22-SURREAL

49 4 0
                                    

PROJECT LMSW💡
Chapter 22: Surreal
LONG CHAPTER AHEAD







"SO YOU dreamed about me, huh? How does it go?"
I rolled my eyes when I heard Keifer, halos buong umaga na akong nag kukwento sa kanila kung anong laman ng panaginip ko.

"It's your wedding." Sabi ko habang inilalabas ang mga gagamitin para sa barbecue party. We're in the middle of war between the government and the Socrus pagkatapos ay gusto pa nilang mag barbecue party? Ibang klase.

"Hmm? Is my bride "you know"?" Tanong niya sa'kin, naka ngisi, habang nakabuntot pa rin. Kaya naman tumigil na ako para ibigay sa kaniya ang dala ko at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Keif, it's not you. Hindi ikaw 'yon. Hindi tayo ang mga tao doon."
Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, kahit naman ako ay hindi ko rin alam kung ano ang nakita ko. Ang sigurado lang ako ay nasa kasal kaming siyam.

"And your bride's name is Kiel." dugtong ko na ikinagulat niya, pansin ko ring pati si Pat ay napalingon sa direksyon namin ng mabanggit ko ang pangalan na 'yon.

"I know, she died a year ago. Kaya nga sabi ko sa'yo imposible na tayo ang mga tao sa panaginip ko."
Iniwan ko na si Keifer para bumalik sa Van nila Andrew pero tinawag ako ni Miguel.

"Jam, can we talk?" Tango na lang isinagot ko dahil alam ko naman kung saan papunta ang pag uusap na 'to.

"We noticed that you've been so distant since last week noong makabalik tayo dito, kung tungkol 'yon sa pagiging taga-Socrus mo alam mo naman na—

"Alam ko." Putol ko sa ano mang sasabihin niya habang nakatingin sa gawi ng iba.
Kaniya-kaniyang ginagawa, may inaaliw ang sarili sa hampas ng mga alon, Si Andrew at Freyr ay halatang magkasundo na dahil sa pagkakaperoho nilang dalawa.
Masaya sila.
Kaya dapat masaya na rin ako.
Alam ko.

"Oo naman, Migs. Alam ni Jam 'yon, at kung makakalimutan man niya, handa akong ipaalala."
Naagaw ang atensyon namin kay Toni na kakalabas lang ng van, may dalang tasa ng kape, halatang narinig niya kung anong pinag uusapan namin.

She smiled at me the way she smiled in the bay a week ago. Noong mga oras na iniwan kami ni Freyr para mapag isa, ni hindi kami kumibo, sabay lang namin pinanood ang paglubog ng araw, pagkatapos ay ngumiti siya sa'kin na para bang napakarami niyang sinabi.
Pakiramdam ko noon ay nakinig siya sa'kin kahit wala akong binanggit na kahit ano.
Sa tingin ko'y ganoon naman dapat talaga 'yon, si Toni siya e. Alam niya kung paano lutasin ang mga bagay sa paraang alam niya.

"Oh ano? Tara na. Tuturuan mo pa ako."
Aya niya sa'kin, ni hindi ko man lang napansin na wala na pala si Miguel.
Sa halos isang linggo namin dito kila Andrew ay parang kalmado lang lahat, wala kaming nakikitang motibo o ano mang pagkilos ng Ground Zero at Illuminaire, gayun pa man, kalat na sa buong Lumos na hinahanap kami ng mga awtoridad.

Bilang likas ang talino ni Paolo sa mga ganitong sitwasyon, napag pasyahan nila na gamitin ang mga araw na 'yon sa paghahanda, para kung sakaling matunton kami ay handa kami, hindi katulad noong nakaraan.

"Ang alam ko araw ng pahinga ngayon Toni, kaya nga sila may beach party doon, bakit kasi napaka sipag mong matuto ng mga ganito? Hindi ka naman makikipag talastasan sa Ground Zero sa oras ng labanan."
Biro ko sa kaniya pero sumimangot lang siya atsaka sumimsim ng kape.

"Gusto ko lang maranasan mag-aral Jam, alam mo naman 'yon."
Sagot niya sakin para mapangiti ako ng mapait.

"Alam ko, kaya nga nagtataka ako kung bakit sa'ming walo ay ako pa ang pinili mo para magturo sa'yo."

"Nakikita ko kasi si Savina sa'yo."
Sabi niya habang nakatingin sa kapatid niyang dalaga na kasama nila Pat at Agnes.
Pagdating namin dito noong araw na 'yon ay nalaman namin na pati pala ang tiyuhin ni Agnes at kapatid ni Toni ay dinala rin nila dito bukod kay Lolo.

"Ate!"
Lumapit siya sa'min ng mapansin niyang nakatingin kami sa kanila.
Magandang dalaga si Savi, 'yon kasi ang tawag sa kaniya ni Pat. Nito ko lang din nalaman na kilala pala siya sa Lacroix Academy dahil sa talino niya at galing niya sa teatro.

"C'mon, join us! 'Wag na kayo humindi ni Toni, Jam. After mo maging aloof nitong nakaraan sa'min tatanggi ka pa sa'kin? Ano ka? Main character?"
Natawa ako dahil sa sinabi ni Pat, mukhang nasa magandang mood siya ngayon araw, natural lang talaga ang pagiging masungit at prangka.
Kaya naman wala na kaming nagawa ni Toni kundi sumunod sa kanila.

-

ANG SABI NILA bumibilis daw ang oras kapag masaya ka, bumabagal naman kung malungkot, galit, o wala lang.
Palagi tayong naghahanap ng rason para sumaya sa mga bagay na wala namang katuturan, kapangyarihan, yaman, kontrol sa mga bagay na hindi naman dapat natin pinapakialaman. Kung ako ang tatanungin, ang totoong kasiyahan ay kagaya ng mga oras na 'to.
Sumasayaw kami sa ilalim ng buwan, sabay sa musika na hindi naman namin alam.
Everything just feels like magical, surreal.

Hanggang sa isang nakakabinging sigaw ang nagpahinto sa'min, para kaming nagbalik sa reyalidad.
Lahat kami ay nagkatinginan at nagmadaling tumakbo sa kinaroroonan ni Savi, pagdating namin ay nakita namin ang tulalang dalaga,
sa tabi niya ay isang katawang walang buhay.
Naliligo sa sariling dugo.
Si Nikoi.

Noong gabing 'yon, kung alam ko lang na 'yon na pala ang huling sayaw naming kumpleto, sana pala ay nilubos ko.

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now