Chapter 13

3 0 0
                                    

    Happy Reading!

— Aei Kelly (Iya) P.OV —

"Take him back to your squad."

"Take him back to your squad."

"Take him back to your squad."

"H-how?" Wala sa sariling tanong ko habang nakayuko.

Binalot kami ng katahimikan matapos sabihin ng kung sinong boses na iyon ang sunod naming misyon.

'how?' Kahit sa isip ko'y paulit-ulit kong tinatanong kung paano, Paano, paano?!

Paano namin siya maibabalik sa grupo naming gayong kahit hakbang lang ang gawin namin ay tila'y kaya na niya kaming paslangin!

Bumigat ang pakiramdam at pag-hinga ko sa mga senaryo na nasa isip ko.

Ilang segundo pa'y bigla kaming may narinig na maliliit na yapak.

Habang tumatakbo ang oras ay mas lumalakas ng lumalakas ang yakap, senyales na papalapit ng papalapit ang kung sino mang nilalang papunta rito sa aming kinaroroonan.

Alerto kaming nagkumpulan, Handa ang mga armas. Si joush ay nasa bandang likod namin, naroon at nakahiga parin.

Mabigat ang pag-hinga namin. Hindi kami sigurado, wala kaming alam kung anong nilalang ba ang papalapit rito, kung kakampe ba o kaaway. Nakakatakot dahil walang kasiguraduhan ang aming buhay.

"Mag-handa kayo" Mahinang wika ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking espada. Masakit pa ang ibang bahagi ng katawan ko ngunit alam ko namang kaya ko pa.

Papalapit ng papalapit, Palakas ng palakas ang nga yapak.

Nakikita ko na ang anino na humarang sa liwanag galing sa labas ng daanan ng kweba.

"Hihihihi" Napatakip kami ng tenga dahil sa sobrang tinis ng boses ng kung anong nilalang ito!

Mahina lamang ang boses nito ngunit napakatinis at umaalingaw-ngaw iyon sa loob ng kweba!

Maliliit na tao..

Nanlaki ang mata namin, ngunit umalingaw-ngaw ulit ang ngayon namay malaking boses!

"SINO KAYO?!"

Walang ano-anong nagpalit anyo ang mga nilalang na pumasok sa kweba!

Mukha s-silang mga...

"DUWENDE?!" Sabay-sabay naming sigaw at tumingin sa isat-isa ng may pagkamangha, pagkalito, at pangamba.

Ang kaninang mukhang normal na maliliit na tao ay biglang naging armado.

Naging alerto kami.

"S-sino kayo?!" Tanong ko habang matalim ang matang nakatingin sa maliliit na tao na hula koy hanggang ibabaw ng tuhod ko lamang.

"Kami ang dapat na mag tanong niyan, Sino kayo?!" Nagkatinginan kaming lahat na magkakaibigan.

Kanina lamang ay ang tinis at liit ng boses ng nagsalitang ‘duwende’ ngunit ngayon ay tila sobrang laking tao ito dahil sa laki ng boses nito!

‘Wtf? What kind of  spices y'all are?’

"Kayo ay aming tinatanong! Sino kayo? At bakit kayo nandito sa aming kuta? At sinong nagsabing pwede kayong pumasok sa aming pag-aari? At bakit kayo nandito? Paano kayo napadpad dito? Kalaban ba kayo?!" Dere-deretsong tanong ng maliit na taong nasa unahan.

"Oo nga"
"Oo nga" 
"Oo nga"

Pagsang-ayon pa ng mga kasamahan nito, ang ibang boses ay maliit, ang iba naman ay malalaki. Nakakamangha ngunit nakakatakot rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game World (On-going)Where stories live. Discover now