Chapter 09

17 4 3
                                    

Washout sa mga nagpuyat pero di nakapagsulat! Pati narin sa mga nakachat at di nagkalabel!

Happy Reading!

Hindi ko alam kung na saan ako, napaka dilim ng kapaligiran, puro puno, Wala akong makita, di ko maramdaman ang katawan ko sa sobrang manhid, tanging Sakit lang ang nararamdaman ko, sakit sa likod at kamay, bugbog na bugbog na ang katawan ko, Wala akong magawa, ni Hindi ko maibuka ang kamay ko, Hindi ko maibuka ng maayos ang mata ko.

'tulungan nyo ako'

-Ayana Salamanca (Rina) P.O.V-

Napapa 'sanaol' ako kay Jabez Hihi, Nakakabasa siya ng iniisip ng tao.

"Wag ka mag sanaol, mas astig yung power mo" namula siya.

Kami nalang nila Iya(aei) at Jabez yung gising.

Natawa ako, sabe ko nga eh, grr, nabasa nya tuloy isipan ko.

"Oo na, hahaha. Matulog kana-- ano nga ulet yung name mo dito?" Di ko pa natanong kanina eh, saka bawal 'daw' Kasi sabihin yung totoong name.

"E-eliz."

Kahit samin nahihiya parin siya, Hays!

"Ah HAHAHA, Matulog ka na Eliz." Ngumiti ako saka bumalik sa pag kakahiga.

Ilang minuto pa at narinig ko na ang mahinang hilik niya, marahil ay dahil sa kapaguran.

Tumingin ako sa langit ngunit ang planeta agad ang nahagip ng mata ko. Oo nga pala, makikita namin iyon kahit saan kami.

Napatingin ako sa magkaliwang bahagi. Katabi ko si Jabez at Aleia.

Kanya-kanyang higa kami, nasa gitna namin yung kumpol na kahoy na may apoy, malayo-layo naman saamin kaya no worries.

Ibinalik ko ang tingin ko sa langit. Napapalibutan ng mga bituin ang planeta, nag kalat ang mga ulap at mga bituin.

Eto na naman ako, mag-ooverthink. Tsk!

Gusto ko malaman kung paano kontrolin ang kakayahan ko... Ang mag-iba ng Anyo. Kung sa paningin ng iba ay astig iyon, ganun din ako, ngunit nababahala ako. Hindi ko ito kayang kontrolin, bawat galaw na ginagawa ko habang nasa ibang anyo ay bumabawas sa lakas ko.

I sighed.

Naalala ko yung natanggap naming email bago kami napunta dito. Kung di sana namin inaccept yun sana hindi kami nandito. Bakit ba kasi namin ina-accept yun? Aish, masyado kasi kaming walang pake sa bagay-bagay, pero dapat wala din kaming pake sa email nayun. Di kami lahat nag-iisip that time. Okay, oo na kasalanan nanamin.

I decided to sleep, my thoughts won't help us to bring back the time, it won't help.

-

Nagising ako dahil sa maingay na tunog ng espada.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Nag mulat ako ng mata saka ko ibinangon ako katawan ko paupo.

"WAAAAAAAH!!!"

Napatili ako ng malakas --ay male-- ng SOBRANG LAKAS!

Game World (On-going)Where stories live. Discover now