JAM's POV
"Uy? Gising na, nandito na tayo."
Isang marahang tapik ang gumising sa'kin mula sa pagkakaidlip.
Bumungad sa'kin ang mukha ng babaeng kanina ay tumabi sa'kin.Ngumiti siya saglit at nauna ng bumaba ng sasakyan, saktong pagtayo ko naman ay nakasalubong ko 'yong matangkad na wirdo.
"S-sorry."
He mumbled. I only give him a nod as I step back to give way for him.He's really weird.
"Nasan tayo?"
The moment I stepped outside the bus, a vintage style mansion in front of us was the first thing I saw. The lady with the bucket of coffee beans stared at me."Ako ba?"
Napaamang ako dahil sa tanong niya."Ahh, dito daw tayo tutuloy ng isang linggo."
She answered while chewing her beans.It's still indistinct for me what was the real agenda of this project, I thought the Illuminaire will place me into a lab where they'll dissect me into pieces.
Pero ano nga bang mapapala nila kung kakalkalin nila yung mga lamang loob ko?
Ang labo."Pasok na tayo!"
Napapikit ako ng mariin dahil sa nagmamay ari ng boses na umakbay sa'min.Oh shit.
Si Daldalito.Alangang tumingin ako kay Coffee Beans pero mukhang masaya pa siya sa inasal ni Daldalito.
Sa huli, wala akong nagawa kundi magpatianod sa dalawang 'to hanggang sa makapasok kami ng bahay.
•••
"I'm Veronica, and I'll be your Guardian during this project."
Pag papakilala ni Blondie sa amin.
Ngayon ay nasa sala kami ng bahay, tinipon niya kami para daw ipaalam ang lahat patungkol sa Project na 'to.Tahimik akong nagmasid sa paligid.
Si Daldalito ay nakadikit parin sa'min nitong si Coffee beans.
Sa di kalayuan naman ay napapansin kong panay sulyap dito ang magnanakaw, ano bang problema niya sa'kin?Sa kabilang couch ay tulog yung kambal ni Daldalito katabi yung GGSS.
Ang tanging nakikinig lang ay si Nerd, si Bigotilyo at wirdo.Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi nitong si Blondie ang alam ko lang ay biglang nag salita si Daldalito hanggang sa sila ay sunod-sunod na.
"Project LMSW was conducted by the Ground Zero for the Illuminaire. Ang purpose? Para malaman ang lahat patungkol sa mga marked number natin. Of course, hindi lang ito ang pinaka unang nagawang pag-aaral para sa mgamarked numbers. There have been studies before, same odds, same goals. But Illuminaire was never been satisfied with those research.
You know, when you have everything in this earthly world, you'll go beyond measure just to find out about everything that leads your curiosity."
Mahabang litanya niya bago tumingin isa-isa sa amin."At this project, you'll undergo different observations, tests, and anything that will help to us understand deeper about the marked numbers." Tiningnan niya ako na para bang may alam siya.
Nag umpisang gumapang ang kaba sa dibdib ko habang patagal nang patagal ang pagtitig niya sa mga mata ko."Very well!"
Nakahinga ako ng maluwag ng pumalakpak si Blondie."Now, let me tell you what really the main goal of Project LMSW."
Ramdam kong lahat ay natuon ang atensyon sa kaniya sa mga oras na 'yon."Bawiin ang Phoenix Transcript."
As she said those words, a hologram of the Transcript was shown in front of us.
They all gasp as if they knew what Blondie was talking about.Alam nilang lahat, maliban sakin?
Marami na akong nabasang libro kahit bawal sa among mga taga Luz ang matutong bumasa at sumulat. Lahat ng libro sa aklatan ng lolo ko ay nabasa ko na, pero patungkol sa mga ganyang transcript, pero hindi ko pa 'yan nakita.
"P-pero, para saan?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong sa mga katabi ko, napalingon ako kay Coffee beans ng siniko niya ako."Seryoso ka ba diyan?"
Mahinang bulong niya.
Tumango ako.
Sinenyasan niya lang ako na para bang "mamaya na lang."Ilang sandali pa ay may binigay saming mga papel.
"Those are your confidential record for the Illuminaire, and being a part of the Project LMSW means you were given a so called Project privilege."
Kanina ko pa tinititigan ang papel na binigay sa'kin, pwede daw kaming humiling ng kahit na ano mula sa Illuminaire.
Bagay na pwede nilang ibigay pagkatapos o habang ginagawa ang Project na 'to."Jam? Anong nilagay mo?"
Coffe beans asked me while wiggling her eyebrows."Wala naman."
Sabi ko habang pinapasa ang papel namin ni Coffee beans kay Daldalito."T-taga Luz pala kayo?"
Nakita kong yumuko si Toni ng itanong 'yon ni Daldalito."Yes. Jam, Toni, Andrew and Agnes are from Luz."
Singit ni Blondie sa usapan namin.
Pansin ko kung paano sila lumayo, tumahimik at nag iwas ng tingin pagkatapos sabihin 'yon ni Blondie.Oo nga pala.
Muntik ko ng makalimutan.•••••
Napabalikwas ako ng bangon nang may marinig akong mabasag sa baba.
Napatingin ako kay Agnes na nagbabasa ng libro, halatang nag taka rin siya kung ano 'yon.Sa dalawang araw na namalagi kami sa bahay na 'to ay malapit na rin kami sa isa't isa, maliban na lang sa mga taga Lumos na hanggang ngayon ay ilag pa rin sa'min.
Hindi nila kami sinasabay sa oras ng kain nila o kaya naman ay iniiwasan kahit makasalubungan lang.
"Si T-toni?"
Kabadong tanong ko kay Agnes, pareho kaming napatayo.Dali-dali kaming bumaba sa hagdan, habang papalapit sa kusina ay nakakarinig kami ng mga sigawan.
"Kung inaakala mong alam mo na ang lahat, angat ka na sa iba, at utusan mo lang kami dahil taga-Lumos ka, TANGA KA!"
~PAAAK~
Lahat kami ay nagimbal dahil sa nangyari.
Si Toni, sinampal si Pat.
YOU ARE READING
PROJECT: LMSW (Under Revision)
Fiksi IlmiahYear 3065, in a world where everyone was divided into two factions; Lumos where the leaders and the aristocrats live and Luz where the commoners and people in the poverty line stays. A project was performed. A group of strangers. 9 different people...