19-Masked

26 3 0
                                    

PROJECT LMSW💡
Chapter 19: Masked










JAM's POV

"Veronica.."

Napaatras kami ng biglang may pumasok na armored van sa loob ng kwarto, dahilan para masira ang pader ng gas chamber.

Bumukas ang driver's door at bumingad sa'min ang isang hindi pamilyar na itsura ng isang lalaki, matipuno pero bakas ang katandaan sa itsura niya, siguro ay doble ng edad namin.

"SAKAY!" Sigaw niya sa'min pero walang sumusunod.

"Dumb*sses! MOVE!" Rinig naming sigaw ni Veronica sa speaker, nag katinginan kami, wala pa ring gumagalaw kaya naman ako na ang nauna at nagmadaling sumakay, isa-isa na rin silang sumunod.

"Marunong ba kayong gumamit ng mga laruan diyan sa likod?" Tanong niya sa'min ng makasakay na kaming lahat.

Ipinasa ni Andrew ang mga baril sa'ming lahat.

"Teka, san tayo pupunta? Hindi tayo pwedeng umalis!"

"Ha! Hoy ikaw bata." Matiim niyang nilingon si Agnes dahil sa sinabi niya.

"Wag kang tanga, tatakas tayo malamang." Sabi niya bago ituon ulit ang tingin sa manibela, akmang paandarin na niya ito pero biglang bumaba si Agnes sa sasakyan.

"AGNES!" sigaw namin.

"SI PAT! IBABALIK KO SI PAT!"

"Shit." Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko bago buksan ang pinto ng sasakyan.

"JAM?! SAN KA PUPUNTA?! DITO KA NA LANG!" Rinig kong sigaw ni Toni.

"Saglit lang ako, sasamahan ko si Agnes."

••••

"Bakit ka pa sumunod?" Tanong niya sa'kin habang tumatakbo kami.

"Alam mo na ba kung san siya hahanapin?" Pag iwas ko sa tanong niya.

"Hindi pa, YUKO!" Agad akong yumuko ng sumigaw siya, may tauhan pala ng Ground Zero sa gawi ko, mabuti na lang at naunahan niya.

"Salamat."

Ubos na ang mga bala ng baril ko, iilan na lang ang kay Agnes, kanina pa namin iniikot ang puting pasilyo na 'to, kung saan saang kwarto na ang pinasok namin pero hindi pa rin namin nahahanap si Pat.

It feels like we're on a maze that changes it wall in every seconds. It's hopeless.

"Agnes, hindi kaya bumalik na si Pat sa Lumos?" Tanong ko ng makapasok kami sa isang bakanteng gas chamber.

Buntong hininga ang sagot niya sa'kin.

"Pwede ka ng bumalik, hahanapin ko pa siya."
Napa pikit ako ng talikuran niya ako para lumabas na.

"Agnes, wait! Hindi naman ganon—

"Saan kayo pupunta? Hindi ba dapat patay na kayo sa mga oras na 'to?"
Bumungad sa'kin ang taga Ground Zero na kumuha sa'min kanina.

Napa atras kami ni Agnes.

"Pat, u-uwi na tayo." Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Agnes, nakatayo sa likod ng taga-Ground zero si Pat, nakayuko.

"Markus, l-let's go. Hayaan mo na ang mga tauhan mo sa kanila." I heard Pat said in small voice.

"ANONG HAYAAN? PATRICIA, NAG IISIP KA BA?!" Pagkasigaw ng lalaking Markus ang pangalan ayon kay Patricia ay mabilis ang mga nangyari.

Bumunot siya ng baril at tinutok sa direksyon ni Agnes, nanlaki ang mga mata ko.

Ilang hakbang ang layo ko sa kaniya, hindi siya gumagalaw sa puwesto niya at nakatingin lang kay Pat, huli na ng makarinig ako ng isang putok.

Bumulagta si Markus.

"Love."
Gimbal pa rin sa nasaksihan ko ay napangiti ako ng makita kong tumakbo si Pat papunta sa direksyon ni Agnes.

"Deleted scene, right?"
"Yes, deleted scene."
Wala mang naintindihan sa kung anong pinag uusapan nila ay hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

•••••

Pagkatapos ng marami pang madugong eksena ay nandito na kami sa loob ng armored van. Kasama si Veronica, pati na rin ang kambal.
Tahimik lang akong nakatingin kay Veronica, nagtataka pa rin sa lahat ng mga nangyayari.

Taga-Ground Zero siya.

She's even part of the project, as our guide.

Pero bakit?

Bakit niya ginagawa 'to?

"We're here." Nagbalik ako sa reyalidad ng sabihin niya 'yon, nandito na uli kami kila Andrew.

Pero paano niyang nalaman ang lugar na ito?

Pagbaba namin ay nakita ko agad si Lolo, nakaupo sa buhanginan, may kausap na hindi ko maaninag.

"LOLO!" I immediately run towards his direction, but something stopped me.

Nakita ko ang kaharap at kausap niya.

Hindi.

Bakit?

She's the masked lady in Socrus.

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now