SPECIAL Chapter: The Epitome of Lexi

51 5 2
                                    







LEXI's POV

"Lex!"
"Ma, pabukas ng pinto!"
Lexi, bilisan mo!"
Naalis ang tingin ko sa binabasang libro ng biglang kalampagin ng mga kuya ko ang pinto ng bahay namin.

Pareho kaming nagtitigan ni mama na kasalukuyang naghahanda ng pananghalian namin, siya na ang nagbukas ng pinto.

Pumasok sila kuya na nagmamadaling isinara ang mga bintana ng bahay namin.

"Ano bang nangyayari?"
Tanong ko kay kuya Gil, ang panganay namin.
Imbis na sumagot ay hinila niya ako pakyat sa taas ng bahay namin at pinadungaw sa siwang ng binatan.

Mula dito ay tanaw ko ang bahay nila Jam—ang kaibigan ko na napapaligiran ng mga sasakyang pang militar.

"A-anong nangyayari kuya?"

"Makinig ka, alam mo ba kung nasan ngayon si Jam?"
Umiling ako dahil don ay inis na napasabunot si Kuya Gil sa buhok niya, mas lalo akong kinakabahan para kila Jam.
Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

"Kumukuha ang mga militar ng mga taga-Luz para sa bagong proyekto ng Ground Zero."
Singit naman ni kuya Shan sa usapan namin.
Tinakpan niya ang siwang na sinilipan ko kanina.

Nag iba ang tahimik ng paligid.
Hindi 'yong tulad ng dati na normal.
Nagyon ay para bang nag tatago ang lahat.
Kadalasan kasi ay may hindi magandang dahilan ang pagbisita ng mga militar dito sa lugar namin.

"Lexi! Sabi may naka kita daw kay Jam papunta sa Galeon Market!" Sigaw ni Kuya Hiro sa baba, napatingin ako sa dalawa kong kapatid na kasama ko dito.

"Ako na."

"Hindi kuya, ako na. Alam ko kung saan pupunta si Jam."

"Kami na Lexi."

"Hindi pwedeng walang kasama si mama dito sa bahay!"
Pakikipag talo ko sa kanilang dalawa.
Naluluha na ang mga mata ko, kinakabahan, nagtataka at natatakot sa mga pwedeng mangyari.

"B-babalik ako dito, kapag nasundo ko na siya."
Alanganin silang tumango sa'kin bago ko kinuha ang panlamig ko, dire-diretsong bumaba.
Lumingon ako kay mama bago bukaan ang pinto.

Habol ko ang hininga ko habang lumilinga sa paligid, umaasang makikita ko kaagad si Jam.
Hindi ako pwedeng mag aksaya ng oras.

Lumiwanag ang mukha ko ng makita ko siyang palabas na sa bilihan ng mga halamang gamot.

"J-jam." Mahinang usal ko.
Hinawakan niya ako sa balikat para kumalma.

"J-jam, si ano, ano—"

"Lexi, kalma. Paano kita maintindihan niyan?"

"Si Lolo Gus!"

•••••

"Lexi, napadalaw ka. Gabi na."
Ngumiti ako kay Lolo Gus ng makita niya akong pumasok sa kanila.

"Baka po ituwid ni Jam 'tong buhok ko kapag nalaman niyang hindi ko po kayo inaalagaan."
Pasimpleng biro ko, halos isang linggo na rin nong kunin nila si Jam sa'min.

"Hindi pa rin ba siya nahahanap?"
Tinutukoy ni Lolo Gus ang Pangatlo kong kapatid na lalaki, si Kuya Hiro.

Napabuntong hininga ako bago umiling.
Noong nakaraang gabi ay nawala siya.
Bukod sa kaniya ay maraming mga nawawalang tao sa buong bahagi ng Luz, pero kahit na anong apila namin sa mga militar at Chiaro para tulungan kami sa pag hahanap ay wala kaming nakukuha pabalik.

"Huwag ka ng umuwi muna,madilim na."

"Si Lolo naman, diyan lang po sa kalapit na kanto ang bahay namin. Nagpunta lang po talaga ako dito para masigurong uminom kayo ng gamot."
Nakangiting aniya ko.

"Sige po, Lo. Mauna na po ako."

Paglabas ko ay hindi na tulad ng dati ang itsura ng Luz, kung noon ay marami pang tao sa daan ng ganitong oras ng gabi, ngayon ay wala na.

Nagkukumahog silang pumasok sa kani-kanilang bahay sa tuwing papatak ang dilim.

"Hnnggk—"

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig na di pamilyar na tunog.

Nagtago ako sa mga nakasalansan na kahon at sinilip ang pinanggagalingan ng ingay.

Nanlaki ang mata ko.

Isang babae at lalaki ang sapilitang ipinapasok ng mga armadong lalaki sa isang malaking sasakyan.

"S-saklolo..."
titig na titig sa'kin 'yong babae habang sinasabi niya 'yon.

Nagulat ako ng biglang hampasin ng armadong lalaki ang babae kaya siya nawalan ng malay, tuloy ay bahagya kong naitulak ang pinag tataguan ko.

Ang alam ko na lang ay tumatakbo na ako sa mga oras na 'to.

Hindi ako pupwedeng dumiretso sa'min dahil tiyak na pupuntahan nila ako doon, madadamay ang nanay ko't mga kapatid ko.

Pakiramdam ko'y wala ng lakas ang mga binti ko upang tumakbo, namumuo na ang mga luha sa mata ko.

"Patawad, Jam."

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa bahay nila Lolo Gus.
Naabutan ko siyang umiinom ng tsaa, prenteng nakaupo sa kaniyang tumba-tumba.

"Sabi ko na't babalik ka."

_____________________________________________________________________________________________

AN: How's it guys? May mga insights ba kayo regarding this special chap? Hehe, comment kayoo!

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now