NARRATOR's POV
Madilim na ang paligid, umuulan at tanging liwanag lang ng mga kidlat ang nagbibigay tanglaw sa isang lalaking tumatakbo papasok sa kakahuyan.
Nakagapos ang mga kamay niya, alam niya sa sarili niyang kung hindi siya makaka alis ay maaaring ito na ang huling sandali niya sa Sin Brillo.
Kahit puno ng sugat at pasa ang mga binti niya dahil sa pagpapahirap kanina ay kinkailangan niyang tumakas, para masabihan ang iba.
Tatlong putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid, kasunod ay ang pagbagsak niya sa putikan.
Hindi malinaw ang imahe ngunit bago niya ipikit ang mga mata'y isang pigura ng estranghero ang dumalo sa kaniya.
JAM's POV
"Iha, kanina ka pa nakadungaw diyan."
Napangiti ako sa boses ni Lolo, halos dalawang linggo na rin ng makauwi ako galing sa Socrus, halos di ko na makilala ang Luz sa sobrang tahimik.
Marami ang mga nagkalat na poster ng mga taong nawawala, ang iba nga'y pinag lalamayan na kahit hindi pa nakikita ang katawan.
Marahil daw isang gang o kung ano mang grupo ang gumagawa nito.Hindi ko maalis sa isip ko ang pag aalala kila Toni, Andrew at Agnes, pagkatapos ng araw ng mission ay wala na akong naging balita sa iba.
'Coffee?'
Napailing na lang ako ng marinig ang boses niya sa isip ko.
Nababaliw na nga ako.Ang hirap pala ng mawala 'yong mga taong naging parte ng araw-araw mo.
Parang palaging may kulang."Hindi ka ba nilamig sa kwarto mo kagabi? Umulan ng pagka lakas lakas."
"Hindi naman po, Lo."
Napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin kong nakatitig lang siya sa'kin.
"Bakit po?"
"Sige na, maaari ka ng umalis."
"Po?"
"Nako, Jam, Apo. Umalis ka na bago pa mag bago ang isip ko."
Dali-dali ko siyang niyakap, naramdaman ko naman ang pag tapik niya sa likod ko.
"'Wag kang magpapagabi iha, alam mo namang marami ang nawawala sa'tin."
Tahimik kong binabaybay ang daan papunta sa Galeon Market, nalaman ko na ang herbalist pala na binibilhan ko ng mga gamot ni Lolo ay tiyuhin ni Agnes.
Ang buong akala ko'y mataong lugar ang bubungad sakin pagpasok ko sa entrada ay mali ako, kahit ang dating mga pulubi na nagkalat sa daan ay wala kang makikita.
Nakakapanibago, nakakatakot ang katahimikan ng Luz.
Kahit ang kuya ni Lexi ay nawawala rin, hindi ko maintindihan kung bakit siya nasama sa mga nawala samantalang kilala ang mga kuya ni Lexi bilang pinuno ng isa sa mga gang dito sa Luz.
Kung ano o sino man ang may kagagawan sa lahat ng mga ito'y nakapag tataka dahil bakit parang walang ginagawang hakbang ang mga pamunuan ng Luz para dito.
Hindi rin ba sila natatakot o nababahala man lang?"JAM!"
Malayo pa man ay tanaw ko ng tumatakbo si Agnes at Toni palapit sa'kin."Jam! Buti..."
"Sandali lang, pano ko kayo maiintindihan niyan? Kumalma kayo."
Habang sinasabi ko 'yon ay kasabay ang pagkabog ng dibdib ko.Noong nakaraan na tumakbo si Lexi papalapit sa'kin ay hindi maganda ang naging kinalabasan.
Parang nauulit ang mga nangyayari."Tara na, mamaya na lang kami magpapaliwanag!"
Sabay nilang hinatak ang mga kamay ko at wala akong nagawa kundi magpatianod."San ba tayo pupunta?!"
"Kila Andrew!"
Pakiramdam ko'y mababali ang mga tuhod ko ng makarating kami kila Andrew, hindi pa rin nila sinasabi kung ano ba talaga ang nangyayari kaya naman mas lalo akong kinakabahan.
"Tao po?! Tao po!"
Kanina pa namin kinakatok ang minivan na nandito pero walang sumasagot sa'min."Ano ba kasing ginagawa natin dito? Agnes? Toni?"
"Ano, Jam. Kasi—
"Mga tsong! Dito!"
Napunta ang atensyon namin kay Andrew na nasa likuran namin."Dito, bilis!"
Nang sabihin niya yon ay biglang bumukas ang isang underground passage na natatakpan ng mga buhangin.
Parang lahat kaming tatlo ay saglit na namangha, hindi namin inaasahan na may ganito pala sila Andrew.Pagpasok namin sa underground ay isa lang ang pumukaw sa atensyon ko.
"P-pat."
Nagsimulang manubig ang mga mata ko, inilibot ko ang tingin sa kanilang lahat."A-anong nangyari kay Poch?"
Imbis na sagutin ay nag iwas siya ng tingin.Sa harap ko ay si Poch, duguan na nakahiga sa kama , punong puno ng sugat at pasa ang buong katawan.
"Anong nangyari, Pat?"
Nakita kong nilapitan siya ni Agnes at niyapos, mas lalong kumunot ang noo ko."Bakit hindi ka nagsasalita? Toni? Ano ba 'to? Anong nangyari kay Poch?!"
Inis kong pinunas ang mga luha ko ng hanggang ngayon ay walang sumasagot sa tanong ko."ANO BA?! BAKIT HINDI KAYO SUMASAGOT SA'KIN?!"
"Hindi namin alam, Jam." Matalim kong tiningnan Si Andrew.
"Panong hindi alam?! Tangina naman.
PATRICIA! WAG KA UMIYAK DIYAN! SAGUTIN MO'KO!"
Inis akong napasabunot sa sarili kong buhok."Sorry, sorry." Paulit ulit niyang sabi.
Wala akong maintindihan sa sitwasyon ngayon.
Muli akong napatingin sa kaniya, natutulog siya na para bang walang nag aalala, nagagalit at naguguluhan sa kalagayan niya.Ang tanga mo, Poch.
Ang tanga tanga mo.
YOU ARE READING
PROJECT: LMSW (Under Revision)
Science FictionYear 3065, in a world where everyone was divided into two factions; Lumos where the leaders and the aristocrats live and Luz where the commoners and people in the poverty line stays. A project was performed. A group of strangers. 9 different people...