13

30 2 0
                                    







PAT's POV

They say, I'm a great theater actress, I can be an idol, or a performer.
I can be whoever I want because I'm from Illuminaire, but they're wrong.

As the Heiress of the Nobel family, lahat ng kilos ko ay limitado, maraming bawal, maraming nagtatantya.
Ultimo pirming kilos ko ay sinusukat.

Yes, nakukuha ko ng madalian lahat ng kailangan ko sa isang pitik lang, ang totoo sa'kin galing yung camera ni Toni. Alam ni Poch at Miguel pero di na sila nangialam.

I love performing, arts, and acting. Kasabay ng pagpapalit ko ng mga karakter na ginagampanan ay nakakalimutan ko kahit saglit kung sino ba talaga ako, kung anong obligasyon ko sa mga bagay-bagay.
Aside from theater, I also love doing prosthetics. Pero hindi sa pagkakataong ito.

Inis kong sinuot itong janitor's costume ko pati 'yong ginawa ko kahapong prosthetics ng old man for disguise.
Ha! Ang ganda ganda ko para gawin nilang.. ew Janitor?!

"Pat, parating na si Miguel."
I heard Paolo in my earpiece, kaya naman pumwesto na agad ako. Gusto ko ng matapos 'to para naman mahubad ko na 'to.

"Excuse me sir."
Magalang na sabi ko sa isang matipunong lalaki na nakatalikod sa dadaanan ko.
Oo! Matipuno!
Yung tipong mapapa -oh lala ka!

Abala siya sa pakikipag kwentuhan sa ibang guests kaya naman hindi niya ata ako narinig, nakita ko na si Miguel na palapit kaya naman kailangan ko na ring pumunta sa pwesto ko.

"Macho ka sana kaso bingi, wag na lang."
Inis na bulong ko at saka binangga siya ng malaking trash bin na dala ko.

Ako? Pag tutulakin nila ng trash bin?!
Di pa rin ako makapaniwala na pinapagawa nila sa'kin 'to.

Makakalampas na sana ako sa lalaki pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, ng lingunin ko siya ay biglang nanlamig ang buo kong katawan.

L-Leonard?

•••

JAM's POV

"Jam, bilis!"
Rinig kong sigaw sa'kin ni Paolo sa earpiece.
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kung nasaan man si Pat ngayon, hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa loob ng casino mula sa dinaanan ko kanina pero hindi na mahalaga 'yon.

Isang maling galaw lang ni Pat, mapupurnada ang misyon.

Natanaw ko siyang nakatulala at nakatingin sa lalaking taga Socrus na may hawak ng kamay niya, umakto ako ng kalmado atsaka pumunta sa gawi nila.

"Is Everything okay, Sir?" I asked, tiningnan ko si Pat at sinenyasan na umalis na.
Kasabay non ay ang pagsasalita ni Paolo na bumalik na silang lahat sa convoy namin.

"Who are you?" With a firm, manly voice, he asked.

"I'm the newly appointed manager, sir."
Pakiramdam ko'y ano mang oras ay sasabog ang puso ko dahil sa kaba.
Hindi ko alam kung kakagatin niya aba ang palusot ko.

Pansin ko rin na nakatingin na sa'min ang ibang guests, iba ang itsura ng Socrus, hindi katulad ng Sin Brillo.

Preserved ng Socrus ang kultura na pinanggalingan ng bawat tao dito sa Socrus, kahit ang bansa ng iilang tao dito ay nabura na sa mapa ng mundo dulot ng Catastrophe, ang kaugalian at paniniwala nila'y walang pinagbago.

"See you around then."
Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya 'yon.
I bowed a little before turning around.

"Kaso lang.."
Napahinto ako sa paglalakad.

"I'm the newly appointed manager here at the Wager Place."
Shit.
Parang natuod ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Jam—ka—na!—Jam!—lis—"
Putol putol ang sinasabi ni Paolo sa earpiece, hindi ko maintindihan.
Bakit ngayon pa?!

Luminga-linga ako sa paligid, umaasang may naiwan pa sa kanila.

Pero wala akong nakita.

Rinig ko rin ang dahan-dahang paglapit sa'kin ng kausap ni Pat kanina.
Sa hindi kalayuan ay nakatayo ang babaeng naka maskarang sinasabi ko kila Paolo kanina, wala siyang ginagawa.
Nakatingin sa'kin na para bang pinapanood lang kami.

Ito na ba ang katapusan ko?
Dito sa lugar na 'to?

"JAM! TAKBO!"
Pagkatapos kong marinig ang pamilyar na sigaw na 'yon ay namatay ulit ang mga ilaw, dumilim ang paligid.

Wala akong inaksayang panahon, tumakbo ako pero walang kasiguraduhan ang direksyon,
hanggang sa lumiwanag at umingay ang paligid.

Pinapaulanan na nila ako ng bala.
Shit.
Shit talaga.

Hindi ko alam kung bakit sa sobrang bilis ko nakapasok dito ay ganon naman katagal lumabas, hindi ko na alam kung saan ba ako pumasok kanina!

Napaatras ako ng may mga armadong lalaki sa dapat na dadaanan ko.

"Dito, bilis!"
Hinatak ako ni Poch, wala na akong ibang nagawa kundi sumunod.

^^^END OF FLASHBACK^^^

Mahigpit ang hawak ko sa tubo ng bakal na hawak ko, rinig namin ang mga yabag, maraming yabag na paparating sa direksyon namin.

Palagay ko'y kahit na tumakbo pa kami ay hindi na namin kakayanin.

"Are you ready?"
Ano ka ba naman Poch? Mamatay na tayo tapos itatanong mo kung ready na ba ako? Gago ka ba?!

"Yes."
Sagot ko.

Akmang papuputukan na nila kami ng mga baril nila ng biglang isang armor truck ang sumagasa sa pader.

"DARLING! HOP IN!"

"B-BLONDE?!"
"Ms. Veronica!"
Sabay naming sigaw ni Poch.

Agad kaming sumakay sa Armored truck niya, ang akala namin ay makaka alis na kami pero may mga nag papaputok sa'min.

"Hawakan mo." Inabot ni Blonde sa'kin ang isang baril.

Saglit ko pang tinitigan 'yon bago niya pwersahan ilagay sa kamay ko.

Ang sumunod na nangyari ay nakakatakot para sa'kin.

Ang dugo ng bawat taong taga-Socrus ay tumatalsik, pumipilandit sa windshields ng armored truck na 'to.

"We're done, are you okay, Jam?"
Tanong ni Poch sa'kin.

"You're pale, okay ka—

"Punasan mo 'yang nasa pisngi mo." Di na ako nag abalang tingnan siya, dahil nanginginig ang buong sistema ko dahil sa mga nasaksihan ko.

Parang bumalik sa'kin yung alaala na nakita ko sa istasyon ng tren noong labing dalawa pa lang ako.

"I'm sorry." I heard him mumbled.

Buong biyahe pabalik ay wala akong imik.

"Kailangan mong masanay na makakita ng karahasan, darling. Puno ng karahasan ang mundo, kung lalambot-lambot ka, sa dulo ikaw ang talo."

Paulit ulit kong inisip ang sinabi sa'king 'yon ni Veronica.

"Jam, Poch!"
Sinalubong nila kami ng makababa kami.

"Tapos na."
Sabi ni Miguel ng may ngiti sa'min, hawak ang Pheonix.

"I guess, it's a Mission success?"
Si Keifer.

Lahat sila ay nagsaya ng sabihin niya 'yon, pero may kung anong bumabagabag sa'kin, tapos na nga ba?

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now