigaw at ipaunawa sa kanila na bata lamang ako.

Sa huli, pinilit nila akong gawin ang mga bagay na hindi ko alam kung para saan at hindi naman sinabi kung bakit.

Labing tatlong taon ako noon, nang iparanas sa'kin ang pait ng buhay.
Kung paanong ang hikbi mo noong bata ka ay magiging bulong na lang ngayong nasa edad ka na.


••••

JAM's POV

Bago pa man mag pang abot sa kung ano ang pagtatalo ay biglang tumunog nang matinis ang audio speaker. Pinaghahanda kami para sa isasagawang test. Nauna si Toni na umalis sa kwartong iyon, balisa, parang wala sa sarili dahil sa nangyari. Sinundan siya ng nag aalalalang si Agnes, habang si Andrew naman ay kumuha muna ng tinapay bago umalis.

"Jam." Sinubukan akong tawagin ni Miguel pero di ko na siya inabalang lingunin pa. Kung ano mang nagyari kanina ay hindi ko talaga nagustuhan.

Mula sa paghahanda ay wala ni isang kumikibo sa amin hanggang sa dalhin kami Tito sa underground facility. I thought this would be the best chance for me to flee, pero masyado maraming armadong sundalo ng Ground Zero ang nagbabantay dito.

Hindi na iba sa akin kung ano ang lugar na bumungad pagpasok sa entrada, ganitong ganito rin kasi ang pinagdalhan sa akin noong kunin—ipinalit nila ako sa lolo ko. Ang pinagkaiba lang ay ang siyam na upuan sa harap namin, malalaking screens at machines.

Isa-isa kaming nilapitan ng mga armadong lalaki para ihatid sa mga pinaglalagyan ng upuan.
"Bitawan niyo nga ako!" Matigas kong sabi. Wala pa man sinasabi sa amin ay may pakiramdam akong hindi maganda ang mangyayari rito.

"H'wag kayong mag-alala. Sisilipin lang namin ang memorya ninyo. Wala naman kayong dapat ikatakot iyon ay kung wala talagang dapat ikatakot." Ani ni Blondie habang nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko, hindi kaya alam niya ang tungkol sa akin?

Wala akong magawa kahit na magpumiglas ako, sa huli ay nandito ako't nakaupo sa isang metal na upuan, may kadena sa kamay at paa. Paniniguro nilang hindi ako gagawa ng kung anong hindi maganda.

Kilala ko ang doktor na ito.
Bulong ko sa sarili. Siya rin ang lalaking nakausap ko noong una akong dalhin dito. May kinuha siyang gamot na ituturok sa akin ngunit bago pa man 'yon mangyari ay may tumunog na nakakabinging alarm.

"Anong nangyayari?" Tanong ko ngunit mukhang ang doktor sa harap ko ay wala ring kaalam-alam.

Natatanaw ko si Veronica na abala kasama ang ibang doktor sa itaas na gawi, lahat sila ay papunta sa iisang direksyon lang. Pati ang doktor na kasama ko ay tumatakbong iniwanan ako.

"ANONG NANGYAYARI?!" Hindi ko makita ang nagaganap dahil sa mga partisyon na naka harang sa bawat isa sa amin, rinig ko rin ang iba na nagtatanong at inaalam ang nagaganap.

Tumanaw ulit ako sa kinaroroonan ni Veronica, paroo't parito siya na para bang may nangyaring hindi inaasahan.

Hindi kaya...

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now